CHAPTER 89

1251 Words
Chapter 89 Primrose Pov NAIIYAK ako dahil ang laki na ng tiyan ko. Naiiyak din ako dahil malapit na akong manganak. Hinihintay nalang talaga namin na sumakit ang tiyan ko para itakbo ako ni Death sa hospital. Natatawa ako sa itsura ng asawa ko dahil panay ang tanong kung may masakit ba sa 'kin. Alam kong excited na talaga siya na makita ang baby namin dalawa. Excited din ako na makita ang kambal namin ni Death. Pinaghirapan pa naman namin yun. Pawis na pawis kaming pareho gumawa no'n kaya pareho kaming excited. Gusto ko na din lumabas ang baby namin dahil nahihirapan na din ako. Lagi din akong pinupulikat at ang bigat na ng tiyan ko. Pero kahit excited ako ay natatakot parin ako. Natatakot ako na baka hindi ko makayanan ang panganganak. Sana talaga gabayan ako ng mga magulang ko sa panganganak ko. Nilalakasan ko na lang talaga ang loob ko. Hindi ko na nga lang sinasabi kay Death na natatakot ako. Paano ba naman kasing hindi matatakot eh panay ang search ko sa internet. Gusto ko kasing mag normal ako manganak. Kaya talagang kabado ako kung kaya ko bang umire ng dalawang baby. "May masakit ba sa'yo, baby?" Ayan na naman siya. Panglima na niyang tanong yan. "Ikaw ba... may masakit ba sa'yo?" Tanong ko pabalik sa kanya. " Mamaya atakehin ka diyan ng rayuma mo." Dagdag kong sabi kaya pinandilatan niya ako ng mga mata niya. "Nagsisisimula ka na naman, baby ha!" Sabi niya kaya natawa ako. " Pasalamat ka talaga at buntis ka. Baka kanina ka pa sana walang saplot." Dagdag niyang sabi kaya napangiwi ako. "Bakit? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya na agad na lumapit sa 'kin. "Oo. Pero nawala naman agad," sagot ko at pinapakiramdaman ang tiyan ko kung sasakit pa ba. Ngunit ilang minuto lang ay sumakit ulit ang tiyan ko. Ngunit ngayon ay. pati na ang balakang ko ang masakit. "B-Baby.. manganganak na yata ako." Saad ko kaya nakita ko sa mukha ni Death ang pagkatranta. "Wag ka ngang mataranta! Kumalma ka!" Saway ko sa kanya dahil napag usapan na namin 'to. Nag practice pa talaga kami kapag nangyari ang araw na 'to. Pero yung practice namin ay wala lang din palang silbi. Binuhat ako ni Death saka siya naglakad palabas ng bahay. Tinungo niya ang nakaparada niyang kotse at ako na ang nagbukas ng pintuan ng backseat. Namimilipit na ako sa sakit sa tiyan habang pinagpapawisan. Naiiyak ako sa sakit. Ngayon pa lang ay mapapasabi nalang ako na ayaw ko ng mag buntis pa ulit. Ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan saka ko sinabunutan ang buhok niya. "Bakit mo ko sinabunutan, baby?" Tanong pa niya kaya mas lalo akong nainis "Ang sakit eh, kasalanan mo 'to. Bakit mo kasi ako pinutukan?!" Naliyak kong sabi kaya napangiwi siya. "Wag kang mag- alala, baby.. papuputukan pa kita pagkatapos mong manganak." Sagot niya kaya sinuntok ko ang nguso niya. Napamura siya sa suntok ko pero hindi naman na siya nagsalita. Dali- dali niyang isinara ang pinto ng back seat at agad na umikot papuntang driver seat. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at agad na binuhay ang makina ng kotse at pinausad. Huminga ako ng malalim habang nakangiwi sa sobrang sakit. "Aray!! Ang sakit.." sigaw ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Konting tiis lang, baby." Sabi ni Death na natataranta din. "Wait.." saad ko ng hindi pa kami nakakalayo sa gate ng bahay namin. Napahinto naman ang sasakyan at lumingon si uncle sa 'kin. "Ano yun, baby?" Tanong niya. "Yung gamit ng kambal natin? Nailagay mo na ba sa kotse?" Tanong ko pa sakanya. "Yes, baby. Kahapon pa." Sagot naman niya kaya tumango ako. Pinausad agad niya ang sasakyan habang ako naman ay nalukot ang mukha ng sumidhi na naman ang kirot sa tiyan ko. Para bang mapuputol ang bewang ko. "D-Death.. sobrang sakit.." daing ko kaya mas lalong bumilis ang sasakyan namin. "Huminga ka ng malalim baby. Kumalma ka muna. Malapit na tayo." Saad niya kaya sinunod ko ang sinabi niya. Huminga ako ng malalim ngunit ang sakit parin talaga. Hindi nakakatulong ang ginagawa ko. Pinipilit kong hindi umiyak dahil baka maubos lang ang lakas ko sa pag iyak na dapat ay para mamaya ko gamitin kapag umire ako. Ilang sandali lang ay nakarating din kami ni Death sa harap ng hospital. Mabuti nalang at habang papunta kami ay tinawagan na ni Death ang obgyne ko kaya naka abang na sila sa labas ng hospital dala ang stretch bed. Bumaba agad si Death sa kotse at umikot papunta sa backseat. Binuksan niya ang pintuan at agad niya akong binuhat. Napasigaw na naman ako sa sakit at halos malyak na. "Aghh.." daing ko habang nakayakap ako sa leeg ni Death. "Nandito lang ako, baby. Kaya mo yan. Alalahanin mo ang kambal natin," saad ni Death na parang pinapalakas ang loob ko. "Sasamahan kita sa delivery room," sabi pa niya sa 'kin saka ako inilapag sa stretch bed. Hindi ko an alam ang nangyayari sa paligid ko dahil naka focus ako sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko din ay basa ang pagitan ng mga hita ko at narinig ko nalang ang sigaw ng isang babaeng nurse na pumutok na daw ang panubigan ko. Mababaliw yata ako sa sakit. Kahit anong gawin ko ay sobrang sakit talaga. Pumasok sa isipan ko na hindi na talaga ako bubukaka sa harap ng asawa ko para hindi ako mabuntis. Tumingin ako sa paligid at nakita ang obgyne na nasa pagitan ng mga hita ko na para bang tinitignan ang p********e ko. May mga nurse din sa paligid at nasa tabi ko ang asawa ko na tinupad talaga ang pangako niya na sasamahan niya ako kapag manganganak na ako. Mas lalong humilab ang tiyan ko kaya napasigaw na naman ako sa sakit. Pawis na pawis na din ako. Gusto ko ng matapos ang paghihirap ko kaya panay ang dasal ko na sana ay hindi ako pahirapan ng kambal kong anak. Lahat yata ng santo ay natawag ko ng magsabi ang doctor na full cm na daw. Ibig sabihin ay palabas na ang baby. Inipon ko lahat ng lakas ko para sa unang ire. Humugot ako ng malalim na hininga saka ko inalala ang na search ko sa youtube sa tamang pag ire. Mukhang nagagawa ko naman ng tama ngunit kinakapos ako. Bilang naman ng bilang ang nurse na nasa tabi ko na para bang binibilangan ang pag ire ko. Wala yata akong naisip kundi ang sakalin si Death. Dahil sa kanya ay maaga kong naranasan ang sakit na ito. Ang sakit pala talaga manganak. Mahabang ire ang ginawa ko at narinig ang unang iyak ng anak ko. Nakita ko pa na pinasa ng doctor sa isang nurse ang baby ko at pinapire na naman ako para sa pangalawa kong baby. Inipon ko ulit ang lakas ko at binigay ang best ko para mailabas ko agad ang baby. Matagumpay ko naman na gawa yun at narinig ang pangalawa kong baby. Ang sakit na naramdaman ko kanina ay napalitan ng saya dahil narinig ko ang mga iyak ng anak ko. Nakita ko din si Death na naluluha pa at hinalikan ang noo ko. Hindi kasi siya pinalapit sa 'kin kanina at pinatayo lang sa sulok. Sayang talaga at baka nilukot ko na sana ang mukha niya sa sakit na naramdaman ko. Worth it naman ang sakit na sinapit ko dahil nakita ko na ang dalawa kong anak na lalaki. Ang saya pala maging isang ina. Ang sarap sa pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD