CHAPTER 51

1151 Words
Chapter 51 Primrose Pov LUMIPAS ang mga araw ay nagsisimula na naman magbigay ng mga quiz ang teacher namin. Alam na din nila na ang uncle ko ang may-ari ng eskwelahan. Simula nga ng malaman nila na si uncle na ang may-ari nag iba ang pakikitungo nila sa 'kin. Naging mabait naman. Yung masungit namin na teacher na kung hindi ako nagkakamali ay napagalitan pa ako dati ay naging mabait sa 'kin. Ang alam nila si uncle ang may-ari. Paano pa kaya kapag nalaman nila na ako naman talaga ang may-ari. Nakakatuwa talaga minsan dahil ilag sila sa 'kin. Si Erika naman ay ganun parin ang pakikitungo niya sa 'kin. Hindi nagbago. Nagulat lang siya ng malaman niya na ako ang may-ari pero nakakatuwa lang din naman dahil kung ano ang pakikitungo niya sa 'kin ay ganun parin siya. Recess time namin ngayon pero naisipan kong bumili ng pagkain sa labas ng eskwelahan. Nakakasawa na kasi ang binebentang pagkain sa canteen. Mamaya nga ay sasabihan ko si uncle na papalitan ang mga pagkain na binebenta nila. Nakakasawa eh. Nakalabas ako ng gate at agad napangiti ng makita ko ang katapat na milk tea shop. Naglakad ako papunta sa kalsada at panay ang lingon ko sa kabilang kalsada saka ako tumawid. Nang makatawid ako ay dali-dali akong pumasok sa loob ng milk tea shop. Nakahinga pa ako ng maluwag dahil wala masyadong tao. Agad akong pumunta ng counter at umorder ng ube milk tea na punong-puno ng cheese. Yun kasi ang bestseller nila dito. Masarap naman kasi talaga kaya pati ako ay favorite ko din. Nang makaorder ako ay umupo na muna ako para hintayin ang inorder ko. Ako lang mag-isa sa table at ang ibang table ay walang mga tao na nakaupo. Konti lang talaga ang mga tao na nandito. Medyo tahimik din kaya ang sarap tumambay sana kung mahaba lang ang oras ng recess. Kinuha ko na muna ang cellphone na nasa bulsa ko para itext ang uncle ko. Nagpaalam kasi yun sa 'kin na pupunta daw siya ng kompanya niya. Nakapunta ako do'n nong isang araw. Akala ko nga talaga joke-joke lang niya na mag kompanya siya. Sinampal talaga ako ng kahirapan ng makapunta ako do'n. Ang negosyo pala ni uncle Death ay mga gadgets at mga high tech na mga gamit. Kaya siguro punong-puno ng cctv ang bahay namin. May mga negosyo pa naman siya na mga kasosyo niya ang kanyang mga kaibigan. Kaya nakakabilib talaga ang uncle ko na yun. Masungit lang ang mukha pero matalino siya at masipag sa buhay. Nagtipa ako sa cellphone saka sinend yun kay uncle Death. Habang hinihintay ko ang reply ni uncle ay bigla nalang may humila sa upuan na katapat ko kaya napa angat ako ng mukha. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Si Jewel yun. Nakangiti siya sa 'kin na para bang close kami. "Can I sit here?" Tanong ni Jewel na tinuro ang hawak niya ang upuan. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang ayaw ko. Baka mabastos naman siya kung sasabihin ko yun. Nagtanong naman siya ng maayos kaya sasagutin ko siya ng maayos. Tumango ako dahil hindi naman sa 'kin ang upuan. "Thank you!" Sabi pa niya saka umupo sa upuan. Inilapag pa niya ang mamahalin niyang bag sa table kaya napadako ang tingin ko do'n. "Hi! I'm Jewel Hermosa. But you can call me ate Jewel." Pagpapakilala niya sa maarteng boses. Hindi naman ako sumagot dahil hindi ko naman tinatanong ang pangalan niya. "So, ikaw ba ang pamangkin ni Death?" Tanong niya sa 'kin. "Parang," tipid kong sagot. "Wala namang anak ang kapatid niya. Kaya paano ka naging pamangkin?" Tanong niya habang nakangisi sa 'kin. Kakaiba ang ngisi niya. Para bang may kahulugan yun na hindi ko maipaliwanag. "Baka hindi mo lang nabalitaan," sagot ko saka ibinalik ang tingin sa hawak kong cellphone. "Talaga lang ha! Alam mo.. marami akong alam patungkol sa uncle mo. Gusto mo bang malaman yun?" Tanong niya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "No need po, ate. Mas lamang po ang alam ko patungkol sa uncle ko kaysa sa'yo." Sagot ko saka ngumisi sa kanya. "So, alam mo na may gusto ako sa uncle mo?" Tanong na naman niya. "Oo. Sabi kasi niya ikaw daw ang babaeng habol ng habol dahil patay na patay ka daw sa kanya. Sinabi pa nga ng uncle ko na hindi ka naman daw niya gusto pero makulit ka daw." Pang-aasar kong sabi. Akala siguro niya ay hindi ako sasagot. "Sinabi niya yun? Wow ha! Para namang walang nangyari samin. Nakakasakit ng damdamin ang uncle mo ha! Sarap na sarap pa naman siya sa ibabaw ko." Madrama niyang sabi kaya natigilan ako. Alam kong nagkukunwari lang siya. Siguro ay gusto lang niya akong linlangin sa mga sinasabi niya. "Magkasama kami sa trabaho dati. Kapag bored kami ay alam mo na... may ginagawa kaming kababalaghan. Kahit itanong mo pa sa uncle mo. Sabi niya saka ngumisi sa 'kin. "Kaya nga ako nabaliw sa kanya eh... ang sarap kasi niyang kumain." Dagdag niyang sabi kaya natigilan ako, Gusto kong sabunutan ang buhok niya dahil sa mga kasinungalingan niya. "Ganun ba? Sabi kasi ng uncle ko ay hindi daw siya kumakain ng sirang mani." Sagot ko kaya tumawa siya ng malakas. Ngumisi din ako at hindi pinahalata na naiinis na ako sa kanya. Kung pwede ko nga lang siya sakalin ay baka ginawa ko па. "Naisip ko lang.. may girlfriend ba ngayon ang uncle mo? Alam mo kasi.. magkakasundo tayo kapag ako ang naging girlfriend niya." Sabi niya kaya napangiwi ako. Ang lakas talaga ng loob nya mag sabi no'n. "Wala pong balak makipagrelasyon ang uncle ko, manang." Saad ko kaya nawala ang ngiti niya. "Anong tawag mo sa 'kin?" Tanong niya. "Manang. Mas matanda ka po sa 'kin eh. Pwede po ba kitang tawaging manang?" Tanong ko habang patay malisya na ngumiti sa kanya. Halata sa mukha niya na naiinis siya sa 'kin. Yung mukha pa lang niya ay halatang naiinis. Nag puppy eyes naman ako para hindi halatang iniinis ko siya. "Anyway, bahala ka sa buhay mo kung tawagin mo man akong manang. Maganda yan dahil magiging part ako ng pamilya niyo kapag napalikot ko ang uncle mo. Sigurado ako na kapag ginawa ko ang alas na hawak ko ay sigurado akong bibigay siya sa 'kin." Nakangisi niyang sabi. Ang sarap tadyakan ng mukha niya. Halatang malandi. Pero ano kaya ang ibig niyang sabihin na alas. Bakit parang kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa babaeng 'to. Pakiramdam ko din ay alam niya na may relasyon kami ni uncle. Hindi naman siguro niya ako sasabihan ng mga ganun kung wala siyang idea. Para bang sinisiraan niya si uncle Death. Gusto ko na sanang umalis sa harapan niya pero naalala ko ang milk tea ko kaya hinintay ko na muna kahit naiirita na ako sa pagmumukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD