Chapter 64
Primrose Pov
TAHIMIK lang akong naglalakad sa gilid ng kalsada habang hawak ang maliit na papel. Sinulat ko kasi ang impormasyon na binigay sa 'kin ni Jewel. Ang kapalit na hinihingi niya ay wag na wag na akong magpapakita sa uncle Death ko. Pumayag naman ako dahil yun nalang ang naisip ko na paraan para naman malaman ko ang totoo kong pagkatao.
Malakas ang loob ko na pumayag dahil alam ko na hindi magkakagusto si uncle Death sa kanya. Kahit ano pang gawin ng babaeng yun ay hindi niya maakit at mapapalitan ang pwesto ko. Alam ko yun dahil sinabi sa kin ni Erika na palagi daw nando'n si uncle sa school. Panay daw ang tanong sa kanya kung kumain na ba daw ako.
Malamang alam ni uncle kung nasa'n ako. Pero hindi niya ako pinuntahan dahil na din siguro na ginagalang niya ang desisyon ko. Hiwalay na kami kaya wala na siyang karapatan na lapitan ako.
Nang makuha ko ang impormasyon ay agad akong nag desisyon na hanapin. Pero bago ako umalis ay sinearch ko na muna ang address na binigay niya kung totoo ba talagang meron. Mamaya kasi ay gawa-gawa lang ng bruha.
Gusto sana akong samahan ni Erika pero hindi ako pumayag para hindi siya mapahamak. Baka madamay siya kaya mas gugustuhin ko pa na ako nalang.
Nakarating naman ako agad sa address na binigay sa 'kin ni Jewel at nagsimula na akong magtanong- tanong tungkol sa bahay ng mga magulang ko.
May nakita akong matandang lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada habang may hawak na tasa. Mukhang nagkakape siya habang pinapanood ang mga taong dumadaan.
Naglakas loob akong lapitan ang matanda. Tumingin agad siya sa 'kin ng makalapit ako sakanya.
"Hello po!" Bati ko muna sa matanda saka ngumiti." Magtatanong lang po sana ako, tay. Baka alam mo po ang exact address po nito?" Tanong ko saka ko inabot ang papel na hawak ko.
Tinanggap naman niya at tinignan ang nakasulat. Kumunot ang noo niya saka nag angat ng tingin sa 'kin. " Alam ko ang address nito, neng. Pero matagal ng walang nakatira sa bahay na yun." Sabi niya kaya nagkaroon ako ng pag-asa.
"Talaga po? Alam mo po kung saan po yan?" Tanong ko pa habang nakangiti.
"Oo. Matagal na akong nakatira dito kaya alam na alam ko ang bahay na nakatayo dito sa lugar namin. Bahay ito ni Laurente Sanchez." Saad niya kaya totoo nga na Sanchez ang nakatira do'n. Tama nga ang sinabi ni Jewel sa 'kin. Laurente ang pangalan ng ama ko. Hindi ko tinanong sa matanda para malaman ko kung magkatugma ba talaga.
"Pero matagal ng patay ang mag-asawang Sanchez, ineng. May isa silang anak pero sanggol pa yun no'n nong pasukin ang bahay nila na hindi pa mga kilalang salarin. Nalaman nalang sa buong lugar na minassacare ang mag-asawa. Wala kaming alam kung nakaligtas ba ang bata o kinuha at binenta sa ibang sindikato." Pagkukwento ng matanda. Hindi ako nakasagot ng marinig ko ang salitang massacare. Ibig sabihin ay talagang pinahirapan sila ni kuya Death.
"Matagal ng walang nakatira sa bahay na yun. Wala ding tumira o may umangkin na kamag-anak. Siguro ay natakot na baka mag multo ang mag-asawa dahil brutal ang pagkamatay ng dalawa. Kaya hanggang ngayon tahimik at naging luma ang bahay na yun na dating maganda at malaking bahay. Mayaman kasi ang pamilya na yun dati kaya nakakagulat ba bigla nalang pinatay." Sabi ng matanda. Nakikinig lang ako at hindi alam ang sasabihin.
"Bakit mo nga pala tinatanong ne?" Tanong ng matanda sa 'kin. Lumunok muna ako ng laway at iniisip kong sasabihin ko ba na ako ang anak nila Sanchez. Oras na para bumalik ako sa totoo kong bahay.
"Ako po kasi ang anak nila. Ako po ang anak ni Laurente Sanchez at Carmela Sanchez." Saad ko na pati ang pangalan ng mama ko ay sinabi ko na para maniwala siya.
Nanlaki naman ang mata ng matanda at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi siya makapaniwala sa narinig niya at talagang hindi siya nakapagsalita agad.
Kailangan kong makumbinsi ang matanda para narin ihatid niya ako sa bahay ng mga magulang ko. Hindi din naman nagtagal ay naniwala na siya dahil magkahawig nga daw kami ng mama ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sinamahan niya ako at hinatid sa dating bahay ng mga magulang ko. Habang naglalakad kami ay kabado ako. Mapupuntahan ko na kasi ang bahay kung saan ako nawalan ng pamilya.
Ang sabi ng matanda ay kung ano daw ang itsura ng bahay dati kung paano pinasok ang bahay ng mga pumatay kay mama at papa ay ganun parin daw ngayon. Wala daw talaga nag tangkang pumasok o umakyat sa bahay namin. May mga tanod din naman kasi na nagbabantay sa bahay namin dahil ang sabi ay malaki daw ang naging ambag ni papa sa buong lugar.
Kaya naman pala kilala si papa dito dahil kahit sa eskwelahan daw ay nag do-donate. Kaya nagtataka ako kung bakit pinatay sila ni uncle Death. Akala ko ba mga masasamang tao lang ang pinapatay ng agency nila. Bakit pati mga magulang ko ay dinamay nila.
Nakarating kami ng matanda sa isang malaking bahay na sa itsura palang sa labas ay halatang luma na at walang nakatira. "Yan ang dating bahay ng ama at mama mo, hija. "Saad ng matanda sa 'kin kaya tumango ako habang pinagmamasdan din ang kabuuan ng bahay.
Nagpasalamat ako sa matanda at nagpaaalam ako na papasok ako sa loob ng bahay. Pinag ingat pa niya ako at baka daw may ahas na nakatira dahil sa tagal na dae na panahon ba wala daw nakatira.
Pumasok ako sa lumang gate at agad na lumapit sa pinto. Pinihit ko ang siradura ng pinto at nakahinga ng maluwag dahil hindi nakalock. Pumasok ako at tinignan ang buong kabuuan ng bahay.
May mga magagandang gamit ngunit naging luma na dahil sa alikabok. May mga bahid ng dugo din sahig na parang matagal na dahil naghalo na yun sa alikabok.
"Ito pala ang bahay namin dati. Saad ko pa habang pinapalibot ang tingin. Napansin ko pa na may picture frame na nasa sahig at basag na 'to. Mukhang matagal ng nahulog yuna. Dali-dali akong lumapit at pinulot ang picture frame na may bubog at puro alikabok. Ipinagpag ko yun at hinihipan para mawala ang alikabok. Nakita ko agad ang litrato ni mama at papa habang karga-karga ako ni mama. Masaya silang nakangiti at nakangiti sa camera.
Hindi ko mapigilang mapaluha dahil hindi ko man lang sila nakilala. Hinaplos ko ang litrato at napahikbi dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kailangan ko 'tong gawin dahil deserve kong malaman ang totoo kong pagkatao.
Inisip ko din na dito na ako titira dahil bahay naman namin 'to. Kaya dapat lang na bumalik ako sa totoo kong bahay. Sigurado ako masaya na ngayon ang mga magulang ko dahil nakabalik na ako at natagpuan ko na ang totoo kong tahanan. Sana pala matagal ko ng inalam ang totoo kong pagkatao kaysa maging marupok sa taong pumatay sa mama at papa ko.