Chapter 90
Dark Deathrimith Velasco
Reverie Agustin's Pov
AKO nga pala si Reverie Agustin, first year college na kumukuha ng kursong BSBA.
Working student ako sa gabi pero two or three hours lang ang duty ko.
Ang mama ko at bunso kong kapatid ang kasama ko sa bahay. Wala na kasi akong tatay. Matagal ng namayapa kaya si mama ang nagtaguyod samin. Pero ngayon ay medyo mahina na si mama kaya mas ginusto ko na sa bahay nalang siya. Nakakapagod din kasi ang trabaho niya dahil naglalako siya ng kakanin kahit pa nga tirik ang araw.
Kapag hindi naman yun ginawa ni mama ay baka wala kaming pang baon magkapatid. Minsan, naiisip ko na wag na muna ako mag-aral at ang kapatid ko na lang muna ang pagtapusin ko ng pag-aaral.
Kailangan na kasi talaga ng tulong ni mama eh.. pero ayaw naman niyang pumayag dahil nangako daw siya kay papa na igagapang daw niya ako hanggang college.
Naawa na ako kay mama pero wala na akong magagawa kundi ang magtiwala kay mama. Kailangan namin magtulungan para umasenso ang buhay namin.
Pumasok ako sa isang coffee shop at yun nga ang duty ko ay three hours. Ayos na din yun para kahit papano ay makatulong ako kay mama.
Gabi na din ako nakakauwi sa bahay kaya si mama ay laging nag-aalala sa 'kin. Ang hirap kasi sumakay kapag gabi lalo na kapag rush hour. Kulang nalang ay makipag buno ako para makasakay sa jeep. Kung pwede nga lang sumabit ay ginawa ko na.
Yung kapatid ko naman ay nasa high school na. Kaya gusto ko na muna talagang mag trabaho. Para naman kahit isa samin ay gumraduate.
Papauwi pa lang ako ngayon at naglalakad na naman ako papunta sa sakayan ng jeep. Malamang ay marami na naman nakapila ngayon do'n kaya goodluck nalang sa 'kin.
Sobrang pagod ng nararamdaman ko talaga ngayong araw. Nakakapagod maging disney princess. Para talaga akong prinsesa kasi kawawa araw-araw.
Pangarap ko talaga umagat ang buhay namin nila mama. Hindi naman katula na mayaman na mayaman talaga. Yung saktuhan lang. Yung may pambili lang sa pang araw-araw at hindi magkaroon ng utang.
Nakakapagod din kasi ang magkaroon ng utang. Pero hindi kasi maiwasan lalo na't minsan ay wala pang sahod o minsan naman ay nauubos agad dahil binabayad sa utang.
Wala eh.. pinanganak kaming mahirap kaya hindi kami pwedeng magreklamo. Bagkos ay kailangan namin magsumikap para hindi lang kami hanggang mahirap lang.
Yung mga tiyahin ko naman sa side ni mama ay hindi nila kami kinikilala. Ganun naman talaga, kapag mapera ka mabango ka sakanila. Pero kapag wala ay hindi ka nila kikilanin na kamag anak tapos sasabihan ka pa ng kung ano-ano.
Kapag pasko nga ay lahay ng relatives ni mama ay nag sasama yun lahat. Pwera nalang kay mama na ayaw nilang imbitahan.
Siguro ay ayaw nilang utangan ni mama. Lagi kasi nilang pinagtatawanan si mama dahil puro daw utang. Ang hindi nila alam ay nangungutang si mama dahil para samin. Hindi kasi nila maintindihan yun dahil wala sila sa posisyon namin.
Ganun talaga! Ipapalusot nalang namin sa kabilang tenga namin ang mga sinasabi ng mga kamag anak ni mama. Wala naman kaming mapapala sakanila.
Nakarating ako sa sakayan ny jeep at halos mapabuntong hininga dahil ang haba ng pila talaga. Maiiyak nalang talaga ako sa sitwayon ko. Gabi-gabi ganito ang sinasapit ko.
Ang ibang mga classmate ko ay nasa bahay na nila. Samantalang ako ay nandito pa sa gilid ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan pauwi.
May dumaan na jeep kaya naghanda ako at baka may bumaba. Kailangan ko na naman makipag bardagulan para makasakay ako agad.
Huminto ang jeep kay lumapit ako maging ang ibang pasahero. Para kaming mga zombie na nag aabang na may bumaba para mapalitan namin ang pwesto niya.
May bumaba na dalawa kaya nakahanda na ako para umakyat lalo na't nasa unahan ako. Ngunit sa kasamaang pala ay may bastos na lalaki ang tumulak sa 'kin at unang pinasakay ang girlfriend niya saka siya pumasok din sa loob ng jeep.
"Kita mong nauna ako diba?!" Galit ko sa lalaking pangit. Pareho sila ng jowa niyang pangit. Bwesit!
Sumagot ang lalaki pero hindi ko na masyadong narinig dahil umandar na ang jeep. Pisteng buhay talaga 'to. Mag aabang na naman ako hanggang sa abutin ako dito ng alas 10.
Nagugutom pa naman na ako kaya maiiyak na talaga ako. May project pa akong gagawin mamaya pagdating kaya nakakalungkot ang sitwasyon ko. Gusto ko nalang talaga maging butterfly para palipad- lipad ang ginagawa.
Lumipas ang oras ay sa wakas may dumaan na jeep. Nakasakay ako at abg iba pang pasahero na kasabayan ko din na nag aabang. Nakahinga ako ng maluwag saka ko kinapa ang bulsa ng pantalon ko para kumuha ng pamasahe.
Ngunit kumunot ang noo ko dahil wala akong makapa na wallet. "Huh.." nasabi ko nalang saka tinanggal ang backpack ko at chineck kong nando'n ba ang wallet ko. Pero sigurado kasi ako na nilagay ko sa bulsa ang wallet ko. Nilagay ko pa ang sahod na binigay ng boss ko kanina bago ako nga out.
Nataranta ako dahil nandon lahat ng pera ko at sinahod ko. Bakit naman nawala bigla. Kinapa ko ulit ang bulsa ko ay napansin na may laslas sa bulsa ko. Napasapo ako sa noo ko ng mapagtanto ko na nabiktima ako ng mga magnanakaw. Siguro isa sa mga nakasabay ko na nag abang kanina dahil ang dami talaga namin at siksikan. Hindi lo yata namalayan na nadukutan na pala ako.
Wala na akong nagawa kundi ang mapaluha dahil kailangan ko ang perang yun. Bakit kasi may mga taong ayaw mah trabaho ng tama. Ako pa talaga biniktima nila eh.. pambili ko yun ng gamot ng mama ko.
Hindi ko din alam kung paano ako mamasahe ngayon. Baka bababa na lang siguro ako at magalakad pauwi.
Mukhang napansin ng isang ale ang iyak ko kaya tinanong niya ako kung anong nangyari sa 'kin. Sinabi ko sakanya ang totoo ag pinakita ko pa talaga ang bulsa ng pantalon ko na nilaslas ng mandurukot. Naawa naman sa 'kin ang ale kaya siya na ang nag pamasahe sa 'kin.
Wala akong ginawa kundi ang mag pasalamat sakanya dahil sa ginawa niyang kabutihan. Mabuti nalang talaga at may mabuti parin aa mundo. Pero do'n sa dumukot ng wallet ko ay sana maputol ang kamaya niya. Bwisit siya!
Akala ko talaga ay lalakarin ko na pauwi ang bahay namin dahil wala akong pamasahe. Kabado talaga ako kanina. Ang iniisip ko ngayon ay ano nalang ang ipangbibili kong gamot ni mama bukas.