Chapter 65
Primrose Pov
SINIMULAN kong linisan ang bahay nila mama at papa para mawala ang alikabok. Wala akong ginawa kundi ang maglinis maghapon. Umakyat din ako sa second floor at nakitang may mga basag din sa kwarto. Pumasok ako sa isang kwarto na alam kong kay mama at papa.
May mga dugo pa do'n sa kama kaya tinanggal ko ang bedsheet. Nalulungkot ako habang ginagawa ko yun. Lahat yata ng sulok ng bahay ay may bahid ng dugo.
Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang mga basag na bintana para hindi ako pasukin din dito sa loob ng bahay. Ngunit wala akong perang gagamitin kaya balak kong maghanap ng kahoy para ipanghaharang.
Lumapit ako sa cabinet nila mama at papa. Nagbabakasakali ako na baka may makita akong pampalit ng bedsheet. Binuksan ko ang pintuan ng cabinet at burnungad sa 'kin ang alikabok. Mukhang wala akong gagamitin dahil kailangan ko din palang labhan ang mga gamit na nasa loob ng cabinet.
Napabuga ako ng hangin saka isa-isang pinagkukuha ang mga damit at inihulog sa sahig. Nang magawa ko yun ay may nahulog mula sa blouse ni mama. Isa itong maliit na susi kaya dali-dali kong pinulot yun at kumunot ang noo ko dahil nagtaka ako kung para saan ang susi na 'to.
Pinagwalang bahala ko lang yun dahil akala ko ay baka hindi na nagagamit yun na susi at nailagay lang sa nakatuping damit.
Ngunit, unti-unti akong may nakita ng tuluyan kong mailabas ang mga damit. Para itong secret box at sa tingin ko ay ang nakita kong susi ang makakapag bukas nito.
Agad kong binuksan yun at tama nga ako dahil tumunog ang lock nito. Akmang bubuksan ko na sana ng biglang may tumigil nito. Napalingon ako at nakita si uncle Death na nasa likuran ko habang seryosong nakatitig sa 'kin.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat kong tanong at hindi ko man lang naramdaman na nasa likuran ko siya.
"Wag mong bubuksan, baby. Yan ang hinahabol ng agency. Hindi nila mabubuksan hangga't hindi ikaw na anak ni Sanchez ang mabubukas niyan dahil may device ang loob niyan na tanging fingerprint mo lang ang pwedeng makakahawak ng susi at makakapagbukas ng box." Saad ni uncle Death kaya agad kong binitiwan ang box.
"Bakit ka nandito? Baka may bug ka. Masisira ang plano nating dalawa, uncle." Saad ko habang nag aalala na baka masira ang drama naming dalawa.
Yes, nag dra-drama lang kaming dalawa ni uncle. Alam ko ang totoo. Yes, kasali siya sa mga pumasok sa loob ng bahay namin pero hindi siya ang pumatay sa mama at papa ko kundi si Jewel at ang isa pang lalaki. Dapat ay sasali si uncle ngunit hindi niya nagawa yun. Patunay lang ang peklat ko sa braso na lagi kong pinagtatakahan kung bakit may peklat ako do'n simula ng maliit pa lang ako. Ang sabi ni mama Georgia ay nasabit daw ako nong baby pero sinabi na sa 'kin lahat ni uncle.
Siya mismo ang sumagta no'n sa 'kin dahil ang utos ng kasama niyang lalaki ay patayin ako. Hindi niya nagawa dahil umiyak daw ako ng umiyak ng gabing yun.
Habang sila mama at papa ay pinapatay ni Jewel at ang isa pang lalaki. Itinakas daw ako ni uncle at dinala sa hospital upang magamot. Agad daw siyang bumalik dito sa bahay ng mga magulang ko at may daladala na siyang patay na sanggol para palabasin na patay na ako.
Lahat ng yun ay inamin sa 'kin ni uncle ng sabihin ko sakanya na sinasabihan ako ni Jewel nakilala niya ang mga magulang ko. Napag usapan namin ni uncle na ipakita kay Jewel na paniwalang-paniwala ako sa mga sinasabi niya. Pati ang paghahanap ko sa bahay na ito ay drama ko lang. Alam kong nakasunod sa 'kin si Jewel pero hindi ako natatakot dahil alam kong nakasunod sa kin ang mahal kong uncle. Hindi niya ako pababayaan tulad ng pangako niya sa 'kin.
Non una ay nagalit pa ako kay uncle dahil sila ang pumasok sa loob ng bahay. Pero ng ipaliwanag niya ang lahat ay na gets ko naman agad. May hinahabol ang agency sa papa ko na nandito sa loob ng box na 'to. Kaya sila Jewel ay nagka interest kaya biglang sumulpot sa buhay namin ni uncle para makalapit sa 'kin. Kailangan talaga niyang gawin yun para mag away kami ni uncle at umalis ako sa poder ng uncle ko.
Humarap ako sa uncle ko at nakita ko ang malungkot niyang mukha. Pinandilatan ko siya ng mata ko dahil masasayang ang plano namin pati na din nila kuya Ziven at kuya Declan. Sigurado ako na mababatukan talaga siya ng mga kaibigan niya.
"Hindi ko na kaya, baby. Miss na kita. Itigil na natin ang dramang 'to. Gusto na kita makatabi ulit sa kama." Sabi niya sa malungkot ba boses. Sira talaga siya! Baka makita siya ni Jewel.
"Baka makita ka ni Juhmmm.." daing ko ng mabilis niyang sakupin ng halik ang labi ko. Agad ko naman siyang tinulak dahil hindi ito ang oras para maglandian kaming dalawa.
"Uncle!" Saway ko sa kanya.
"I love you, baby. Wag kang makikipaghiwalay sa 'kin kundi kakagatin ko yang c******s mo." Banta niya sa 'kin.
"Manahimik ka nga! Magtago ka na sa loob ng bahay. Ang kulit mo talaga! Sinisira mo ang plano nating lahat eh," reklamo ko dahil sa ginawa niya.
"Sorry na, baby Gusto lang talaga kitang makasama at mayakap. Nasa paligid lamg din sila Ziven at Declan. Lahat sila ay naka alerto kapag pumasok si Jewel dito." Saad niya kaya tumango ako.
Sasagot sana ako ng mabilis niyang sakupin ulit ang labi ko. Mukhang namiss niya ako dahil dalawang araw naman na din na hindi ako umuuwi. Sinadya ko din na patayin ang cellphone ko dahil ang gagang Jewel ay expert sa pang ha-hack. Kaya naman pala nakukuha niya ang mga cellphone number namin ni Erika. Isa din sa talent niya ang manghack ng mga cctv kaya lagi niyang sinasabi na nakikita niya ako dahil pati cctv sa eskwelahan ay hindi nakakaligtas sa kanya.
Yung araw na nag usap kami ni uncle sa sasakyan ay ginalingan ko ang acting ko. Naka bug kasi ang kotse ni uncle. Tatlong araw na yun nilagyan ni Jewel ngunit hindi nagpahalata si uncle at hinayaan lang ang inilagay ni Jewel. Kaya kinailangan kong mag drama at buti nalang nakisabay din ang uncle ko.
Sinadya din ni uncle na mahack ni Jewel ang cctv sa bahay para magmukhang hindi kami handa sa mga gagawin niya. Lahat ay naka plano pero mukhang masisira lang din dahil namiss ako ng uncle kong manyak.
Tinulak ko siya ng mahina at tumingin sa box. "Ano ba kasi ang laman nito, baby?" Tanong ko at wala sa sarili na tinawag siyang baby.
"Tangina! Nagkabuhol-buhol paghinga ko." Sabi pa niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. May panahon pa siya para kiligin.
"Mag seryoso ka nga, uncle! Tatawagan ko talaga si kuya Ziven para isumbong ka." Pananakot ko sakanya kaya nalukot ang mukha niya.
"Pagbuhulin ko pa sila ni Declan." Mayabang niyang sabi. "Miss na kita, baby. Uwi ka na please.." madrama niyang sabi kaya natawa ako at tinulak na naman siya.
"Magtago ka na kasi. Baka mahuli tayo ni Jewel." Sabi ko pa.
Napailing nalang ako sa kakulitan niya at panay ang halik sa 'kin. Makakagat ko talaga ibabang labi niya kapag hindi pa niya ako tinigilan talaga.