CHAPTER 92

1174 Words
Chapter92 Reverie's Pov TAPOS na ang klase ko kaya naghahanda na ako para pumunta sa pinapasukan kong coffee shop. Inayos ko na ang bag ko saka ako lumabas ng classroom. Naglakad na ako at malalaki ang hakbang para makalabas agad ako. Sasakay pa kasi ako ng jeep para makarating sa pinapasukan ko. May oras pa naman ako pero kailangan ko parin magmadali dahil baka abutan ako ng traffic sa daan at malate ako. Nang makalabas ako ng gate ay halos takbuhin ko na papunta sa jeep para makasakay ako agad. Mabuti na nga lang at nakahanap ako ng jeep na hindi masyadong puno. Nakaupo na ako at inabot ko na kay manong driver ang pamasahe ko dahil nasa likod ako ng driver nakaupo. Tumingin lang ako sa bintana at baka lumagpas ako kapag hindi ko tinignan ang dinaanan ko. May isang beses kasi na lumagpas ako dahil hindi ko tinignan ang dinadaanan namin. Kaya ang ending ay nilakad ko na naman para makarating ako sa coffee shop. Huminga ako ng malalim para ipahinga muna saglit ang katawan ko habang nasa jeep pa ako. Dito nalang yata ako makakapag pahinga. Lumipas ang ilang minuto ay malapit na akong makarating sa coffee shop. Naghahanda na din ako para bumaba. "Para po, manong. Sa tabi lang po." Saad ko kaya agad na iginilid ng driver ang jeep na minamaneho niya. Bumaba ako ng jeep at tumingin muna at baka may sasakyan. Nasa kabilang side kasi ang coffee shop kaya kailangan kong tumawid. Nang makatawid ako ay agad akong pumasok sa coffee shop. Natigilan pa ako sa paghakbang ng makita ko ang bagong working student na nakatingin din sa 'kin. May hawak pa siyang maliit na puting punas at pinupunasan ang mesa. Mukhang sabay pala ang duty namin ngayon. Akala ko kasi ay kanina siyang umaga. Yumukod ako para batiin siya at ngumiti. Ngunit hindi niya ibinalik ang ngiti ko at bumalik sa ginagawa niya. Suplado talaga siya. Bagay sakanya ang pangalan niya eh. Madilim yata ang buhay niya kaya siya pinangalanan ng Dark. Durneritso nalang ako sa room kung saan namin nilalagay ang bag namin. Nang makapasok ako ay itinali ko ang buhok ko para hindi magulo mamaya. Wala naman masyadong pumapasok sa shop kaya maglilinis nalang muna ako pagkatapos ko mag ayos. Ayaw ko makasama yung bago dahil halatang suplado. Sabagay gwapo kasi kaya siguro siya ganun. Pero nakakainis siya ha! Alam naman niya na coffee shop ang pinasukan niya kaya dapat lang na hindi siya mag suplado. Halata naman kasi na mayaman siya. Ang puti niya eh at makinis pa ang balat. Kaya nakakapagtaka talaga ang lalaking 'to. Pumasok tuloy sa isipan ko na baka spy siya sa negosyo ni boss. Sumbong ko kaya siya para magtanda. Lumabas ako ng room at naabutan ang kasama kong bago na working na nag m-mop ng sahig. Hinayaan ko nalang at baka hindi na naman ako pansinin. Manahimik nalang ako kaysa kausapin siya. Kumuha nalang ako ng punas para magpunas ng mga table. Wala pang tao na naman kaya malaya akong makakapunas. Minsan ay ganito talaga dito. May oras na walang tao. Minsan naman ay marami lalo na kapag pay day. Kaya depende talaga sa pera ng mga tao. Habang nagpupunas ako ng table ay aksidente kong natapakan ang walis na hawak ng bagong working student. Hindi ko naman alam na may hawak na pala siyang walis. Kanina naman kasi ay nag m-mop siya. "Sorry.." panghihingi ko ng sorry sa kanya at baka magalit sa 'kin. Bugahan pa ako ng apoy. Hindi naman siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pagwawalis. Medyo natatawa ako dahil marunong pala siya magwalis. Hindi halata sa mukha niya. Hindi ko mapigilan mapalingon sa mga kamay niya dahil maugat na maputi. Nag iwas ako ng tingin at baka mahuli pa niya ako na nakatingin sa. kanya. Pakiramdam ko talaga ay bakla siya. Pero hindi lang niya pinapahalata. Siguro ay ayaw ng pamilya niya na bakla siya kaye nagbabalat kayo. Pero hindi naman halata dahil matipuno naman ang katawan niya. Matapos kung punasan ang isang mesa at inayos ko pa talaga ang maliit na lagayan ng tissue. Nagulat ako ng makita kong nakatingin siya sa 'kin. Nag iwas na naman ako ng tingin at nagkunwari na busy ako. Hindi ko kayang titigan ang mga mata niya dahil parang hinihigop ang kaluluwa ko. "Anong kinukuha mong kurso?" Biglang tanong niya kaya natigilan ako. - Himala naman yata na nagsalita siya. "Ahm.. BSBA" Sagot ko saka tumingin sakanya. "Ikaw?" Tanong ko pa. Nilakasan ko pa talaga ang loob ko. Hindi naman siguro siya magagalit sa tanong ko lalo na't siya naman ang unang nagtanong sa 'kin. Ngunit hindi siya sumagot sa tanong ko kaya napanguso ako. Ang sama "Saan ka naman umuuwi?" Tanong na naman niya. "Bakit mo naman tinatanong?" Tanong ko pabalik. "Gusto ko lang malaman," sabi niya sa bored na boses. "Ah.. sa may San Fabian lang ako. Nangungupahan lang." Pagsasabi ko ng totoo. Nagtatanong siya kung saan ako nakatira eh hindi naman niya tinatanong ang pangalan ko. Hindi ba dapat pangalan ko ang una niyang tatanungin. Pero pwede din na alam na niya ang pangalan ko at baka nasabi na ng kasama namin sa trabaho. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa dumating ang isa naming kasama. Mukhang nag break yata kaya siguro si Dark lang ang nadatnan ko dito. Ngumiti pa si ate kay Dark pero katulad sa 'kin kanina ay hindi din niya ibinalik ang ngiti. Suplado pala talaga siya sa lahat. Akala ko kasi ay sa' kin lang siya suplado. Saktong natapos ako ay biglang may pumasok na dalawang babae. Hindi na ako pumunta sa counter dahil nando'n naman si ate at si Dark. Narinig ko pa ang mahinang tili ng dalawang babae na malamang ay dahil kay Dark. Nag order ang dalawang babae habang si Dark naman ay pinapakinggan ang sinasabi nila. Napa smirked ako dahil hindi nila alam ay may sikretong tinatago yan si Dark. Duda ko talaga bading siya eh. Marami pa naman mga bakla ngayon na hindi na mahahalata na bakla. May classmate din kasi ako na lalaki talaga siya tignan pero mas maarte pa pala sa 'kin. Kaya naging close ko din yun dahil naaaliw ako. Sa katunayan ay siya ang nag sabi sa 'kin na need daw ng coffee shop na 'to ay working student. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na mag apply talaga. Kaya sinasabi ko talaga na bakla talaga yan si Dark. Hindi ako pwedeng magkamali,. Nagdagsaan na ang mga customer namin kaya tumulong na ako kay Dark. Ako ang taga sulat ng mga order habang si Dark ang taga gawa. Hindi ko talaga maiwasan mapatitig sa mga daliri niya dahil mahaba, maugat at maputi. Sana all nalang. Naalala ko tuloy ang mga classmate kong babae na kapag nakakita ng - ganyang uri ng kamay ay pogi na daw sakanila. Pero para sa 'kin ay hindi siya pogi kundi hindi marunong magbalat ng buto. Ganun ang meaning no'n at. Dami lang talaga nilang alam sa buhay. Puro pogi lang ang alam nila talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD