Chapter 55
Primrose Pov
LUMIPAS ang isang buwan na hindi na ulit nagpaparamdam si Jewel. Medyo maayos yun para sa 'kin para wala ng manggulo samin ni uncle Death.
Ganun parin, pumapasok parin ako sa school. Ganun parin ang daily routine namin ni uncle Death. Hatid sundo parin niya ako sa school. Sa sobrang ka pranningan nga niya ay nasa classroom ko siya palagi. Parang ngayon.. nandito na naman siya nagbabantay sa 'kin.
Yung mga subject teacher ko ay hindi ko alam kung kinakabahan ba sila kay uncle Death dahil nandito sa loob ng classroom. Sino ba namang hindi matatakot kung ang may-ari ng school ang nakatambay dito. Pati mga maiingay kong classmate ay hindi magawang mag-ingay dahil sa takot nila kay uncle.
Lumingon ako sa uncle ko na nasa tabi ko nakaupo. Dati ay si Erika ang nakaupo do'n pero ngayon ay siya na. Nagmukha tuloy siyang estudyante.
Siniko ko siya sa braso kaya lumingon siya sa 'kin. Kunot noo pa talaga siyang humarap sa 'kin. Mukhang nakikinig siya sa dinidiscuss ng teacher namin. "Nakikinig ka ba, uncle?" Tanong ko sa mahinang boses. Pinipigilan kong matawa dahil mas seryosong pa siyang nakikinig kaysa sa 'kin.
"Wag mong sabihin sa 'kin na hindi ka nakikinig sa teacher mo?" Tanong niya naman kaya napangiwi ako.
"Andyan ka naman uncle eh.. tuturuan mo naman ako sa sagot kapag nag quiz si teacher." Nakanguso kong sabi kaya pinukol niya ako ng masamang tingin. Ang sama niya.
Natigilan ako ng marinig ko si teacher na magbibigay daw siya ng quiz. Pinapakuha pa niya kami ng one half sheet of paper kaya dali-dali akong kumuha.
Tumingin ako kay uncle at nag puppy eyes. Nagpapatulong ako sa
answer. "Hindi kita tutulungan, baby. Hindi ka nakinig sa teacher mo kaya yan ang parusa sa'yo." Sabi niya kaya napanguso ako.
"Sige. Kung ayaw mo.. hindi ka na makakatabi ng higa sa 'kin mamaya. Plano ko pa naman isubo eh pero wag nalang pala. Nagbago na isipan ko." Saad ko sa kanya kaya nanlaki ang mata niya.
"Okay lang, uncle. Tanggap ko na zero ang score ko ngayon." Sabi ko na para bang kinokonsensya siya.
Nagsimula ng magbigay ng first question ang teacher namin kaya nakinig ako ng mabuti. Nang matapos niyang ibigay yun ay alam ko naman ang sagot kaya nasagutan ko agad.
Sa pangalawang question ay medyo mahirap pero nasagutan ko parin naman. Panay din ang tingin ni uncle Death sa 'kin pero hindi ko siya pinapansin.
Hanggang sa pang limang question ay nahirapan na ako. Si uncle naman ay panay ang sabi ng sagot kaya lihim akong natawa at kunwaring nag iisip ng sagot kahit pa nga yun ang isusulat ko. Siyempre para hindi mahalata na hindi alam ang sagot.
Hanggang 15 ang question kaya puro lahat ng sagot ko ay mula kay uncle Death. Nang matapos yun ay pinacheck ng teacher namin agad. Palitan lang sa seatmate kaya madali kong malalaman kung mali ba ang sagot ni uncle. Baka kasi nanghuhula lang siya.
Nag check lang kami hanggang sa matapos yun. Nang matapos yun ay ibinalik na samin ang papel namin. Nanlaki ang mata ko dahil perfect ang score ko.
Sumilip din si uncle Death at nakita kong nag smirked siya. "Pano ba yan.. isusubo mo ang sandata ko mamaya." Sabi niya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin at baka marinig ng mga classmate ko. Ang alam pa naman nila ay uncle ko siya.
"Hindi mo naman ako tinulungan ahh.. sagot ko kaya lahat ang sinulat ko." Sabi ko sa kanya at hindi pinahalata na nakikinig ako sakanya kapag sinasabi niya ang sagot.
"Utuin mo na ang lahat, Primrose. Wag lang ako. Alam kong nakikinig ka sa mga sinasabi ko kanina na answer." Sabi niya kaya napangiwi ako.
Tinawag isa-isa ni teacher ang pangalan namin para sabihin ang score namin. Panghuli akong tatawagin sa girls dahil Velasco apelyido ko.
Medyo nahihiya ako dahil wala pa akong naririnig na perfect ang score. Mukhang ako lang yata ang nakakuha ng perfect.
Malapit na akong tawagin ni teacher kaya naghanda na ako.
"Primrose Velascol Sabi ni teacher.
"Perfect po, ma'am." Sagot ko kaya nag tinginan ang mga classmate ko.
Hindi ko nalang pinansin at yumuko ako. Natatawa ako dahil anim or lima lang yata ang nasagutan ko at lahat ng yun ay si uncle na.
Natapos ang klase namin ngayong araw. Nag inat pa ako ng katawan bago ko niligpit ang papel at notebook ballpen ko sa bag. Tumayo na din si uncle Death at kinuha ang bag ko dahil siya talaga ang taga bitbit nón kapag umuuwi kami.
Si Erika nga ay tinatanong ako kung bakit palaging binabantayan ako ni uncle na pati dito sa classroom ay pumupunta na. Sinabi ko nalang na may nagbabanta kasi sa 'kin kaya kailangan akong bantayan ni uncle. Totoo naman kasi talaga yun. Wag daw kami makampante dahil baliw daw ang babaeng yun. Sabi ni uncle baka daw bigla nalang daw sumulpot si Jewel.
Sabay kaming lumabas ni uncle sa classroom. Nagugutom na ako at gusto ko mag sangyup. "Uncle.. sangyup tayo!!" Sabi ko saka nag puppy eyes.
"Sige. Hanap tayo, baby." Sagot ni uncle kaya napalakpak ako dahil sa tuwa. Mabuti nalang pagdating sa pagkain ay binibigay talaga ni uncle sa 'kin. Bawat suggest ko talaga sinusunod niya. Katulad nalang sa canteen. Nagsawa ako sa mga binibenta do'n kaya ang sabi ko papalitan ko ang mga tinitinda do'n. Sinusunod naman niya ang sasabihin ko. Nagpalagay din siya ng milk tea shop dahil sabi ko gusto ko no'n.
Naglakad lang kami sa covered walk hanggang sa makarating kami sa parking lot na nasa loob ng school. Do'n na kasi nag park si uncle para daw hindi na ako mapagod maglakad kapag uwian.
Lumapit kami sa kotse at siya pa ang nagbukas ng pintuan ng passenger seat. Pumasok naman ako agad at kinuha ko ang bag na hawak nya. Isinara naman niya ang pinto saka siya umikot papunta sa driver seat.
Tahimik ang buhay namin at sana wag na magparamdam pa si Jewel. Nagpalit na din ako ng phone number dahil yun ang gusto ni uncle Death. Kahit sino sa classmate ko ay hindi alam ang bago kong phone number. Tanging si uncle lang wala ng iba.
Pumasok si uncle Death sa kotse at agad niyang pinausad binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinapanood ang mga estudyante na naglalakad sa covered walk
Ang sabi sa 'kin ni uncle ay pati daw si kuya Ziven ay binabantayan daw ang kilos ni Jewel. Tinutulungan kasi kami ni kuya para daw walang humadlang samin. Natawa pa ako dahil gagawin daw niya ang lahat wag lang daw masira ni Jewel ang relasyon namin ni uncle.
Tulad ng request ko at naghanap si uncle ng samgy. Nagugutom na talaga ako at pang dinner ko na din yun kung sakali. Mad mabuti na yun para hindi na magluto si uncle mamaya pagdating sa bahay. Estudyante na din kasi siya kaya dapat lang na magpahinga din siya. Natatawa lang ako dahil naging teacher namin sya dati tapos ngayon naging estudyante na naman. Kulang nalang mag suot siya ng uniform para matawag talaga siyang estudyante.