Chapter 34 PAGKARATING nina Zild at Aza sa malawak at malaking garden ng Royal Palace ay hindi maiwasan ni Aza na mamangha sa dami ng mga rosas na kaniyang nakikita, at iba’t-ibang mga bulaklak ang kaniyang nakikita na sa itsura ng mga ito ay naalagaan ng mabuti. “Ang gaganda nila, ang dami-dami pa! Para akong nasa paraiso ng mga bulaklak, ang gaganda nila Zild.” Natutuwang baling ni Aza kay Zild na nakatayo sa tabi niya. “Alaga lahat ‘yan ni Tita Tiéra, she really loved planting flowers and taking care of it. As I remembered, it’s not like this the last time we came here. “Talaga? Hindi naman nakakapagtaka, ang gaganda ng pagkakatubo nila, talagang inaalagaan sila ng ayos. Nakakatuwa, para tuloy akong na enganyong mag tanim din ng mga bulaklak. Puwede kayang magtanim ng bulaklak sa k

