Chapter 57
Primrose Pov
MAGHAPON lang ako na nasa bahay. Wala si uncle dahil nagpaalam sa 'kin na magkikita sila ni kuya Ziven. Saglit lang naman daw siya kaya pumayag ba ako. Nasa bahay lang naman ako kaya wala naman sigurong mangyayaring masama sa 'kin.
Hindi naman makakapasok si Jewel dito sa loob ng bahay namin dahil unang-una ay mahigpit na ang security sa subdivision. Kaya goodluck kay Jewel kung makakapasok dito. Baka sa gate palang ay matusta ma siya.
Nasa kwarto lang ako habang nakahiga sa kama. Nanonood lang ako sa cellphone ko at hindi pa bumabangon. Kagigising ko lang kasi dahil natulog ako kanina.
Tawa ako ng tawa sa pinapanood ko at parang tanga na nagsasalita. Nakakainis kasi ang bidang lalaki. Napaka hangin kasi kaya natatawa ako na naiinis.
Biglang mag notif ang message ni uncle Death kaya napatigil ako sa pagtawa. Binasa ko yun at sinabi niya na pauwi na daw siya. Nag reply naman ako agad at sinabi ko na mag-iingat siya.
Pinagpatuloy ko ang panonood ko habang hinihintay ang uncle kong pogi. Naisipan ko na magpabili ng pagkain kaya cinancel ko muna ang pinapanood ko at nagtipa ng message saka ko sinend yun kay uncle Death.
Bumangon na din ako sa kama para maghilamos dahil kagigising ko lang. Akmang maglalakad na sana ako papunta sa banyo ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman yun na hindi tinitignan ang screen ng phone ko dahil sigurado naman ako na si uncle lang ang tumatawag.
Itinapat ko sa tenga ang cellphone habang naglalakad ako papunta sa banyo. "Hello, uncle!" Bati ko sa kabilang linya.
"Hi, future pamangkin! Miss me?" Tanong ng boses na babae na alam kong si Jewel. Nakakainis talaga ang babaeng 'to. Boses pa lang niya nakakawalang gana na.
Inilayo ko pa ang cellphone sa tenga ko at tinignan. Napabuga ako ng hangin dahil mukhang magaling nga ang babaeng 'to. Pati bago kong palit na phone number ay nakuha niya.
"Pano mo na naman nakuha ang phone number ko? At pwede ba.. wag mo nga akong tawaging future pamangkin. Ayaw ko magkaroon ng pangit na tita. Duhh!" Suplada kong sabi at umirap sa hangin. Iniisip ko na nandito siya sa harap ko.
"Ang sakit mo naman magsalita, pamangkin. May pasalubong pa naman ako sa'yo." Sabi niya na para bang inaasar ako.
"Sayo nalang yan. Hindi ko po kailangan yan, manang." Sagot ko na talaga pinagdiinan ko pa ang salitang manang.
"Matabil talaga ang dila mong bata ka eh no! Gusto mo putulin ko?" Tanong niya sa 'kin na naiirita na siguro sa mga sagot ko.
"Sige nga.. subukan mo." Matapang kong sabi. Matapang talaga ako dahil nasa cellphone lang naman.
"Matapang ka. Hindi mo ba alam na pwede akong pumunta sa bahay niyo. Alam kong wala kang kasama sa bahay niyo." Sabi niya kaya natigilan ako. Paano naman kaya niya nalaman na wala akong kasama dito sa bahay.
"Natigilan ka no!" Sabi niya saka binuntutan ng tawa.
"Baliw ka lang talaga! Paano ka naman makakapasok dito sa subdivision eh pinagbabawal ka ditong impakta ka! At isa pa, hindi ka makakapunta dito. Kaya wag ka ng mangarap!" Matapang ko paring sabi.
"Sinong may sabi? Si uncle mo? O, mukhang hindi niya alam na iisang subdivision lang kami ah.." sabi niya kaya napamura ako sa isipan ko.
"Sabihin mo sa uncle mo na mahal ko siya ha! Pasabi na anakan niya ako." Sabi niya habang tumatawa.
"Ungas! Mahiya ka naman sa sarili mo, manang. Ikaw talaga ang humahabol sa lalaki. Nakakatawa ka ha!" Pang aasar ko sa kanya at baka sakaling tumino ba ang isip.
"Bakit naman ako mahihiya? Eh mahal ko ang uncle mo. Lahat ng aagaw sakanya ay haharap sa kamatayan. Kahit pa ikaw yun. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Sabi niya kaya napalunok ako ng ilang beses.
"Alam mo...may sikreto akong alam na gustong-gusto kong sabihin sa'yo." Saad pa niya kaya umirap ako sa hangin.
"Sayo nalang yang sikreto mo. Wala akong pake!" Mataray kong sabi at akmang ibababa ko na sana ang tawag ng tumawa ng malakas si Jewel sa kabilang linya.
"Kahit tungkol sa totoo mong mga magulang? Ayaw mo talaga malaman?" Tanong niya na ikinatigil ng paghinga ko. Para bang alam niya kung sino ang totoo kung mga magulang.
"Anong ibig mong sabihin? Anong tungkol sa mga magulang ko?" Tanong ko ng makabawi ako.
"Sasabihin ko lang sayo kapag tinulungan mo ako sa uncle mo. Kilala ko ang mga magulang mo, my dear Primrose." Sabi niya kaya napahilot ako sa sintido ko.
"Ulol ka ba?! Ayaw ka nga ng uncle ko diba? Mahiya ka naman! Tigilan mo na ang pagiging delulu mo." Pambabasag ko sa trip ng gaga.
"Sige. Madali naman akong kausap eh, kung ayaw mo.. eh 'di lalandiin ko nalang ang uncle mo." Sabi niya kaya ako naman ang tumawa ng malakas. Nakakatawa kasi ang sinabi niya. Marunong din pala siya mag joke.
"Ang funny mo, manang. Mukhang mahihirapan kang landiin ang uncle ko dahil una sa lahat ay hindi ka naman niya gusto. Kahit maghubad ka siguro sa harap niya ay hindi ka papatulan ng uncle ko. Baliw!" Galit kong sigaw saka pinatay ang tawag dahil walang kwenta ang kausap ko.
Ibo-block ko na sana ang phone number ni Jewel ng maalala ko na ibibigay ko 'to kay uncle Death. Para naman ma trace niya kung nasa'n ang bwisit na babaeng yun.
Muntik pa akong napatili ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si uncle Death. Yung kanina na tapang-tapangan ko ay naglaho ng makita ko siya. Agad akong naglakad papunta sa kanya at yumakap.
"Are you okay, baby? What happened?" Tanong niya. Hindi naman ako nakasagot agad at nakayakap lang talaga ako kay uncle.
"Uncle.. tumawag po sa 'kin si Jewel. Nandito lang po siya nakatira sa subdivision. Alam niya po ang bago kong phone number. Pati po yung wala akong kasama ay alam niya din po. Para bang may mata siya sa bahay." Saad ko saka kumawala ng yakap sa kanya.
Puro mura ang narinig ko kay uncle Death at halatang naiinis na naman. Hindi malabong nasa loob siya ng subdivision nakatira. Kaya siguro alam niya kung nasa'n ako nag-aaral. Bwisit na babaeng yun. To the highest level na ang kabaliwan niya. Naiinis tuloy ako kay uncle Death. Masyado kasi siyang gwapo at yummy kaya siguro nabaliw ang Jewel na yun.
Kinuha ng uncle ko ang cellphone at tinawagan niya si Ziven. Nakikinig lang ako kay uncle na nakikiusap kay kuya Ziven na hanapin ng mabuti at huliin si Jewel.
Sinabi ko din ang mga sinabi ni Jewel sa 'kin lalo na ang sinabi niyang alam niya ang tungkol sa mga magulang ko. Natigilan pa si uncle at halatang naiinis sa sinabi ko. Hindi daw niya alam kung ano ba talaga ang pakay ni Jewel samin.
Pero gusto kong malaman talaga kung sino ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung totoo ba talagang kilala ni Jewel ang mga magulang ko o nagkukunwari lang ang bruhang yun para may gamitin siyang alas sa 'kin. Nakakapagtaka talaga ang babaeng yun dahil alam niya ang tungkol sa 'kin.