CHAPTER 52

1250 Words
Chapter 52 Primrose Pov SIMULA ng makita ko si Jewel kanina ay nawalan na ako ng gana inumin ang milk tea ko. Kairita talaga ang babaeng yun. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niya may ginagawa sila ni uncle. Hindi naman ako kinakabahan na baka nga meron nangyari sakanila. Alam ko kasing nagsasabi ng totoo si uncle na wala siyang girlfriend talaga dati. Mabuti nga at nasabi yun sa 'kin nila kuya Declan at kuya Ziven nong birthday ko dahil inaasar nila si uncle. Mabuti nga daw at ngumingiti na ang uncle ko dahil dati daw ay masyadong mailap ang lalaki. Hindi din daw nakikipag usap sa babae ang uncle ko. Kaya alam ko na nagsisinungaling si Jewel sa part na sinabi niyang may ginagawa sila ng uncle ko. Bumalik ako sa classroom namin matapos kong makuha ang inorder kong milk tea. Dahil sa nawalan ako ng gana ay binigay ko nalang kay Erika at sinabing binilhan ko siya. Nakatulala lang din ako habang nakikinig sa teacher namin na nag di-discuss. Dapat ay makinig ako pero hindi talaga mawala sa isipan ko ang sinabi ni Jewel na alas niya daw. Gusto ko talaga malaman yun. Natatakot kasi ako na baka yun ang magiging dahilan kung bakit kami maghihiwalay ni uncle. Hindi talaga ako mapakali sa kinauupuan ko at gusto ko ng umuwi sa bahay. Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa orasan na nasa taas ng pisara. Nababagalan ako sa takbo ng oras. Gusto ko ng umuwi talaga at makita si uncle Death. Lumipas pa ang mga oras ay dumating din ang hinihintay ko. Yung inis ko kanina ay nawala ng mabasa ko ang message ni uncle na nasa labas na daw siya ng gate. Hindi ko na hinintay pa si Erika at agad akong lumabas ng classroom. Malalaki ang hakbang ko habang iniisip ko kung sasabihin ko ba kay uncle ang pagkikita namin ni Jewel. Halos tumatakbo ako sa covered walk hanggang sa makalabas ako ng tuluyan sa gate. Nakita ko agad ang kotse ni uncle kaya naglakad ako patungo do'n. Nang makalapit ako sa kotse ay tinungo ko ang passenger seat at binuksan yun. "Hi, baby!" Bati niya sa 'kin. Pumasok ako sa loob ng kotse saka ko isinara ang pinto. Ngumuso pa sa 'kin si uncle na para bang nanghihingi ng kiss sa 'kin, Napangiti naman ako at inilapit ko ang mukha ko sakanya at dinampian ng halik ang kanyang labi. Mabilis lang yun at inilayo ko agad ang mukha ko. "Kamusta naman ang araw ng baby ko?" Tanong niya sa malambing na boses. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. Umayos ako ng upo habang kinakabit ang seatbelt sa harapan ko. "Hindi maayos. Nakakainis ang araw ko ngayon." Saad ko habang nakanguso. "Bakit naman? May nang bully ba sa'yo?" Kunot noo niyang tanong habang palipat-lipat ng tingin sa 'kin at sa daan. Lumingon ako kay uncle saka ako bumuntong hininga. "Ang totoo po niyan ay.. nakita ko po si Jewel kanina, uncle." Pagsasabi ko ng totoo. "What? Saan?" Tanong pa niya habang nakatitig sa 'kin. Tinuro ko naman ang harap. "Tumingin ka sa harap, uncle. Baka mabangga tayo." Saway ko sa kanya dahil hindi na siya lumingon sa daan. "May ginawa ba siya sa'yo? Sinaktan ka ba niya? Sabihin mo sa 'kin, baby!" Sunod-sunod niyang sabi sa nag-aalalang boses. "Hindi naman niya ako sinaktan, uncle. May sinabi lang siya sa 'kin kaya hindi maganda ang araw ko." Saad ko habang inaalala ang sinabi ng bwisit na babaeng yun. "Ano ba sinabi niya?" Tanong ni uncle na halatang naiinis. "Sabi niya may nangyari na daw sainyong dalawa, uncle. Sinabi din niya na gusto daw niya maging parte ng pamilya natin dahil siya daw ang magiging asawa mo." Sabi ko saka bumuntong hininga. "Sabi pa niya.. may alas daw siya na sigurado daw siya na mapipikot ka niya." Dagdag ko pang sabi saka yumuko. Nalulungkot talaga ako dahil sa mga sinabi ni Jewel. "Nangyari? Kahit pa yata mabulag ako ay hindi ko siya papatulan. Tangina!" Galit na sabi ni uncle. "Wag mong sabihing naniniwala ka sa sinabi niya?" Tanong sa 'kin ni uncle Death. Umiling ako. "Hindi po. Pero naiinis lang ako dahil hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi niya. Nag o-overthink na naman kasi ako, uncle. Kanina pa ako nag-iisip ng kung ano-ano at natatakot ako na baka maagaw ka niya sa 'kin." Saad ko pa dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Kaya ako hindi makapag focus dahil sa nararamdaman ko. "Hindi mangyayari yun, baby. Itigil mo ang pag o-overthink mo. Sayong-sayo lang ako kahit ano man ang mangyari. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko tandaan mo yan." Saad niya kaya nag angat ako ng tingin. "Hindi mo ako ipagpapalit kahit malaman na ang alas na sinasabi niya?" Tanong ko kay uncle Death. "Kahit anong alas pa yan. Walang makakapag hiwalay satin dalawa, baby. Tandaan mo yan." Sabi niya sa seryong boses. Napangiti naman ako kahit papano at nawala ang mga iniisip ko na baka maghiwalay kami ni uncle Death. Kapag naiisip ko yun ay parang hindi ko kaya na mawala siya. Parang hindi ko kaya mamuhay sa mundong 'to na wala sa tabi ko si uncle Death. "Wag ka ng mag-isip pa ng kung ano-ano, baby. Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng yun dahil sa mga pinagsasabi niya sa'yo." Galit na sabi ni uncle. Nakita ko pa na sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. Para bang nanggigil siya sa inis. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay halatang galit si uncle. Pero hindi siya sa 'kin galit kundi kay Jewel. Parang ngayon ko lang yata pinangarap na sana ay patayin siya ni uncle Death. Kung dati kay Mico ay nakonsensya pa ako. Pero ngayon ay gusto kong mamatay si Jewel para mawala na siya sa landas naming dalawa. Pero mukhang mananagot siya kay uncle Death ngayon. Sana riga ay matapos na ang panggulo ng babaeng yun. Hindi ako sanay sa ganito na may kalaban na babae dahil lang sa lalaki. Pero hindi ko pwedeng ibigay si uncle sa kanya dahil akin yun. Hinatid ako ni uncle sa loob ng bahay at nagpaalam siya sa 'kin na aasikasuhin daw niya ang hayop na babaeng yun. Kinakabahan ako at ayaw ko sana siyang payagan pero kailangan para matigil ang baliw na yun. Sumusubra ang pagka delulu na niya eh kaya kailangan ng hampasin ang ulo at baka magising sa katotohanan. Nagpaalam na sa 'kin si uncle kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Umupo nalang muna ako sa mahabang sofa dito sa sala habang hinihilot ang sintido ko. Kanina pa talaga ako stress sa babaeng yun. Habang ginagawa ko yun ay biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko kaya kinuha ko yun sa pag aakala na si uncle ang tumatawag. Ngunit kumunot ang noo ko dahil yung unknown number ang tumatawag. Sinagot ko 'to kahit hindi ko kilala at itinapat sa kaliwa kong tenga. Hinintay ko lang na magsalita ang nasa kabilang linya. "Hi future pamangkin! Kamusta?" Bati niya sa malanding boses. Nanlaki ang mata ko dahil kilala ko ang boses na yun. Sa boses palang niya ay alam kong ang malanding si Jewel yun. Ibig sabihin ay siya pala ang nag te-text sa 'kin. Paano kaya niya nakuha ang phone number ko. Masyadong nakakapagtaka talaga ang babaeng 'to. Ang creepy pa ng ngiti niya na para bang may masamang binabalak sa 'kin. Baliw na yata talaga ang babaeng 'to dahil kaya niyang gawin makuha lang nya si uncle Death ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD