CHAPTER 93

1162 Words
Chapter 93 Reverie's Pov LUMIPAS ang isang linggo na ay nakakapagod araw-araw ang buhay ko Minsan naisip ko nga na sana anak nalang ako ng isang mayaman. Yung anak sa labas. Natatawa nalang ako kapag naiisip ko yun. Wala eh, kahit anong isip ko, mahirap talaga ako. Tapos na ang duty ko sa coffee shop at pauwi na ako. Naglalakad na ako sa gilid ng kalsada para pumunta sa sakayan ng jeep. Linggo ngayon kaya sana wala ng masyadong tao sa sakayan ng jeep. Sana makauwi ako agad. Nagmamadali ang mga hakbang ko hanggang sa natatanaw ko na ang sakayan. Ngunit bigla akong napahinto ng may sumabay sa dinadaanan ko. Nakita ko si Dark na may dalang backpack habang hawak ang cellphone niya. Hindi ko alam kung sinasabayan ba niya ako o nagkataon lang na nagkasabay kami. Hindi ko din sure kung nakikita ba niya ako at alam ba niya dahil naka suot siya ng headset. Naglakad nalang ako muli at hindi na kinalabit si Dark. Baka mapahiya pa ako sa pagiging feeling close ko. Lumingon siya sa 'kin at saktong nagtama ang tingin namin dalawa. Mukhang do'n lang yata niya na realize na ako ang kasabay niya maglakad. "Dito din ba way mo pauwi?" Tanong niya habang mabagal na naglalakad. Ako naman ay binagalan din dahil kinakausap niya ako. Alangan naman bilisan ko habang sumasagot ako. "Ahm.. oo. Ikaw din ba?" Tanong ko dahil ngayon ko lang naman siya nakasabay maglakad. Ilang araw na kaming pareho ng schedule sa duty. "May pupuntahan lang ako kaya dito ako dumaan." Sagot niya sa seryosong boses. "Ah.. kaya pala. Akala ko talaga dito ka din sumasakay." Sagot ko nalamang habang naglalakad ng mabagal. Sabay kaming dalawa, mabagal din kasi ang ginagawa niyang hakbang. "Pwede ba akong magtanong sayo?" Tanong ko at nagdadalawang isip pa talaga ako at baka magalit sa 'kin. Buo na talaga duda ko sa kanya eh.. bakla talaga siya. Gusto ko lang naman malaman kung totoo ba hula ko. "Sige. Pero ako muna ang magtatanong sa'yo." Saad niya kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Ano naman yun?" Tanong ko naman. "Bakit ka pumasok bilang working student sa coffee shop?" Tanong niya sa 'kin. "Ahh.. yun ba? Ahm.. kasi mahirap ang buhay namin eh. Kaya need ko talaga pumasok ng trabaho para tustusan ang pangangailangan ko bilang mag-aaral at sa mama ko na may sakit." Pagsasabi ko ng totoo. "Nasa'n ba tatay mo?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. "Matagal ng namayapa. Yung mama ko naman may sakit sa sobrang sipag niya maglako ng kakanin sa umaga hanggang hapon. Kaya ayon.. bumigay ang katawan. Naisip ko nga na tumigil muna sa pag-aaral para mag trabaho na muna ako. May kapatid din kasi ako na high school kaya gusto ko sana siya na muna mag-aral." Sagot ko na sinabi na ang buhay ko. Para naman akong tanga. Ang tanong lang niya nasan ang papa ko pero yung sagot ko mahaba naman. "Ganun ba. Mabuti at napagsasabay mo ang pag tra-trabaho at pag-aaral mo." Sabi niya sa 'kin. "Wala po eh, kailangan maging matatag sa buhay. Kailangan magsumikap. Eh ikaw? Bakit ka pumasok bilang working student? Hindi kasi halata na mahirap ka. Mukhang mayaman ka kaya nagtataka lang ako."Pagsasabi ko ng totoo dahil yun talaga ang nakikita ko. Yung damit nga niyang suot ngayon ay halatang pang mayaman kaya nakapagtataka talaga siya. Ano yun... trip lang ng mga magulang niya na papasukin siya bilang working student. "Dahil kailangan ko din ng pera," tipid niyang sagot. "Maniwala.. Hindi halata na kailangan mo ng pera. Lokohin mo na ang manager sa coffee shop, wag ako!" Saad ko pa kaya mahina siyang natawa. Natigilan ako ng makita ko ang ngiti niya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti kaya napatulala ako. Gwapo na nga siya nong hindi siya ngumingiti eh. "Totoo ang sinasabi ko. Hindi kasi ako pwedeng umasa sa magulang ko, *sagot niya. "So, mayaman ka nga talaga?" Pangungulit ko pa. Tumawa na naman siya habang naiiling ang ulo. "Hindi. Mga magulang ko lang ang mayaman, ako hindi." Magulo niyang sagot kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Ewan ko sa'yo.." nasabi ko na lamang. "Ano ba tanong mo sa 'kin?" Tanong niya. "Oo nga pala. May tanong pala ako sa'yo pero sana ay wag kang magalit sa 'kin." Nakangiwi kong sabi. Nagdadalawang isip talaga ako. "Depende sa itatanong mo," sabi naman niya kaya napangiwi ako lalo. "Wag na nga lang. Baka magalit ka pa," sabi ko at turningin sa unahan. "Hindi ako magagalit. Ano ba kasi yun?" Tanong niya na para bang sinasabi niya na ayos lang kahit anong tanong ko. "Sigurado ka ha! Kasi napansin ko na may pagka bakloshh ka," sabi ko na diretso ko talaga. "Bakloosh?" Tanong niya habang naka kunot ang noo. "Ano yun?" Tanong niya ulit na para bang hindi niya alam ang ibig sabihin no'n. Nagkukunwari pa talaga. Ganun talaga kapag nahuling kalahi ni Eva. "Naiintindihan kita, girl. Kung nagtatago ka man sa totoo mong kulay. Pero magaling kasi ako kumilatis kaya nahuli ko na green ang dugo mo. "Sabi ko para hindi na siya makahirit pa. "Wag kang mag-alala... safe ang sikreto mo sa 'kin. Hindi ko ipagkakalat kahit kanino. Promise ko yan sa'yo." Sabi ko habang nakataas ang isa kong kamay na para bang nangangako ako na hindi ko ipagkakalat kahit kanino. Napakurap-kurap pa siya ng ilang beses at parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Sabi ko na eh.. bakla talaga siya. Talino ko talaga. "Ano? Hindi ka naka sagot no?" Tanong ko pa habang nakangiti. Sayang talaga, ang gwapo pa naman niya. Pero wala na akong magagawa do'n kung pusong babae man siya. Yun ang binigay ng diyos sakanya eh laya dapat lang na tanggapin. "Ahm.. yeah! Bakla nga ako. Paano mo nahalata?" Tanong niya ng makabawi siya sa pagkabigla. "Malakas pakiramdam ko eh. Tama pala talaga ako. Anyway, hindi na kita tatawaging gwapo dahil maganda na ang tawag ko sa'yo." Sabi ko habang nakangiti. Ngumiti naman siya at hinawi kunwari ang bangs niya kahit wala naman. "Secret lang natin ang totoo kong kulay ha!" Sabi pa sa 'kin ni Dark kaya tumango ako. "Oo ba! Ako pa bal Magaling ako magtago ng secret kaya," sabi ko pa. Bigla akong natigilan ng akbayan ako ni Dark at idinikit pa talaga niya ang katawan ko sakanya. "Friendship na tayao, sister ha!" Sabi niya sa 'kin kaya nawala sa isipan ko ag ginawa niyang pagdidikit sa katawan namin dalawa. "Sige. Friendship na tayo!" Sagot ko naman. Inilabas pa niya ang hinliit niya sa kamay na para bang gusto niyang mangako ako. Tinanggap ko naman yun at inilabas din ang hinliliit ko at nakipag promise sa kanya na friendship na kami. Ang saya ko dahil may kaibigan na akong magandang bakla. Mas gusto ko pa kasi silang kaibigan kaysa sa mga babae eh. Ang saya kaya nila kasama. Hindi na ako magiging lonely kapag pumasok ako sa coffee shop dahil mamita ko na si bhessy Dark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD