Chapter 91
Riverie'e Pov
NATATAWA nalang talaga ako sa itsura ko pag-uwi sa bahay. Basang-basa kasi ako dahil sa ulan. Mabuti na nga lang at linggo ngayon kaya okay lang mabasa ako.
Galing ako sa pinapasukan kong trabaho at mabuti nalang dahil hindi 3hours lang ang duty ko. Pinayagan niya akong mag half day para daw mas mahaba ang oras ng duty ko.
Hindi kasi ako pwedeng pag whole day kasi dalawa din kasi kaming working student. Nadagdagan kasi kahapon ng isa.
Nagulat na nga lang ako kahapon na may dumagdag na isa. Ang sabi ay galing daw sa isang school ng college. Pangarap ko pa naman makapasok sa school na yun dahil sabi nila ay pag do'n daw galing sa school na yun ay mabilis makapasok ng trabaho.
Kahit gustuhin ko man pumasok sa school na yun ay hindi din namin kakayanin dahil masyadong mahal ang tuition fee. Hindi nalang ako mangarap ng mataas dahil alam kong hindi ko kayang pumasok sa school na yun. May scholarship naman daw na ino-offer ang school. Pero baka hindi din sapat dahil malamang may baon at mga project o amutan sa school.
Kaya do'n nalang ako sa isang school nag-aaral.
Pero nakakapagtaka talaga ang lalaking yun. Nagulat kasi ako dahil hindi halatang mahirap siya. Ang sabi ng isa sa kasama ko t'wing pumapasok ako ng duty ay scholarship din daw yata ang lalaking yun. Ang oras naman ng duty ay sabay kami.
Pero kanina ay hindi kami sabay. Nauna siyang mag duty kanina.
Hindi talaga bagay sa kanya ang mag working student. Kasi ang puti ng lalaki at mamumula-mula pa ang pisngi na para bang ang b-blush. Isa din sa sinasabi ko ay sobrang gwapo din ng lalaki. Matangkad din siya at hindi halatang college student siya. Hula ko ay nasa 6'0 ang height niya. Matipuno din ang katawan niya kaya pati sila ate na kasama ko sa duty ay nagtitilian at kinikilig.
Kakaiba din ang pangalan niya. Dark Deathrimith Velasco. Ewan ko talaga pero para sa 'kin ay hindi talaga halatang mahirap siya para pumasok na working student.
Hindi din kami nag uusap no'n. Pati ibang crew kasi hindi siya masyadong nagsasalita. Kahapon nga ay nong tinuturuan siya ng isa mga staff ay tango o iling lang ang sagot niya.
Nagtataka tuloy ako kung nagsasalita ba siya o hindi. Baka kasi pipe siya kaya ganun. Pero para namang hindi, hay.. ewan. Bahala yung lalaking yun. Wala naman akong paki basta may trabaho ako ay ayos na.
Magpapahinga na naman ako dahil bukas ay papasok na naman sa school. Tulog na ang mama at kapatid ko. Mabuti nalang at may susi ako ng pinto para hindi ko na sila kailangan gisingin kapag nasa labas na ako ng bahay.
Nangungupahan lang kasi kami sa isang maliit na apartment. May banyo at lababo na din naman sa loob at studio type lang.
Sakto lang samin tatlo nila mama. Nilagyan nalang namin ng kurtina para maging kwarto namin tatlo.
Umupo na muna ako sa sahig dahil napagod talaga ako. Hindi ako napagod sa trabaho eh, napagod ako sa pag abang ng jeep.
Simula din na nadukutan ako ay hindi na ako naglalagay ng pera sa bag at bulsa ko. Sa may sapatos ko na nilalagay para mas safe. Sinisiksik ko sa may sapatos ko dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa gabi lalo na't marami ng loko-loko dito sa mundo.
Kumain naman na ako dahil nilibre ako ni ate kanina. Sabay na din kasi kami nag out kaya nilibre na muna niya ako kaya natuwa ako.
May nakita din ako na itinabi sila mama para sa 'kin na ulam. Pero hindi na ako kumain dahil mas gusto ko pang humiga at matulog na.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig saka ko sinigurado na nakalock na ang pinto. Naka double lock naman yun kaya ayos na.
Kinuha ko lang ang t'walya na nakasabit sa likod ng pinto. Pumasok na din ako ng banyo at naghubad na ng saplot sa katawan. Nagsimula agad akong maligo para makapag pahinga na din ako.
Mabilis lang ang ginawa ko at agad na lumabas ng banyo. Nang matapos yun ay nagbihis na ako.
Wala naman akong skin care. Dasal lang ang ginagawa ko kaya ako maganda.
Humiga na din ako sa higaan namin na nasa sahig lang. Mahimbing na natutulog ang kapatid ko pati na din si mama. Nahiga na din ako sa kama at tumagilid ng higa.
Sa t'wing nakahiga talaga ako kung anong pumapasok sa isipan ko. Naiisip ko kasi kung kailan ako yayaman o di kaya ay kailan ako aasenso. Hindi kasi mawala sa isip ko na baka may mangyari si mama dahil medyo matanda na din at may sakit.
Sana talaga.. humaba pa ang buhay ni mama dahil hindi pa ako yumayaman. Gusto ko kasi talaga makabawi sa kanya sa lahat ng sakripisyo niya samin ng kapatid ko.
Lagi ko talagang dasal na sana ay wag munang bawiin ng panginoon ang buhay ng mama ko ag hayaan akong makabawi muna dahil deserve yun ng mama ko. Naiiyak ako kapag naiisip ko yun dahil paano nalang talaga kami ng kapatid ko kapag may nangyari kay mama.
Ipinikit ko nalang ang mata ko para matulog. Mabuti na lang at 9:30AM ang first subject ko kaya hindi ko kailangan maaga pumunta ng school.
Nakaramdam na ako ng antok kaya hinayaan ko lang hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan, 7:30AM na ako ginising ni mama. Agad naman ako bumangon at nakahanda na ang pagkain namin..
Kumunot pa ang noo ko dahil nandito pa si Jonna. "Bakit nandito ka pa sa bahay? Hindi ka pa naka bihis. Baka malate ka niyan." Sabi ko pa habang nag iinat ng katawan.
"Wala kaming pasok ngayon, ate. May event sa school namin pero hindi ako pumunta." Sagot naman mi Jonna.
"Sana all walang pasok." Sagot ko na lamang saka ako tumayo.
"Magkakape ka na ba?" Tanong ni mama na halatang magpapa init ng tubig.
Wala kasi kaming lamesa kaya sa sahig lang kami kumain. Kapag kasi bumili pa kami ay sisikip na ang bahay namin. Kaya hindi ko na sinubukan pa bumili.
Wala din naman kaming bisita at kami- kami lang naman. Walang magtatangkang bumisita dito na kapamilya ni mama dahil mga matapobre yung mga yun.
Medyo malapit lang naman mga bahay nila dito pero kapag nakakasalubong ko sila sa daan ay parang hindi nila ako kilala.
Hindi naman ako nagtatampo dahil paki ko naman sakanila. Bahala sila sa buhay nila kung ayaw nila samin. Ang mahalaga ay hindi kami humihingi ng tulong sakanila. Yun lang naman yun eh.
Pumasok na muna ako ng banyo at umihi. Nang matapos ako ay lumabas ulit ako at nakitang nakapagtimpla na si mama ng kape ko kaya napangiti ako. "Thank you po, mama." Pagpapasalamat ko kay ngumiti siya sa 'kin.
Nagsimula na din kaming kumain tatlo at kung ano lang ang pinag-uusapan namin. Panay din tanong si mama sa 'kin kung kamusta naman ang trabaho ko at kung hindi ba daw ako nahihirapan na pinagsasabay ang pag-aaral. Hindi ko sinabi na medyo nahihirapan ako dahil ayaw ko siyang mag-alala sa 'kin. Kapag kasi nalaman niya ay titigilin niya ako para siya na naman daw ang mag trabaho dahil kaya pa naman daw niya.