Chapter 71
Primrose Pov
BALIK eskwela na ako kaya hatid sundo na naman ako ng uncle kong magaling, magaling kumaldag,
Nalaman ng mga teacher ko na nasaksak ako kaya nag- alala din sila sa 'kin. Maging ang classmate kong si Erika dahil nagulat siya ng malaman niya ang tungkol sa nangyari sa 'kin.
Tahimik lang ako na nakikinig sa teacher namin dahil magbibigay daw siya ng quiz. Mabuti na nga lang at nagbigay siya ng recap kung anong diniscuss niya kahapon para naman hindi ako zero. Naintindihan ko naman agad yun kaya ng mag umpisa na ang quiz ay may naisagot naman ako.
Hindi na ako sinamahan ni uncle sa loob ng classroom dahil wala naman ng banta sa buhay ko. Tahimik na kami isang linggo na din ang nagdaan. Kaya kampante kami na wala ng mang gugulo sa buhay namin.
Ayos na din yun na hindi niya ako samahan dahil alam ko naman na marami pa siyang ginagawa sa buhay. Hindi naman kasi kailangan naka buntot siya sa 'kin palagi. Ginawa lang naman niya kasi yun nong nakaraang araw dahil kay Jewel na nag rest in peace na ngayon at naging barbeque ра.
Pagkatapos ng quiz ni teacher ay kinuha lang ang papel namin dahil siya na daw ang mag che-check. Sakto din na natapos ang oras at tumunog ang bell. Lunch time na namin kaya tinawag ko si Erika para kumain na kaming dalawa.
Lumapit naman siya sa 'kin dala ang bag niya. "Grabe talaga ang nangyari sa'yo, Prim. Pero buti nalang nahuli din agad." Sabi pa ni Erika. Nagsinungaling kasi ako na nahuli agad ang sumaksak sa 'kin. Hindi naman kasi pwedeng sabihin ko na pinatay ng mga kaibigan ni uncle Death ang lalaki. Baka magulat siya kapag nalaman niya yun.
Lumabas kami ng classroom at tinungo ang canteen. Pagdating namin ay medyo marami na ang mga kumakain din do'n. Siguro yung iba walang teacher kaya maaga nag lunch. Ang alam ko kasi may meeting ang ibang teacher para sa parating na event sa school.
Naghanap ako ng bakanteng table para do'n nalang kami pumwesto ni Erika. Kahit uncle ko ang may-ari ng school ay hindi naman ako katulad ng iba na naghaharian sa school para sabihin angat sa buhay. Ayaw ko nga yung nginingitian nila ako dahil alam nilang pamangkin ako ni uncle. Pero dati naman ay hindi nila ako nililingon o nginingitian man lang.
"May gusto ka ba orderin? Para ko na ang pumila. May baon na kasi ako." Tanong sa 'kin ni Erika ng makaupo kami sa upuan.
"Ano bang baon mo?" Tanong ko sa kanya.
"Itlog at corn beef, girl. Alam mo naman.. pang poor ang ulam." Sabi pa niya saka tumawa.
"Ako nalang ang pipila. Hintayin mo nalang ako," sabi ko saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko.
Naglakad ako papunta sa harap ng tindahan na para bang naging food court sa mall. May milk tea at pizza din na nagtitinda dito sa loob ng school. Mahilig kasi din ako sa pizza kaya nag request ako kay uncle Death na palagyan. Susunod na ipapalagay ko dito ay mga fast food chain naman kahit yung maliit lang. Para naman hindi na kailangan lumabas ng mga estudyante.
Pumila na ako at gusto pa ng ibang estudyante na mauna daw ako sa pila. Umiling naman ako at hinayaan lang sila na mauna. Hindi naman masyadong mahaba ang pila, nasa pang anim ako kaya keri ko lang naman.
Nang ako na ay umorder ako ng lutong ulam na caldereta. Umorder din ako ng sisig dahil parang nakakatakam kainin yun. Umorder na din ako ng kanin na agad naman ibinigay sa 'kin ng tindera.
Kinuha ko ang tray saka ko binayaran ang mga inorder ko. Naglakad na ako pabalik kay Erika dala ang pagkain na binili ko.
Umupo ako agad at inilagay sa gitna ang ulam. "Kuha ka lang, girl." Sabi ko kay Erika kaya napangiti siya at tumango. Hindi talaga siya kumain hanggat hindi ako nakakabalik sa table namin.
Pinulot ko ang kutsara at ginulo muna ang kanin. Ganito kasi ang ginagawa ko, kinakalat muna ang kanin sa plato saka ko lalagyan ng ulam. Nang magawa ko yun ay nalukot ang mukha ko dahil sa sa amoy ng kanin. Siguro ay nasanay lang ako na mamahaling kanin ang binibili ni uncle kaya siguro ako nagkaka ganito. Pinagwalang bahala ko lang yun at tinikman ang kanin. Ngunit napangiwi ako at iniluwa yun dahil ang pangit ng lasa.
Kumunot naman ang noo ni Erika dahil sa ginawa ko. " Bakit? Panis ba?" Tanong niya sa 'kin kaya tumango ako habang niluluwa ang kanin sa tissue na binigay ng tindera kanina.
"Parang," sagot ko kaya kumuha din si Erika ng kanin gamit ang kutsara niyang hawak. Tinikman niya ang kanin at hinihintay ko kung anong magiging reaction niya.
"Hindi naman eh. Ang sarap nga ng kanin. Hindi naman siya panis." Sabi ni Erika kaya napatingin ako sa kanin na natikman ko. Sigurado ako na lasang panis at nababahuan ako na hindi ko malaman ang dahilan.
Inusog ko ang plato papunta sa harapan ni Erika at nakangusong sumandal sa likod ng upuan. "Ayaw ko na niyan. Ikaw na lang kumain." Saad ko pa at hindi na ako kumain pa. Nawalan na ako ng ganang kumain dahil alam ko na panis talaga ang kanin na yun.
Wala namang nagawa ang kaibigan ko kundi ang kainin ang kanin. Hindi na din ako kumain ng ulam dahil nawalan na talaga ako ng gana. Bahala na kung magutom man ako.
Habang nakanguso ako ay may pumasok sa isipan ko. Kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng palda ko. Binuksan ko yun at tinawagan ko si uncle Death. Siya na muna ang guguluhin ko dahil may gusto akong kainin.
Tinawagan ko agad siya at hinihintay lang siya na sumagot. Ilang sandali lang ay sumagot agad ang baby damulag ko. "Hello, uncle!" Bati ko sa malungkot na boses.
"Hey, baby! Bakit parang matamlay ang boses mo? May nangyari ba?" Tanong niya na para bang nag-aalala.
"Kasi naman eh.. nagugutom po ako, uncle. Bumili ako ng pagkain sa canteen pero parang panis po sa panglasa ko ang kanin na nabili ko. Pero sabi naman ni Erika ay hindi naman po daw panis." Sabi ko sa malungkot na boses. Hindi naman nagsasalita si uncle Death sa kabilang linya.
"Uncle.." tawag ko sa kanya.
"Yes, baby?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Nagugutom po ako. Gusto ko po ang ulam na nabili ko pero may gusto po akong kainin na kanin." Sabi ko habang nalalasahan yun.
"Ano yun, baby?" Tanong naman ng uncle ko sa malambing na boses.
"Gusto ko po yung kanin sa mcdo, uncle. Yun lang po ang bilhin mo at dalhin mo dito sa school ngayon din dahil nagugutom na po ako." Maawtoridad kong sabi. Narinig ko naman ang mahinang tawa ng uncle ko pero may halong pagmumura. Akala ko nga ay hindi siya susunod. Pero narinig ko nalang sa kabilang linya na nagpapaalam siya sa mga kasama niya do'n na nasa hula ko ay sila kuya Ziven. Kaya heto ako hinihintay ang pagdating niya dala ang kanin na galing sa mcdo.