Chapter 49
Primrose Pov
ARAW ng birthday ko at hinandaan ako ni uncle Death. May mga bisita kami ngayong araw at ayos lang naman sa kin. Marami ding regalo sa kin si uncle kahit hindi ko naman kailangan sana.
Nandito din sila kuya Ziven at kuya Declan at may mga dalang regalo sa 'kin. Nakilala ko din si kuya Jasper kasama ang asawa niyang si ate Naomi.
Kahit konti lang ang bisita ko ay masaya parin ako. Wala din akong inimbitahan na classmate ko. Wala lang, trip ko lang na hindi mang imbita. Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang ginawa ni Erika na ibigay ang phone number ko kay Mico. Nakakainis kasi yun para sa 'kin dahil alam naman niya na ayaw kong ibigay pero binigay pari niya.
Habang kumakain ako dito sa kusina ay masaya akong nakikipag kwentuhan kay ate Naomi. May kasama din si kuya Declan pero sobrang tahimik niua. Halatang mahiyain kasi siya. Pero kapag tinatanong naman namin ay sumasagot naman siya.
Tinutukso nga si kuya Declan nila uncle Death kaya napapailing nalang talaga kami dahil nagmumurahan sila.
Simple lang ang birthday celebration ko. Pero binawi naman sa regalo ng mga bisita at ni uncle Death. Nagulat ako dahil ang niregalo ni uncle sa 'kin ay isang kotse. Useless lang din naman dahil ayaw naman niya akong turuan. Mukhang binigyan lang yata niya ako para idisplay sa garahe.
Dumating na ang gabi kaya nag paalam na ang mga bisita. Pinilit pa ni uncle si kuya Jasper na dito nalang sila matulog sa bahay. Pero mag ho-hotel daw sila mag-asawa. Bibisitahin pa daw kasi nila ang kapatid niya na kung hindi ako nagkakamali ay Kane ang pangalan.
Nagpaalam na din ang iba kaya kami nalang ni uncle Death ang naiwan. Ayos na din yun dahil kanina pa ako pagod din. Bago kasi nag celebrate ng birthday ko ay gumala kami ng gumala ni uncle Death.
"Akyat ka na sa taas, baby. Magpahinga ka na!" Saad ni uncle Death.
"Tulungan na muna kita sa pagliligpit, uncle." Sabi ko dahil gusto ko din siyang tulungan sa pagliligpit. Hindi naman masyadong makalat ang bahay dahil konti lang naman ang bisita namin.
"Ako na, baby."
"Sigurado ka? Pwede naman kitang tulungan eh. Para mas mabilis matapos." Sabi ko pa pero umiling lang siya habang nakangiti.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya. Umakyat ako ng hagdan at tinungo ang kwarto ko na kwarto na din ni uncle.
Pumasok ako at naglakad papunta sa kama. Umupo ako habang hinihimas ang batok ko. Bigla kasing sumakit. Sakaka puyat ko siguro to. Pinupuyat kasi ako palagi ni uncle Death eh.
Kinuha ko ang cellphone na nasa bedside table at tinignan muna ang social media. Ngunit may napansin ako na notification. Text message kaya kumunot ang noo ko.
Binuksan ko yun kahit pa nga unknown number. Wala naman kasing nakakaalam sa number ko kaya nagtataka ako kung sino ang nag text.
Mas lalo pa akong napakunot ang noo dahil ang message niya ay mag-iingat daw ako.
"Sino kaya 'to?" Tanong ko pa sa sarili ko. Hindi ko naman kilala kaya dinelete ko ang message. Wala naman siyang ibang message kundi yun lang.
Nag scroll na muna ako sa social media at pinagwalang bahala ang natanggap ko na text. Wala naman kasing kabuluhan. Baka nagkamali lang ng send ng text.
Nag scroll-scroll lang ako sa social media hanggang sa napagod ako. Inilapag ko ulit ang cellphone ko sa bedside table at naisipan na munang mag half bath.
Tinungo ko ang banyo at agad na naghubad ng saplot sa katawan. Lumapit ako sa shower room at mabilisan lang ang ginawa ko. Baka kasi pasukin na naman ako ni uncle Death. Salisi gang pa naman yun kahit kailan.
Nang matapos ako ay kinuha ko lang ang puting t'walya at itinapis sa hubad kong katawan. Lumabas na ako ng shower room at huminto ako sa malaking salamin kung saan nakalagay ang mga gamit ko sa mukha. Naglagay na muna ako ng mga product na ginagamit ko sa mukha t'wing gabi.
Matapos kong gawin yun ay lumabas na ako ng banyo. Wala pa si uncle Death kaya dali-dali akong lumapit sa walk in closet at kumuha ng susuotin ko. Nagbihis agad ako habang wala pa ang manyak ko g uncle.
Nang matapos ako ay naglakad ako papunta sa kama at nahiga na din. Nakahinga ako ng maluwag dahil makakapag pahinga na din ako.
Naalala ko tuloy si mama Georgia. Kapag birthday ko kasi ay kumakain kami sa labas. Simple lang at laging may regalo si mama sa 'kin na isang damit. Masaya na ako sa regalo niya kahit simple lang yun.
Ngayon na magaganda at halos mamahalin ang mga natatanggap kong regalo pero wala naman si mama. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya dahil sa pag ampon niya sa 'kin. Kung sana nalaman ko lang ng maaga ay nakapag pasalamat ako sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman na hindi niya ako tunay na anak dahil busog na busog ako sa pagmamahal niya.
Ngumiti ako ng maalala ko si mama. Nawala nga siya pero pumalit naman ang kapatid niya na may tililing sa utak. Pero gwapo naman kaya ayos na din.
Natigilan lang ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang jowa ko na s***h uncle ko na hilaw. "Pawis na pawis ka na," sabi ko dahil nakikita kong ang pawis sa noo niya pati na din sa mukha.
"Nilinis ko ang bahay. Mahirap na at baka sipunin ka." Sabi niya kaya inirapan ko. Minsan talaga oa siya eh.
"Magbihis ka na, uncle. Para tabi na tayo matulog." Saad ko saka ngumiti.
"May pasok ba ang alaga ko ngayong gabi, baby?" Pilyo niyang tanong.
"Umabsent na muna siya. Pasok ng pasok kahit wala namang pasok eh, *nakangiwi kong sabi kaya natawa ang loko.
"Masipag mag-aral ang alaga ko, baby. Kaya papasok ako kahit wala pang pasukan." Sabi niya sabay kindat sa 'kin.
"Baliw ka talaga, uncle! Pati ako kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko na pasok- pasok. Hinahawaan mo na talaga ako sa kabastusan mo!" Sabi ko saka ibinaling ang tingin sa cellphone ko.
Lumapit naman sa 'kin si uncle Death at dinampian ng halik ang balikat ko. "I love you, baby. Happy birthday!" Sabi niya sa 'kin kaya napangiti ako.
"Dalawang beses mo na akong binati. Kanina pag gising ko at ngayon naman. Saad ko saka hinaplos ang pisngi niya.
"Gusto ko kasi ako ang una at huli na babati sa'yo ng happy birthday, baby." Nakangiti niyang sabi saka pinatakan ng halik ang labi ko.
"Maligo ka na, uncle. Sasakay ako." Saad ko kaya nanlaki ang mata niya. Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko. Kasalanan talaga niya kaya pati ako ay bastos na din ang bibig.
"Maliligo na muna ako, baby. Wag mo akong tutulugan kung ayaw mong umungol sa panaginip mo." Banta pa niya sa 'kin kaya napahagikhik ako.
Umalis siya sa harapan ko at tinungo niya ang banyo. Ako naman ay para hindi makatulog ay nag scroll na muna sa social media. Pero may pumasok na naman na text sa 'kin at galing yun sa number na nag text din kanina. Ganun parin ang message niya.. pinag-iingat niya ako at may emoji na naka smirk kaya nagtataka ako kung sino ang taong 'to. Binura ko ulit ang text ng taong yun at nag patuloy lang sa pag scroll habang hinihintay si uncle.