KINAUMAGAHAN, dahan-dahang paupong bumangon si Aza sa kaniyang hinihigaan na kama, late na siyang nakatulog kagabi kakaisip kay Raizen pero pakiramdam niya ay maganda ang naging tulog niya. "Pakiramdam ko ang aga ng araw ko ngayon, masasabi kong puyat ako dahil si PrinSu lang ang laman ng isipan ko kagabi, pero parang kumpleto ang tulog ko. Malala na ang nararamdaman mo Aza, mas nahuhulog ka at mas lumalalim pa ang nararamdaman mo sa kaniya. Masasaktan ka na naman." pagka-usap ni Aza sa kaniyang sarili. Bumangon na siya sa kama at imbis na sa banyo dumaretso ay tumayo siya sa harapan ng human size mirror meron sa kuwarto at tinitigan ang sarili "Para akong baliw dahil gusto kong ngumiti kahit wala namang espesyal na nangyari sa amin ni PrinSu. Nag-usap lang naman kami, pero parang may

