Chapter 80
Primrose Pov
MATAPOS ang nangyari kanina ay agad akong bumalik sa kwarto at nag lock ng pinto. Panay ang katok ni uncle Death at halos masira na ang pinto dahil sa ginagawa niya.
Hinayaan ko lang siya dahil hindi ko makalimutan ang nakita ko. Ang sakit kasi para sa 'kin. Nakita ko kung paano sila naghalikan at hindi man lang niya iniwasan o tinulak agad ang babae. Paano nalang pala kung hindi ako bumaba eh di mas lalo pa silang naghalikan. Sino bang hindi sasama ang loob kung ganung eksena ko sila makikita.
Gusto ko talagang sabunutan ang buhok ni ma'am Lady dahil napaka landi talaga niya. Sabi ko na eh.. may gusto talaga siya sa uncle ko at paawa effect lang talaga niya yun. Siguro ay alam niya na mag re-request ako na papalitan ko siya.
Sana talaga matapilok ang malanding babaeng yun. Magsama sila ni uncle Death. Pareho silang malalandi. Binibigyan lang talaga ako ng sama ng loob ni uncle eh.
"Primrose.. please.. buksan mo na ang pinto. Nagulat lang ako sa ginawa ni Lady. Nagpatulong lang siya sa 'kin na ihipan ko daw ang isang mata niya dahil napuwing daw. Hindi ko naman aakalain na hahalikan niya ako, baby. Please.. wag ka magalit sa 'kin baby. Kagabi mo pa ako hindi pinapansin kaya nag-aalala na ako." Mahaba niyang sabi sa malungkot na boses.
"Lubayan mo muna ako, uncle! Ayaw ko makita pagmumukha mo muna kung pwede lang." Sagot ko saka kinuha ang headset na nasa bedside table. Inabot ko din ang cellphone ko at nagpatugtug ng music.
Humiga ako sa kama habang nakapikit ang mata. Ang lakas din ng tugtog ko para hindi ko na marinig ang boses ni uncle Death.
Kahit kagigising ko lang ay gusto ko nalang matulog ulit. Ngunit hindi ko talaga magawang makatulog dahil nakikita ko parin kung paano naghalikan si uncle at ang teacher kong gaga.
Mababaliw na yata ako. Napangiwi ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko. Agad kong hinawakan yun ay hinaplos para mawala ang kirot. Kasalanan talaga 'to ni teacher gaga eh kung bakit siguro sumasakit ang tiyan ko. Stress na talaga ako kagabi pa tapos dinagdagan pa ngayon.
Napabalikwas ako ng bangon ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok ang uncle ko na nag-aalala ang mukha.
"Masakit ba tiyan mo?" Tanong niya sa 'kin at dali- daling lumapit sa kin.
"Pano mo nalaman?" Takang tanong ko dahil nagulat ako sa sinabi niya.
"May cctv ako sa loob ng kwarto mo, baby. Hindi mo naman natanggal dati nong nilinisan ang kisame." Sabi niya kaya tumingin ako sa kisame na nasaharapan ng kama ko. Effort na effort pa akong maglinis no'n tapos wala pala do'n.
Lumuhod si uncle sa sahig saka hinawakan ang tiyan ko. "Dadalhin kita sa hospital, baby. Saad niya at agad na tumayo. Akmang bubuhatin na sana niya ako ng tinulak ko siya. "Wag mo nga akong hawakan.. sinabi ko ba na pumasok ka sa kwarto?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi! Pero hindi mo ko mapipigilan, baby. Pakinggan mo naman ang paliwanag ko. Wag ka naman mastress baka mapano ang baby natin." Pakiusap niya.
"Paano ako hindi ma s-stress kung makita kitang kahalikan ang malanding bababeng yun! Gusto mo ba hiwalayan kita!!" Galit kong sigaw sa kanya. Kagabi pa talaga ako asar na asar at hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko.
"No! Hindi ako papayag! Wala namang ganyanan, baby. Para mo na din akong pinatay kapag ginawa mo yan sa 'kin." Saad niya na lumuhod na naman sa sahig at hinawakan ang kamay ko.
"Naiinis talaga ako sa'yo, uncle! Gusto kitang isabit patiwarik para magtanda ka!" Galit kong sigaw sa kanya.
"Isabit mo na ako. Basta wag mo lang akong hihiwalayan," sagot na naman niya.
"Sorry na, baby. Kaya ayaw kong nandito ako sa bahay kapag nandito na ang teacher mo. Matagal ko ng nahalata na may gusto siya sa 'kin, baby. Pero hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong mag o-overthink ka na naman at ayaw kong mangyari yun lalo na't buntis ka. Baka mapano ka at ang baby natin. Bawal kang ma stress baby." Sabi niya na para bang nagsusumbong sa 'kin.
"Kahit na.. dapat sinabi mo parin sa 'kin yun. Alam mo naman pala na may gusto siya sa'yo pero bakit hindi mo pa pinalitan? Bakit hinayaan mo parin na mag umpisa siya sa pagtuturo sa 'kin?" Sigaw kong tanong sakanya.
"Baby.. wag kang sumigaw, please.. hindi natin maayos 'to kung magsisigawan tayong dalawa. Huminahon ka lang. Malapit lang ako kaya hindi mo kailangan sumigaw." Sabi niya sa 'kin kaya natauhan ako.
"Nalaman ko na may gusto siya ng matapos ang first class mo sa kanya. Nagtatanong siya kung may girlfriend ba daw ako. Sinabi ko sakanya na may girlfriend na ako at ikaw yun. Ngunit tinatawanan lang niya ako dahil nagbibiro lang daw ako. Hindi ko na pinilit pa dahil hindi ko naman kailangan magpaliwanag pa sa kanya dahil hindi naman siya importanteng tao." Paliwanag niya. "Nag sabi din siya sa 'kin na kailangan daw talaga niya ng trabaho kaya wag ko daw siyang palitan para daw sa pamilya niya. Bago pa pumasok sa isipan mo na papalitan siya ay sinabihan ko na siya. Pero inunahan niya ako ng pakiusap." Dagdag pa niyang sabi kaya inirapan kk siya at sinuntok sa mukha.
"f**k!" Sigaw niya dahil hindi niya inaasahan na susuntukin ko siya.
"Kainis yang pagmumukha mo! Ang sarap basagin." Galit kong sabi habang pinagmamasdan siya na sapo ang labi niya na sinuntok ko.
"Ito ang unang beses na masuntok ako sa mukha, baby. Sayo lang pala ako tatamaan at hindi sa kalaban." Sabi pa niya kaya mas lalo ko siyang inirapan. Sakalin ko siya eh.
Panay parin ang sorry niya at panay ang halik sa tiyan ko. Naiirita na nga ako sa ginagawa niya. Mukhang ayaw niya akong tigilan hanggat hindi ko siya pinapatawad.
Perp nangingibabaw talaga ang inis ko sa kanya kaya hindi ko parin siya pinapansin. Nakahiga na ako sa kama dahil pinagpahinga niya ako. Pinapalabas ko siya sa kwarto pero ayaw naman niyang pumayag.
Tinabihan pa talaga nya ako ng higa at niyakap mula sa likuran. Hindi ako umiimik at hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Nagtanong pa siya kung gusto ko ba daw patayin si teacher gaga para makaganti daw ako. Baliw talaga siya. Ang dali niyang sabihin na pumatay kapag may umaway sa 'kin o nakakaramdam ako ng galit sa isang tao. Lalo na kapag pagseselosan niya ang tao ay talagang magpapaalam sa mundo at makikita talaga si san Pedro.
Kawawa naman kasi si teacher gaga kung patayin siya ni uncle Death dahil lang sa utos ko. Hindi naman ako mababaw na tao na dahil lang sa selos ay mag uutos ako na ipapatay ang isang tao. Ipagdarasal ko nalang na makarma para mas masakit. Mas masakit kasi ang balik ng karma kapag may ginawa kang kasamaan. Yun ang palaging sabi ni mama Georgia sa 'kin nong nabubuhay pa siya.