Chapter 56
Primrose Pov
WALA si uncle Death ngayong araw dahil may aayusin lang daw siya sa kompanya niya. Pumayag naman na ako dahil wala namang umaaligid na Jewel. Siguro ay nabilaukan na yun at natigok na.
Nakikinig na naman ako sa teacher ko na nagtuturo sa harap. Nakakaantok kaya pati ibang estudyante ay naghihikab.
Ang haba ng oras kaya nakakamatay sa antok talaga. Ang hina din kasi ng boses ng teacher namin, nasa likod pa ako nakaupo dahil narin katabi ko si uncle Death sa t'wing binabantayan niya ako.
Matangkad kasi si uncle kaya kapag nasa unahan kami ay hindi makikita ng mga nasa likod ang blackboard.
Namiss ko tuloy si uncle Death. Natatawa kasi ako kapag nandito siya nakatambay sa classroom. Mas estudyante pa siya kaysa sa 'kin. Tinalo pa niya ang valedictorian namin dahil laging perfect ang score ko kapag may quiz.
Lumipas ang isang oras ay natapos din ang klase namin. Lumabas agad ako ng classroom kasama si Erika. Pupunta kami ng canteen dahil may 30 minutes kami na vacant.
Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay panay ang reklamo niya. Ako naman ay nakikinig lang din sakanya. "Minsan talaga nakakapagod maging anak." Sabi pa ng kaibigan ko habang nakanguso. Pinoproblema niya kasi ang mama niya na wala ng ginawa kundi pagalitan daw siya kapag nanghingi daw siya ng pera pangbili ng mga project or xerox.
"Akala nila ginagamit ko lang ang pera na hinihingi ko sa ibang bagay. Stress na nga ako sa school eh. Pati ba naman sa bahay stress parin ako." Sabi niya saka bumuntong hininga. "Ang hirap maging anak mahirap. Dagdag niyang sabi kaya napailing ako.
"Sasamahan lang kita mag merienda, girl. Hindi ako kakain kasi hindi ko pa nababayaran yung sinisingil ng secretary natin sa classroom. Hindi ako binigyan ni mama kaya tinitipid ko muna ang baon ko." Sabi niya habang sinasabayan ang lakad ko.
"Sino ba may sabing pabibilhin kita ng merienda?" Tanong ko sakanya." Ako ng bahala do'n sa amutan natin. Para yun lang." Saad ko kaya napatigil siya sa paghakbang.
"Ha? W-Wag na uy! Nakakahiya! Kaya ko na yun. Tipid-tipid lang at makakabayad din ako." Saad pa niya kay binatukan ko ang ulo niya.
"Ako ng bahala do'n. Alam mo kasi dati din ganyan ako. Minsan tinitipid ko minsan ang baon ko para hindi ako pabigat sa mama Georgia ko. Ganun talaga ako dati, pero ngayon na nasa poder na ako ni uncle Death ay medyo maluwag-luwag na ang pera. Time naman para tumulong ako sa'yo kahit paminsan-minsan." Irap kong sabi. Nakikita ko na maliyak na siya kaya natawa ako.
"Wag ka ngang umiyak diyan!" Saway ko sakanya saka inakbayan siya sa balikat. Umiyak ba naman eh may nakakasalubong karning mga estudyante. Baka sabihin inaaway ko siya.
Tears of joy, girl. Paanong hindi ako iiyak eh ilang gabi na akong tulala dahil si mama lagi akong pinapagalitan." Saad pa niya habang umiiyak.
Inakbayan ko lang siya hanggang sa makapunta kami sa canteen. Bumili agad ako ng makakain namin. Si Erika naman ay nag presenta na siya na daw ang utusan ko na pumila at umupo na daw ako.
Umupo lang ako habang si Erika ay nakapila. Tahimik lang akong pinapanood ang mga estudyante na nakaupo din at nag me-merienda. Yung iba pa nga ay ngumiti sa 'kin dahil siguro alam nila na uncle ko ang may-ari ng school.
Nakita ko ng papunta si Erika sa table ko. Dala- dala niya ang tray na may lamang pagkain. Para samin yun dalawa at kanina pa nagpapasalamat si Erika sa 'kin.
Nagsimula na kaming kumain dalawa at nakikinig lang ako sa dramarama niya sa buhay. Natigil lang ako sa pakikinig sa kanya ng mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko.
Kinuha ko muna yun dahil sure ako na si uncle ang tumatawag. Nang mailabas ko ay tama nga ang hula ko. Agad kong sinagot yun dahil namiss ko na din ang boses niya.
Nang masagot ko ay itinapat ko yun sa kaliwa kong tenga. "Hello, uncle! "Bati ko sa masiglang boses.
"How are you? Nag me-merienda ka na, baby?" Tanong niya sa 'kin kaya tumango ako.
"Opo, uncle. Ikaw anong ginagawa mo?" Tanong ko pabalik.
"Papunta sa school. Babantayan ka ulit," sagot niya kaya napangiti ako.
"Tapos na ba ang gagawin mo?" Tanong ko pa sa kanya saka sumubo ng pagkain.
"Tinapos ko na. Tumawag sa 'kin si Ziven na nalaman niyang wala sa bansang Pilipinas si Jewel nong nakaraang buwan. Kaya naman pala hindi siya nanggulo." Sabi ni uncle kaya kumunot ang noo ko.
"Eh 'di mas maganda po yun, uncle. Para po wala na siya sa landas natin." Sabi ko naman.
"Maganda sana yun, baby. Pero ang balita ni Ziven sa 'kin ay nakabalik na si Jewel sa Pilipinas. Kaya pinag-iingat tayo." Sagot ni uncle kaya napabuga ako ng hangin. Akala ko pa naman ay magiging tahimik na ang buhay namin. Yun pala bumalik na naman. Bakit kasi hindi nalang siya manahimik kung nasa'n man siya.
Napabuga ako ng hangin at nawalan na ng gana kumain. Nakakawala talaga ng gana kapag naririnig ko ang pangalan ni Jewel. Bwisit na babaeng yun. Ang tagal mag rest in peace.
"Okay ka lang?" Tanong sa 'kin ni Erika dahil nakita yata niya ang itsura ko. Mahina pa ang pagkakatanong niya dahil hindi ko parin pinapatay ang tawag namin ni uncle Death.
"Sige na, uncle.. kumakain pa kasi kami ni Erika. Mamaya nalang tayo mag-usap." Saad ko at pinatay ang tawag. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ng uncle ko.
Binigay ko nalang ang pagkain ko kay Erika dahil ayaw ko ng kumain. Natapos na lang ang vacant time namin kaya bumalik na kami sa classroom. Tahimik lang ako habang nakikinig sa teacher ko. Tinatawag pa niya kami para mag tanong kung ano ang diniscuss niya kahapon.
Mabuti nalang at hindi niya ako tinawag dahil wala akong isasagot. Nag o-overthink na naman kasi ako kung paano nalang kung magpakita na naman sa 'kin si Jewel. Siguro ay panahon na para magdala ako ng kutsilyo. Para kung sakali man ay may gawin siya sa 'kin ay masaksak ko siya.
Ilang sandali lang ay dumating si uncle at umupo sa bakanteng upuan na katabi ko. Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood. Trip ko lang din siya hindi kausapin dahil nakakairita ang mukha niya. Kanina lang ay gusto kong makita ang mukha niya pero ngayon ayaw ko na.