Chapter 94
Reverie's Pov
NAGING magkaibigan kami ni Dark kaya masaya ako dahil nagiging close na kami. Tawagan namin dalawa ay bobshie dahil pareho daw kaming may hinaharap. Kaloka talaga siya!
Kapag kami lang dalawa ang magkasama ay lumalabas ang pagka bakla niya. Kapag naman may kasama kami sa shop ay nagiging lalaki siya. Syempre, ayaw niyang malaman ang secret niya kaya supportado ko naman siya. Mabuti nga at hindi siya nahihirapan eh.
Kami lang dalawa ang nasa shop ngayon kaya bakla-baklaan na naman ang salita niya. Natatawa nalang ako habang nagpupunas ng mga mug.
"Uuwi ka ba agad mamaya, bobshie?" Tanong niya sa malanding boses. Baklang 'to. Mas malandi pa sa 'kin talaga.
"Oo eh. Bakit, bobshie?" Tanong ko naman kaya ngumiti siya.
"Bar tayo later," sabi niya.
Napairap naman ako. "Maghahanap ka lang ng pogi do'n eh," sabi ko sa kanya..
Kunwari naman niyang hinawi ang buhok niya kahit wala naman. Nag iimagine lang siya na mahaba ang buhok niya. "Maganda tayo, bobshie. Kaya dapat lang na rumampa tayo." Sagot niya sabay kindat sa' kin.
"Naku! Wala akong panahon mag bar, bobshie. At isa pa, sayang yung pera no! Ipangbibili ko nalang ng gamot ng mama ko." Pagtanggi ko sa alok niya.
"Grabe ka naman, bobshie. Deserve mo din naman magsaya kahit paminsan-paminsan. Sagot ko na alak natin," sabi pa niya kaya hindi ako nakasagot agad. Nagdadalawang isip talaga ako dahil hindi ako pwede pumunta. Hindi pa naman ako nakakatikim ng alak. Sabi nila masakit daw yun sa ulo kaya ayaw kong subukan.
"Ayaw ko, bobshie. Masakit daw sa ulo yun kaya hindi ko na susubukan pa. Saad ko pa kaya inirapan niya ako. Marunong talaga siya mang irap. Natutunan yata niya sa 'kin dahil lagi ko siyang iniirapan dahil ang kulit naman kasi niya. Makulit siyang bakla.
"Sige na.. Saglit lang tayo do'n." Pamimilit pa sa 'kin ng baklang maganda.
"Pag-iisipan ko muna. Ayaw kong malasing bruha ka! Baka hindi ako makalakad. Sabi ko pa kaya hinila naman niya ang dulo ng buhok ko. Ang bad talaga ng baklang 'to eh. Inggit sa mahaba kong buhok.
"Sige na kasi.." pamimilit na naman niya.
Hindi ako nakasagot agad dahil ayaw ko talagang sumama. Pero makulit talaga ang baklang 'to at alam ko na hindi niya ako titigilan sa pangungulit. "Pretty please.." sabi pa niya at nag puppy eyes pa sa harap ko. Mas babae pa talaga siya sa 'kin. Ako ng hindi ko kayang mag puppy eyes eh, baka imbis maging cute ang itsura ko ay baka mukha akong asong ulol.
Napabuga naman ako ng hangin saka ngumuso sa harap ni Dark. "Sige na nga. Basta kapag nalasing ako ihatid mo ko sa bahay namin ha! Kapag hindi mo ko hinatid hihilain ko talaga yang buhok mo." Banta ko pa sakanya.
"I promise, bobshie." Sabi niya sa malanding boses.
Inirapan ko siya saka bumalik sa ginagawa kong paghuhugas ng baso. Malapit naman na ang out namin ni Dark. Sabay talaga kami umuuwi. Pero ang pinagtatakahan ko ay ganun parin ang way niya. Do'n na siya sumasakay. Natanong ko na din sa kanya yun at ang sabi lang niya ay lumipat daw kasi sila ng bahay kaya pareho na daw kami ng jeep na sasakyan.
Natapos na kaming dalawa ni Dark kaya lumabas na kami ng coffee shop. Ang magsasara kasi no'n ay ang dalawa pa naming kasama na mga regular na sa trabaho.
Nagalakad agad kami ni bakla at talagang nakaakbay pa siya sa 'kin. Ganito talaga kaming dalawa simula ng mabuko ko siya na bakla siya. Ayos lang naman sa 'kin dahil pareho lang naman kaming babae. Sabi naman niya na babae talaga daw siya pero nasa katawan ng lalaki.
"Anong iinumin natin, bobshie?" Tanong ko habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada.
"Light lang iinumin natin para hindi ka malasing." Sagot niya kaya tumango ako habang nakangiti.
"Pwede ba juice nalang sa 'kin sa'yo nalang ang alak." Nakangiwi ko pang sabi.
"May juice naman do'n na binebenta kaya yun nalang sa'yo." Saad niya kaya tumango ako.
"Palagi ka ba sa bar?" Tanong ko sakanya dahil parang alam niya yata dơn.
"Oo. Nag tra-trabaho kasi ang kakambal ko do'n." Sagot niya kaya napatigil ako sa paghakbang.
"May kakambal ka? Lalaki o babae?" Tanong ko naman sakanya. Hindi ko kasi talaga inakala na may kakambal siya.
"Lalaki," saad niya.
"Oh.. ganito din ba siya?" Tanong ko saka ipinakita ang kamay ko at may papitik pa.
"No! Lalaki siya. Hindi siya katulad ko." Sagot niya saka inilapit ang mukha niya sa leeg ko na para bang inaamoy. Napatili ako sa ginawa niya dahil first time niyang ginawa yun.
"Bakit mo inamoy ang leeg ko?" Tanong ko pa sakanya dahil sa gulat ko.
"Ang bango ng perfume mo eh. Anong pangalan ng perfume mo para makabili din ako, bobshie." Sabi niya na naiingit na naman sa perfume ko.
"Excuse me, bobshie.. Hiningi ko lang ang perfume na 'to sa classmate ko kanina. Para naman hindi ako mag amoy usok pagpasok ko sa work." Nakangiwi kong sagot dahil kinapalan ko na naman ang mukha ko kanina sa classmate ko. Naubos kasi ang johnson cologne na ginagamit ko kaya nanghingi na lang ako. Bukas pa ako bibili ulit para hindi na ako manghingi ng pabango sa classmate ko.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Dark kaya siniko ko ang dibdib niya. "Nga pala, ano pangalan ng kakambal mo?" Tanong na pinalitan ang topic namin dalawa.
"Black Deathrimus," sagot naman niya agad kaya tumango ako.
"Kakaiba pangalan niyong dalawa ha! Ano ba pangalan ng mama at papa mo?" Tanong ko pa dahil nakakapagtaka talaga ang mga pangalan nilang dalawa.
"Pangalan ng daddy ko ay Death. Si mommy naman ay Primrose." Sagot niya kaya napatango-tango ako.
"Kaya naman pala kakaiba ang pangalan niyong dalawa eh, kakaiba naman din kasi ang pangalan ng daddy mo. Kamatayan talaga?" Paninigurado ko pa.
"Yes. Ang astig nga ng name ni daddy." Sagot niya kaya napangiti ako.
"Pati din naman sa'yo. Ang astig din ng name mo pati na din sa kakambal mo." Saad ko saka ako tumingin sa kalsada dahil tatawid kaming dalawa.
"Dapat pangalan mo ay Rose eh kung naging babae ka lang sana," sabi ko pa. Sakto naman na may paparating na jeep kaya inangat ni Dark ang kamay niya at pinara ang jeep. Huminto naman agad yun at natuwa ako dahil hindi masyadong puno ang jeep.
Sumakay agad kami ni Dark at talagang inalalayan pa niya ako na makaakyat ng jeep. Gentleman din pala 'to si bakloosh kaya natuwa ako. Sayang talaga siya eh, pero yun talaga ang gusto niya sa buhay kaya sino ba naman ako para manghinayang sa kabaklaan niya.
Siya ang nagpamasahe at sinabi niya kung saan kami pupunta. Kinakabahan talaga ako sa pagpunta namin sa bar pero kasama ko naman siya kaya ayos lang naman siguro. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa 'kin. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Dark kapag nalasing ako. Sana lang talaga ay wala akong gawing kakaiba kapag nalasing man ako dahil baka mag dulot lang ako ng kahihiyan kay mama.