Chapter 87
Death's Pov
NAGSIMULA na nga ang kinakatakutan ko ng magsimula ng manggulo si Jewel sa buhay namin. Hindi sinabi agad sa 'kin ni Primrose na panay na pala ang send ng message ni Jewel sa kanya.
Mukhang alam na ni Jewel ang sikreto kaya panay ang text niya. Nalaman ko nalang ng sabihin na sa 'kin ni Prim. Kaya wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoong nangyari bago pa ako magawan ng kasinungalingan ni Jewel.
Sinabi ko kung paano namin pinasok ang bahay ng pamilya nila. Sinabi ko din sa kanya na ako ang sumugat sa braso niya nong baby kaya siya may peklay do'n. Naniwala naman siya agad dahil matagal na daw niya kasing nakita ang peklat na yun at nagtataka siya kung bakit meron siyang ganun. Naitanong na daw niya sa mama Georgia niya dati pero ang sagot lang daw ay nong baby daw.
Malamang ay wala din yung alam dahil ako lang naman ang nakakaalam.
Sinabi ko din kay Prim kung paano ko siya niligtas at dinala sa hospital hanggang sa dalhin ko siya sa kapatid ko. Akala ko ay magagalit siya dahil sa sinabi ko pero hindi, bagkos ay pinakinggan niya ang paliwanag ko. Masaya ako dahil sa wakas ay wala na akong tinatago sa kanya.
Nagpasalamat siya dahil sa ginawa kong pagsalba sa kanya. Ngunit hindi ako tumatanggap ng thank you kaya pinasalamatan niya ako habang naglalabas masok ako sa loob ng p********e niya.
Pinaghandaan namin ni Primrose ang pag atake ni Jewel. Hindi kasi siya mahanap ni Ziven dahil magaling magtago ang babae. Kaya ang naisip kong paraan ay dapat siya mismo ang lumabas sa lungga niya. Magagawa ko lang yun kapag nalaman niya na hiniwalay na kami ni Primrose.
Gusto niyang makalapit kay Prim dahil sa box. Kailangan niya ng fingerprint ni Prim. Inaasahan ko talaga na baka mag padala nga siya ng picture kay Primrose at tama nga ang hinala ko.
Mabuti na lang talaga ay naunahan ko na ang binabalak niya.
Pareho kaming nag drama ni Primrose para lang mapaniwala namin si Jewel. Alam ko din na may inutusan ang babae na palagyan ng bug ang sasakyan ko para mapakinggan niya ang usapan namin ni Primrose.
Nagkunwari kaming hiwalay at lahat ng ginawa ni Prim na hindi umuwi sa bahay ko ay drama lang. Si Declan ang pinabantay ko kay Prim habang ako ay nagkukunwaring naglalasing dahil sa break up namin dalawa ni Prim.
Idagdag pa na dumating din si Jcanz para tulungan si Jewel. Hindi naman ako papayag na may mangyari sa baby ko.
Binigay ni Jewel ang address ng dating bahay nila Prim. Habang papunta si Prim do'n ay ako ang sumusunod na sa kanya.
Si Jewel ay nasa paligid lang. Nahanap ni Prim ang bahay sa tulong ng matandang napagtanongan niya.
Pumasok siya sa bahay kaya pumasok din ako pero sa likod ako dumaan. Miss ko na ang baby ko dahil dalawang araw ko na siyang hindi na hahalikan at nayayakap.
Hindi ko na kaya ang pagkamiss ko sa kanya kaya umakyat ako ng kwarto kung saan siya naglilinis. Mabuti nalang at pumasok ako dahil bubuksan na sana niya ang box. Nakalimutan kong sabihin sa kanya ang tungkol do'n.
Gusto ko sana siyang angkinin dahil dalawang araw na akong tigang. Ngunit naalala ko na kwarto nga pala 'to ng mga magulang niya kaya pinigilan ko ang sarili ko.
Pinapalabas pa ako ni Prim dahil baka masira daw ang plano namin. Napangiwi ako dahil gusto ko pa sanang halikan ang labi niya pero pinagtutulakan naman niya ako.
Ilang sandali lang ay lumabas si Pirm para bumili ng pagkain. Hinintay ko lang siya dahil may nakita akong malapit na karinderya mula dito sa bahay ng mga magulang niya.
Nasa labas naman si Declan at Ziven kaya alam kong hindi mapapahamak ang baby ko. Lumipas ang 20 minutes ay narinig ko ang malakas na pagbukas ng pintuan. Alam kong si Prim yun dahil naririnig ang paghinga niya na parang humahangos.
Mukhang nandito na si Jewel kaya siya tumatakbo. Nandito na din ang hinihintay namin sa wakas.
Pumasok si Jewel at agad akong umalis sa pinagtataguan ko. Lumapit ako sa likuran ni Jewel ng walang ingay.
Nagtataray pa ang baby ko kaya napangiti ako. Proud talaga ako sa kanya, maldita na, matabil pa ang dila. Kaya lagi akong under sa kanya.
Walang kaalam-alam si Jewel na nasa likuran niya ako. Agad kong inatake si Jewel at mabilis na nakipaglaban. Halatang nagulat siya kaya napangiti ako habang pinipilayan siya.
Magaling din kasi si Jewel pagdating sa labanan kaya hindi nakakapagtaka na nasasalag niya minsan ang atake ko. Pero mas magaling at malakas ako sa kanya kaya nagawa kong ibalibag ang babae.
Wala akong sinayang na oras at kinuha ang kutsilyo na dala ko saka inapakan ang leeg ni Jewel. Nanlilisik pa ang mata niya na halatang gusto niyang bumawi sa pagkakatalo sa 'kin.
Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon para makaporma at tuluyang tinuluyan ang babae. Sinaksak ko ang ulo ni Jewel upang mawala na siya sa landas namin.
Narinig ko pa ang pagsinghap ni Prim na halang nagulat sa ginawa ko. Nang mapatay ko si Jewel ay saka naman pumasok ang dalawa kong kaibigan na alam kong pinapanood lang nila ako.
Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla nalang sumulpot si Jcanz mula sa likuran ni Primrose ay itinutuk ang kutsilyo sa leeg niya. Akala ko ay si Jewel lang ang pumunta dito kaya hindi ko inaasahan na susunod pala dito ang dati kong kasama sa grupo.
Ginawa niyang bihag si Prim habang hinihila niya palabas. Ayaw kong masaktan ang baby ko ngunit nakita ko kung paano pumatak ang dugo ni Primrose sa leeg. Sinaksak oa niya sa braso so Prim kaya mas lalo akong nag-aalala.
Naikuyom ko ang kamao ko kaya sumenyas ako sa isa kong kaibigan na umikot para mailigtas namin si Prim.
Sinabi ko pa na ako nalang at wag na si Prim. Paatras naman ng paatras si Jcanz hanggang sa makalabas sila sa pintuan ng kusina.
Lihim akong napangiti ng makita ko ang isa kong kaibigan at agad na inatake si Jcanz. Siniko naman ni Prim ang lalaki kaya nakawala siya ay tumakbo papunta sa 'kin. Nakahinga ako ng maluwag dahil nailigtas namin si Primrose. Itinago ko pa siya sa likuran ko habang si Declan at Ziven ag pinagtutulungan si Jcanz.
Napatay nila ang lalaki kaya nakapagdesisyon ako na dadalhin kong hospital si Prim dahil sinaksak siya kanina ng lalaki.
Hindi ako nakatiis ay pinili kong buhatin si Prim para mas mapabilis kaming dalawa.
Katulad nong baby siya ay buhat-buhat ko din siya noon. Ngayon naman buhat-buhat ko na naman siya hanggang sa sumakay ako ng kotse. Dinala ko siya sa hospital para magamot siya. Mahal na mahal ko talaga si Primrose. Masaya ako dahil wala ng manggulo samin dalawa dahil pinatay ko na si Jewel.
Ang sabi ng mga kaibigan ko ay sila na daw ang bahala ang magligpit sa mga bangkay ni Jewel ay Jcanz. Alam kong susunugin nila ang bangkay ng dalawa dahil do'n nababagay si Jewel.
Sana lang ay maging payapa na kaming dalawa ni Prim at wala ng umeksina pa na ibang babae.