CHAPTER 79

1159 Words
Chapter 79 Primrose Pov HINDI na tuloy ang sasabihin ko kay uncle na gusto kong papalitan si ma'am Lady. Naawa na kasi talaga ako sa kanya kaya binigyan ko ng chance. Sana lang talaga ay hindi ako nagkamali na bigyan siya ng pagkataon. Habang kumakain kasi kami kanina ay may naipakita naman siya na picture na totoo ang sinasabi niya. Kaya naniwala na ako at naisip na tumahik nalang ako kaysa naman dumagdag ako sa problema niya. Pagkatapos namin kumain ay agad na inihatid namin si ma'am Lady sa bahay niya. Hindi na ako umiimik simula ng kumain kami sa restaurant. Sino ba naman kasing gaganahan kumain kung napagkamalan na mag boyfriend at mag girlfriend si uncle at ma'am Lady. Habang ako ay napagkamalan na sabit lang sa date. Humingi pa ng sorry ang waiter ng sawayin ni uncle ang sinabi niya na bagay sila ni ma'am Lady. Kaya ayon... nawalan ako ng gana kumain kahit pa nga nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko. Si ma'am Lady naman ay nilalagyan ang plato ni uncle dahil pinapatikim lang niya ang pagkain niya. Lumalabas talaga ang sungay ko pero ng maalala ko ang pinagdadaanan niya sa buhay ay tahimik nalang ako. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsasalita habang nakatingin sa labas ng bintana. Naihatid na namin kanina si ma'am Lady pero hindi ako lumipat ng upo sa passenger seat. Bahala mag mukhang driver ang uncle ko. Wala talaga ako sa mood makipag usap sa kanya. "Baby.." tawag ni uncle sa atensyon ko. "Hmm.." tugon ko na lamang habang hindi siya nililingon. "Are you okay? Kanina ka pa tahimik." Sabi niya sa nag-aalalang boses. "Ayos lang ako. Napagod lang ako at gusto ko na munang magpahinga." Sagot ko. "Galit ka ba sa 'kin?" Tanong na naman niya. Gusto ko sanang sabihin na oo galit ako sakanya. Pero ako naman ang idadahilan ko. Sasabihin ko na galit ako dahil sumasagot siya kapag kinakausap siya ni ma'am Lady kanina sa restaurant. Masyado naman yatang mababaw ang dahilan na yun. Umiling ako. "Hindi," tipid kong sagot sa kanya. Narinig ko naman ang buntong hininga ni uncle pero hindi ko na pinansin yun. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi parin ako nagsasalita. Dire- deritso din akong bumaba ng kotse at hindi na hihintay pa na pagbuksan ako ni uncle Death. Narinig ko pa na tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon. Agad akong umakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto. Nang makapasok ako ay nilock ko ang pinto at sinigurado kong naka double lock para hindi siya makapasok. Naglakad ako papunta sa kama at humiga. Patagilid akong nakahiga at hindi mapigilang maiyak. Ewan ko ba kung bakit ako naiiyak. Naiinis kasi talaga ako sa sinabi ng waiter na mas bagay si uncle at ma'am Lady. Hindi ko talaga makalimutan yun kaya pauulit ulit na pumapasok sa isipan ko. Narinig ko ang mahinang katok ni uncle sa pinto ng kwarto ko ngunit hindi ako bumangon. Ayaw ko muna siyang harapin dahil baka masigawan ko lang siya at mas worst ay baka mag away lang kaming dalawa. Mahirap na, baka e comfort siya ni ma'am Lady. "Primrose! Buksan mo 'tong pinto!" Tawag niya sa 'kin habang kinakalampag ang pinto. "Hayaan mo muna ako, uncle. Gusto kong magpahinga ng mag-isa." Saad ko pa saka ipinikit ang mga mata ko. Alam ko naman na naririnig niya ang sinasabi ko. Hindi na siya kumatok pang muli at sumuko agad sa buhay. Hindi na ako bumangon para magpalit ng damit dahil tinamad na ako. Nakapikit parin ang mga mata ko at hinayaan lang na dalawin ako ng antok. Kinabukasan, nagising ako dahil sa katok ng pinto. Agad akong bumangon at tumingin sa orasan na nakasabit sa wall. Napasarap yata ang tulog ko dahil 9:30AM na. "Baby.. nandiyan na ang teacher mo. Kanina ka pa niya hinihintay." Sabi ni uncle sa labas. "Okay. Lalabas na!" Sagot ko nalamang saka ako tuluyang bumango at inayos ang kama. Dali- dali along pumunta ng banyo para maghilamos na muna. Narinig ko pa ang sinabi ni uncle na pagbuksan ko daw siya ng pinto dahil gusto daw niya akong makita. Pero hindi ako nakinig at deri- deritso akong pumasok ng banyo. Naghilamo agad ako. Nakakahiya naman sa teacher ko kung hindi ako mag-aayos tapos siya mukhang diyosa. Diyosa ng mga hipon. Nang matapos ako ay lumabas ako ng banyo ay lumapit ako sa walk in closet at kumuha ng maikling short at malaking hoodie jacket. Isinuot ko yun saka ko itinali ang buhok ko. Naglagay na din ako ng pabango para naman mabango ako. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto dala ang gamit kong notebook, papel at ballpen. Wala na si uncle sa labas ng kwarto. Siguro ay bumaba na at hindi na ako hinintay pa. Tinungo ko nalang ang hagdan saka ako dahan-dahan na bumaba. Walang tunog ang tsinelas kong pangbahay dahil sobrang lambot nito sa paa. Nagustuhan ko din 'to dahil sobrang gaan lang at safe sa 'king buntis. Nang nasa gitna na ako ng hagdan ay halos mabitawan ko ang hawak kong notebook at papel sa nakita ko. Mukhang nagulat din yata sila ng marinig nila yun kaya itinulak ni uncle si ma'am Lady. "Baby.." sabi pa ni uncle na halatang nag-aalala sa 'kin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung anong ire-react ko. Tatawa ba ako kung makikita kong naghahalikan ang boyfriend ko at teacher ko. Agad na tumakbo papunta sa 'kin si uncle at umakyat ng hagdan para makalapit sa 'kin. "Mali ang nakita mo, baby.. hindi ako ang humalik kundi si "Bakit ka ba nag e-explain sa pamangkin mo, sir Death. Pamangkin mo lang naman siya. Hindi naman siguro masama kung lumandi ka at magkaroon ng relasyon sa babae. Hindi naman buong buhay mo ay iikot lang sa pamangkin mo. Kaya bakit ka nagpapaliwanag. Wala namang mali eh.. single ka, single ako kaya pwede tayo. Ayaw mo no'n may tita na si Primrose." Sabi pa ni ma'am Lady. "Shut up! Get lost, Lady! Wag na wag ka ng babalik dito sa bahay ko!" Galit na galit na sigaw ni uncle na halos mag echo sa buong bahay. Mukhang galit nga siya dahil nakikita ko kung paano umigting ang panga niya habang nakalingon kay ma'am Lady. Tumuon ang tingin ko kay ma'am Lady na halatang nagulat sa sigaw ni unice. Mukhang natakot din yata. "At para sa karagdagang impormasyon para naman hindi mag mukhang tanga at maging desperada sa paghalik sa 'kin ay hindi ko pamangkin si Primrose. Future wife ko siya at dala nya ang baby namin sa kanyang sinapupunan. Kaya umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo at sumunod ka sa mga magulang mo sa kabilang buhay." Banta ni uncle na halatang hindi na nagbibiro. Napalunok naman ng ilang bese si ma'am Lady at natataranta na kinuha ang shoulder bag niya at libro. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay habang nakasunod ang tingin ko sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD