CHAPTER 60

1205 Words
Chapter 60 Primrose Pov MONDAY ngayon kaya nandito na naman ako sa school. Katulad parin ng dati ay makikinig na naman ako sa teacher habang naghihintay dumating ang recess. Wala ang uncle kong makulit at hinatid lang niya ako sa classroom. Nagpaalam lang siya na babalik din agad pagkatapos ng gagawin daw niya. Pumayag naman ako dahil wala namang mangyayaring masama sa 'kin dito sa school. Ang daming estudyante at teacher kaya alangan naman lumapit sa 'kin si Jewel. Ang lakas naman ng loob niya kung ganun. Lumipas ang isang oras ay natapos ang first subject namin na sinundan agad ng second subject. Mabuti na nga lang at walang mga quiz na binibigay ang mga teacher namin ngayon. Wala pa naman yung taga bigay ng answer sa 'kin. Tumingin ako aa mga classmate ko na may kanya- kanyang ginagawa. Yung iba ay may sariling mundo at walang planong makinig sa teacher. Ako naman ay inaantok din dahil ang hina ng boses ni ma'am. Akala mo'y hinehele ako sa sobrang hina. Ilang sandali pa ay natapos na ang klase namin kaya recess time na. Katulad ng dati ay niyaya ko si Erika na mag merienda. Katulad parin ng ginagawa ko ay nililibre ko parin siya para kahit papano ay mapagaan man lang ang buhay estudyante niya. Katulad parin ng dati ay si Erika ang pumipila para bumili ng pagkain habang ako naman ay hinihintay siya sa table. Pinagmamasdan ko lang si Erika na matyagang nakapila dahil may mga estudyante din na mas nauna pa sa kanya. Habang hinihintay ko siya ay napalingon ako sa babaeng palapit sa 'kin. Estudyante din pero nagtataka ako kung bakit papunta siya sa gawi ko. Akala ko nga ay makikiupo lang siya dito sa table. Pero mukhang nagkamali ako dahil tumayo lang siya harapan ko. May hawak din siyang maliit ba box kaya kumunot ang noo ko. "Hi po!" Bati niya sa 'kin. May po pa talaga eh parang magka edad lang yata kami. "May nagpapabigay po sa kin nito kanina sa labas po ng school. Ang sabi po ay ibigay ko daw po sa'yo." Saad ng babae na nakangiti sa harapan ko. "Para sa 'kin?" Takang tanong ko na talagang tinuro ko pa ang sarili ko. "Opo. Actually po ay kanina pa po 'tong umaga binigay. Hindi ko lang po naibigay po sa'yo agad dahil nalate po kasi ako sa first subject ko po. Kaya pasensya na po." Panghihingi niya ng tawad. "Naku okay lang yun. Wag kang humingi ng sorry." Saad ko naman at tinanggap ang box. "Pwede ko bang malaman kung sino ang nag abot sa'yo ng box?" Tanong ko dahil wala naman akong idea kung sino ang magbibigay sa 'kin ng ganito. "Ahm.. lalaki po eh. Sabi po niya iabot ko po daw sa pamangkin ng may-ari ng school." Sagot ng babae kaya napatango ako. Sino naman kaya ang magbibigay sa 'kin ng ganito. "Thank you ha!" Sabi ko habang nakangiti. Ngumiti naman siya palabik sa 'kin. "Wala po yun. Sige po, alis na po ako." Pagpapaalam niya kaya tumango ako habang nakangiti. Umalis sa harap ko ang babae kaya yumuko ako at tinitigan ng mabuti ang plain na kulay brown box. Hindi ko talaga alam kung kanino galing 'to. Pero masama ang kutob ko sa box na 'to. Gusto kong nalaman kung ano ang laman kaya binuksan ko na habang wala pa si Erika. Sumulyap pa ako sa pwesto ni Erika at nakitang malayo pa siya. Ibinalik ko ang tingin ko sa box saka pinagpatuloy ang ginawa kong pagbukas ng box. Nang magawa ko yun ay tinanggal ko ang takip. Tinignan ko ang loob at puro nakataob na picture ang nando'n. Nagkamali pa yata ako ng bukas kaya nakataob ang mga picture. Kumuha ako ng isang picture at iniharap ko papunta sa kin. Agad na kumunot ang noo ko dahil picture yun ng isang puting crib. Pero wala namang nakalagay ba baby. Nakakapagtaka lang. Kumuha ulit ako ng isa pang picture at nakita ko ang isang baby. Parang newborn 'to dahil halata sa picture. Inilapag ko ang dalawa kong kinuha na picture at kumuha na naman ng ibang picture. Nang makapulot ako ng isa ay isa na namang picture ng baby. Pero ngayon ay napatitig na ako dahil pamilyar sa 'kin ang baby. Titig na titig ako pero hindi ko alam kung sino. Ang alam ko lang ay kilala ko. Pamilyar na pamilyar talaga sa 'kin. Habang nakatitig ako ay biglang pumasok ang photo album ni mama Georgia. Napatulala ako saglit at inalala ang mga picture na nando'n na gustong gusto kong tignan nong bata pa ako. Nakakapagtaka dahil nakita ko na talaga ang mukha ng baby na 'to. Sakakaisip ko ay bigla kong naalala ang mga picture nong baby ako. Do'n ko napagtanto na kaya pamilyar sa 'kin ang mukha ng baby ay dahil ako yun. Tinitigan ko pa ng mabuti at baka nagkamali lang ako. Pero hindi eh.. ako talaga ang nasa picture. Habang ginagawa ko yun ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung sino naman kaya ang magpapadala sa 'kin ng ganito. Lahat ng mga picture ay ako lang. Walang nakasulat na kung ano o kung saan nanggaling ang box. Tinignan ko pang mabuti ang box at baka may address na nakasulat pero wala talaga. Inayos ko ang mga picture at ibinalik sa loob ng mga box. Hindi parin mawala sa isipan ko ang tanong kung bakit may nagpadala sa 'kin ng ganito. Nang maligpit ko ang box ay tinakpan ko 'to agad. Lumingon din ako sa gawi ni Erika dahil siya na ang sunod na nasa linya. Napabuntong hininga ako at itinabi sa gilid ng table. Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung saan galing ang box. Nakita ko si Erika na siya na ang sumunod. Hinintay ko lang siya hanggang sa makabili na nga ang kaibigan ko at may dala na siyang tray papunta sa 'kin. Ang sosyal talaga ng canteen namin ngayon dahil na din sa ginawa kong pag re-request kay uncle Death. Naglakad na papunta si Erika sa 'kin dala ang pagkain na inutos ko sakanya. Inilapag niya sa table saka siya umupo sa katapat kong upuan. "Ang haba ng pila, grabe!" Sabi niya. Natural na mahaba ang pila dahil recess time naman talaga. Yung iba nga nakikipag unahan pa. Kinuha ko na ang gusto kong pagkain at si Erika naman ay kinuha na din ang para sa kanya. Nagpasalamat din siya sa 'kin dahil nilibre ko na naman daw siya. Malaki naman kasi ang baon ko kay uncle Death kaya pwedeng pwede ko talaga siya ilibre. Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan lang kaming dalawa ni Erika. Nagtatawanan kaming dalawa at pinagwalang bahala ko na muna ang box na natanggap ko. Ilang saglit lang ay may narinig akong ring ng cellphone. Hindi sa 'kin yun dahil kay Erika yun. Dali-dali naman niyang kinuha yun sa bulsa ng palda niya at tinignan kung sino ang tumatawag. "Unknown number," sabi pa ng kaibigan ko habang kunot ang noo. Sinagot niya yun kaya nakikinig lang ako sa kanya habang kumakain. Baka kasi mama niya ang tumatawag. Pero nakakunot parin ang noo ni Erika habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Hindi ko kasi marinig dahil hindi naman naka loud speaker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD