Chapter 67
Primrose POV
NAGLALABAN parin si uncle Death at Jewel at halos magsaksakan ang dalawa. Nagugulat ako habang pinapanood sila at hindi ko kayang manonood. Sino ba naman gugustuhin manood ng naglalaban.
"Papatayin ko ang minamahal mo, Death." Galit na sabi ni Jewel habang inaatake ng suntok si uncle Death.
"Hindi mo magagawa yun dahil ikaw ang papatayin ko," sagot naman ng uncle ko na binalibag si Jewel. Sa tindi ng pagkakabagsak ay napasigaw sa sakit si Jewel dahil tumama ang likod niya sa sahig.
"Uncle.." tawag ko sa uncle ko. Natatakot ako sa plano namin na patayin si Jewel. Yun lang daw ang paraan para mawala na ang babae at bumalik kami sa dati naming payapang buhay.
Tumingin sa 'kin ang uncle ko saka tinapakan ang leeg ni Jewel. Pilit na tinutulak ni Jewel ang paa ni uncle. Ngunit mas lalong diniinan niya ang pagtapak sa
leeg ni Jewel saka pinaglaruan ang kutsilyo sa kanyang kamay.
"Walang sino man ang pwedeng magbanta kay Primrose. Kamatayan ang sino mang may masamang balak sa babaeng mahal ko." Walang emosyon na sabi ni uncle Death at napatili ako ng isaksak niya ang hawak niyang kutsilyo sa ulo ni Jewel.
Nanginig ang mga binti ko sa takot kay uncle dahil nakakatakot pala talaga siya. Hindi man lang siya nagdalawang isip na pumatay. Halatang sanay na talaga siya.
Tuluyang nawalan ng hininga si Jewel at bumagsak ang dalawang kamay niya na kanina lang ay tinutulak ang paa ni uncle Death.
Bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok do'n si kuya Ziven at kuya Declan. Masamang tinignan ni uncle Death yun dahil siguro hindi sila dumating agad.
"Sabi ko sa'yo eh.. hindi na tayo kailangan." Sabi pa ni kuya Ziven na tinapik pa talaga ang dibdib ni kuya Declan.
"Akala ko kasi may kasama si Jewel kaya gusto kong pumunta agad," sagot naman ni kuya Declan.
"May kasama?" Tanong ni uncle Death.
"Oo. Nakita ko siya mula sa sniper gun ko. May kasama siyang lalaki kanina. Mukhang kasamahan niya yun." Sagot ni kuya Ziven na pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Kumunot lalo ang noo ni uncle at pati siya ay pinapalibot ang tingin. Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko at may matalas na bagay ang nasa leeg ko. Sa gulat ko ay hindi ako nakakilos ng maramdaman kong inamoy ng taong yun ang leeg ko.
"Uncle Death.." tawag ko sa uncle ko kaya sabay-sabay na lumingon sa 'kin si uncle at ang dalawa pang kaibigan niya. Agad na itinutok ni kuya Ziven at kuya Declan ang mga baril nila sa 'kin.
"Bitawan mo si Primrose." Saad ni uncle Death sa taong nasa likuran ko.
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang hapdi sa leeg ko. "Uncle.." nasabi ko na lamang dahil sa sakit.
"Paputukan niyo ako.. para gilitan ko ng leeg ang batang to. Kilala niyo ako.. hindi ako nagbibiro." Saad ng lalaki na may hawak sa 'kin.
Napalunok ng ilang beses si uncle at bumaba ang tingin niya sa leeg ko dahil siguro sa dugo na tumulo do'n. Natatakot ako na baka ito na ang huling beses na matitigan ko ang mukha ng uncle ko.
Bibitiwang ng uncle ko ang hawak niyang kutsilyo na punong-puno ng dugo galing kay Jewel. "Ako nalang. Ako nalang saktan mo. Wag si Primrose." Saad pa ni uncle na handang makipagpalit ng pwesto sa 'kin para lang mailigtas ako.
Nakita ko pa na lumapit si kuya Ziven habang nakahanda ang baril niya. "Sige, lumapit ka!" Sabi ng lalaki saka sinugatan ang braso ko. Mukhang hindi siya nagbibiro na papatayin ako. Napatigil tuloy sa paglalakad si kuya Ziven ng makita niyang tumulo ang dugo ko sa braso.
Umatras ang lalaki habang hinihila ako. Nakatuon parin sa leeg ko ang matalim niyang kutsilyo. Sobrang sakit ng mga sugat ko ngunit wala man lang akong magawa.
"Sumunod ka sa 'kin kung ayaw mong patayin kita." Saad pa ng lalaki sa 'kin ng subukan kong kumawala sa pagkakahawak niya sa 'kin.
"Maawa ka po sa 'kin. Bata pa po ako kaya wag mo po akong patayin." Saad ko pa habang hinihila parin niya.
"Wag kayong susunod. Kung ayaw niyong ibaon ko sa ulo niya ang kutsilyo na hawak ko." Sigaw ng lalaki sa uncle ko at kay kuya Ziven.
Sa kusina niya ako hinihila. Mukhang do'n siya pumasok dahil may pintuan na pwedeng labasan do'n
Tama nga ang hinala ko dahil dinala talaga niya ako de'n hanggang sa tuluyan kaming nakalabas. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot.
Ngunit narinig ko ang pag daing na lalaki kaya lumuweg ang pagkakahawak niya sa 'kin. Lumingin ako at nakita si kuya Declan na inaatake ang lalaki. Mukhang umikot din pala siya para abangan ang lalaki.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko at malakas na siniko ang lalaking may hawak sa 'kin kaya nabitawan niya ako. Sakto naman na lumabas si uncle sa pintuan ng kusina sabay hawak sa kamay ko at itinago niya ako sakanyang likuran.
Lumabas din si kuya Ziven na agad na inatake ang lalaki. Dalawa na sila ni kuya Declan ang umaatake at hindi din nagpapatalo ang lalaki.
Humarap sa 'kin si uncle at nag aalala ang mukha niya. I'm sorry, baby." Panghihingi niya ng sorry sa 'kin habang tinitignan niya ang sugat ko sa leeg.
Medyo naiiyak ako dahil ang sakit. Ang sakit pala masaksak. Para akong hihimatayin. Pero sulit din naman pala ang sugat ko dahil binawian ako ni kuya Ziven at kuya Declan. Napatay nila ang lalaking sumaksak sa 'kin at talagang pinagtulungan pa nilang saksakin.
Nakahinga na ako ng maluwag at napasandal nalang kay uncle dahil dalawa na ang napatay nila. Wala ng Jewel.na mangugulo pa samin. Worth it lahat ng drama ko at dalawang araw na hindi ko nakasama ang uncle Death ko. Pati ang nasaksak kong balikat at sugat sa leeg ay lahat ay worth it.
Niyakap ako ni uncle Death ng mahigpit kaya niyakap din ko siya pabalik.
"Kami na bahala maglinis ng dalawang bangkay. Dalhin mo na si Primrose sa hospital para magamot." Sabi ni kuya Ziven kaya tumango si uncle Death.
Inalalayan niya ako palabas ng gate at hindi pa siya nakontento ay binuhat niya talaga ako. Yung pagkain ko na nabili ay hindi ko na nakain. Mainit pa yun ng nabili ko pero malamang malamig na yun katulad ni Jewel, malamig na nabangkay sa susunod na araw.
Isinugod ako ni uncle sa hospital. Ang bilis ng pagmamaneho niya ng kotse na halos paliparin na niya. Binuhat niya ako at dinala sa hospital.
"Ganito din ang ginawa ko nong gabing yun, baby. Buhat-buhat kita habang may sugat ka sa balikat. Ang pinagkaibahan lang ay baby na kita ngayon." Sabi niya na bumabanat na naman. Nakuha pa niyang bumanat eh may sugat na nga ako.
Nasabi kasi niya sa 'kin yun na siya daw mismo ang nagdala sa 'kin sa hospital para magamot. Yun daw ang unang beses na ngumiti siya dahil natuwa daw siya no'n dahil tumahan daw ako ng iyak habang karga- karga niya ako.