Chapter 47
Primrose Pov
NANDITO kami sa Bicol at dito tumuloy sa malaking bahay ni kuya Diego. Nakilala ko din ang magandang girlfriend ni kuya na si ate Violet. Ang ganda talaga ng babae at halatang palaban.
May nangyari pala sakanya kaya namin siya binibisita. Mabilis din kami nagkasundo ni ate Violet. Mabait naman daw siya eh, pwera lang daw kay kuya Diego. Natawa tuloy ako sakanya.
Kasama ko siya ngayon sa kusina at kumakain kaming dalawa ng kakanin. Inorder ni kuya Diego kanina. Si uncle Death ko naman ay kasama si kuya Diego. May pinag-uusapan sila kaya hinayaan na namin ni ate Violet.
"Mabuti at binisita niyo ako dito. Ang boring dito sa bahay. Kaloka si, Diego!" Saad ni ate Violet.
"Same, ate. Sa bahay din namin naku.. para po akong preso do'n. Tapos mukha lang ng uncle ko ang makikita." Nakangiwi kong sabi kaya natawa si ate Violet.
"Sinabi mo pa! Ewan ko ba sa dalawang yan.. kung anong trip nila sa buhay." Saad ni ate Violet sabay subo ng pichi-pichi. Iba't-ibang uri kasi ng kakanin ang inorder ni kuya Diego.
"Malamang niyan dito lang tayo sa bahay. Wala yata silang plano umalis ngayon dahil may pinag-uusapan sila." Sabi ni ate Violet.
Napabuga naman ako ng hangin dahil gusto ko pa naman gumala." Gusto mo tumakas tayo?" Tanong ni ate Violet sa 'kin.
"Naku po, ate Violet.. nagawa ko na po yan. Tumakas po ako sa bahay ni uncle Death dahil hindi ko kinaya ang kasungitan at pagbabawal niya sa 'kin. Pero nahuli po niya ako." Saad ko habang nakangiwi. Kwenento ko kay ate Violet ang nangyari sa pagtakas ko at paano ako nahuli ng magaling kong uncle. Tawa siya ng tawa at muntik ng mabilaukan.
"Bakit mo naman kasi tinakip ang itim mong panty?" Natatawa niyang tanong sa 'kin.
"Kasi naman po ate.. diba po yung panty magaan lang po. Wala kasi
akong pantakip na magaan dahil yung mga tshirt ko na itim ay sigurado ako na hindi kakayanin ng cctv camera. Kaya naisip ko yung magaan lang. Hindi ko naman lubos maisip na mahuhulog ang panty sa ulo ng uncle ko." Nakanguso kong sabi kaya natawa na naman siya.
"Kaya ka naman pala nahuli eh. Dapat yung mukha ng uncle mo ang tinakpan mo ng panty." Natatawa niyang sabi kaya napangiwi ako. Naalala ko tuloy ang panty kong itim na walang laba. Hanggang ngayon na kami na ni uncle ay hindi parin niya binabalik sa 'kin.
"Nakakatawa kayong dalawa. Teka.. yung last na punta niyo dito sa Bicol na sabi mo ay hindi pa kayo?" Tanong sa 'kin ni ate Violet.
"Hindi pa po. Bago ko lang po siya sinagot, ate Violet." Sagot ko naman saka kumain ng sapin-sapin.
"Mabuti naman kung ganun. Nang makita ko ang itsura ng uncle mo ngayon ay maaliwalas na at ngumingiti na din. Dati kasi ng makilala ko siya ay laging seryoso ang mukha. Kaya nakakatuwa na ikaw lang pala ang makakapag pabago sakanya." Pagkwukwento ni ate Violet.
Hindi dapat nila malalaman na may relasyon na kami ni uncle Death. Ayaw ko sanang magpahalata. Pero pano kaya kami hindi mahahalata eh ang tawag sa 'kin ng magaling kong uncle ay baby at ang sweet pa sa 'kin. Tumawa tuloy si kuya Diego at sinabihan si uncle Death na may sweet pala daw siya sa katawan.
Maging kami ni ate Violet ay natawa na din dahil halatang pikon si uncle kaya kuya Diego.
Natigilan kami ni ate Violet ng biglang sumulpot ang dalawa sa kusina. Lumapit pa sa 'kin si uncle Death at umuklo sa harapan ko at nagpapasubo sa 'kin ng sapin-sapin. Sinubuan ko naman kaya ngumiti siya sa 'kin.
"Anong pinag-uusapan niyo? Dinig na dinig namin ang tawa mo." Sabi ni kuya Diego saka hinaplos ang buhok ni ate Violet.
"Natawa kasi ako sa kwento ni Prim. Yung tumakas siya sa bahay ng uncle niya." Sagot naman ni ate Violet kaya natawa si uncle Death. Inirapan ko siya dahil naalala siguro niya ang amoy ng panty ko. Bwisit talaga 'to si uncle.
"Tumakas ka pala? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin para tinulungan kita." Sabi naman ni kuya Diego kaya masama siyang tinignan ni uncle Death.
"Gusto mo itakas ko din si Violet?" Tanong naman ng uncle ko na pikon.
"Gusto ko yan, Death. Itakas mo nga ako sa itlog na 'to." Sabu naman ni ate Violet kaya natawa ako.
"Fresh ang itlog k-"
"Manahimik ka!" Pagpuputol ni ate Violet sa sasabihin ni kuya Diego.
"Bugok yang itlog mo, pre." Sabat naman ni uncle Death kaya pinandilatan ko siya ng mata ko. Gawin kong scrambled egg ang itlog niya eh.
"Do'n nga kayo! Wag kayo dito! Kita niyo ng girl's talk dito eh.." pagpapa alis ni ate Violet sa dalawa.
"Oo nga. Wag nga kayong makisali dito. Nanggugulo lang kayo eh," sabi ko naman kaya parehong nagkatinginan ang dalawang lalaki.
"Bakit pakiramdam ko ay magkasundo kayong dalawa." Sabi ng uncle ko.
"Oo nga. Pakiramdam ko nga may pinaplano ang dalawang 'to eh. Tatakasan niyo ba kami?" Tanong ni kuya Diego.
"Hindi ah.. bakit naman namin gagawin yun?" Tanong ni ate Violet sa mataray na boses. Sabi ko na eh, pinag uusapan nga lang namin ang pagtakas alam na nila ang mag plano pa kaya.
Kumain kami ulit ni ate Violet at hindi pinansin ang dalawa na umupo sa katapat naming upuan. Inirapan ko pa si uncle Death dahil malagkit na nakatitig sa 'kin.
Baka kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isipan niya. Malamang yung hugot baon na naman yan. Adik yan sa 'kin eh.
Nang matapos kaming kumain ni ate Violet at napagpasyahan namin tumambay sa kwarto nila ni kuya Diego. Same kwarto daw kasi sila. Parang kami lang ng uncle ko.
Nanood lang kami ng movie habang ang dalawang lalaki ay nasa sala. Hinayaan lang namin sila dahil pinag uusapan yata ang negosyo.
Sana nga ay pumayag sila na gumala kami mamaya. Gusto ko talagang sulitin ang pagpunta ko dito sa Bicol. Yung dati kasing punta ko ay saglit lang kami tapos ang sungit pa ng uncle ko na akala mo'y nireregla.
Tawa kami ng tawa ni ate Violet dahil sa pinapanood namin. Alam ko gusto din niyang gumala pero alam din namin na hindi kami makakalabas ng bahay ba hindi kasama ang dalawa. Lalo na ngayon na may nagbabanta sa buhay ni ate Violet. Kaya naiintindihan ko kung
bakit ganun nalang ang pagbabantay ni kuya Diego sakanya. May ballw kasi na babae na nagkakagusto kay kuya Diego.
Naalala ko tuloy si Jewel. Ang baliw na babae din kay uncle Death. Sana lang wala siyang gawin na masama at manahimik nalang kung nasa'n man siya naroroon. Wag na siya manggulo pa dahil baka tapyasin ko ang hinaharap niya. Ang laki pa naman kaysa sa 'kin kaya naiingit ako at palaging nag o-overthink.