CHAPTER 77

1170 Words
Chapter 77 Primrose Pav NAGSIMULA na ang homeschool ko at wala na akong nagawa kundi tanggapin na si teacher Lady na talaga ang magtuturo sa 'kin. Mukha naman siyang mabait at talagang malambing lang pala talaga ang boses niya kapag nakikipag usap. Akala ko kasi ay sinasadya niya para landiin ang uncle ko. Masyado na talagang nag iiba ang ugali ko kaya kahit konting mali lang o kakaiba ay napapansin ko agad. Nasanay na din ako na kinakausap niya ako na malambing. Magaling naman siya magturo dahil naiintindihan ko agad ang mga lesson. Binigyan niya ako ng quiz ngayon kaya tahimik kong sinasagutan ang quiz. Nasa katapat ko naman na upuan si ma'am Lady na seryosong nakatapat sa laptop niya. Wala naman si uncle ngayon dahil pumunta siya sa kompanya. Kaya kami lang talaga dalawa ni ma'am Lady. Nahihirapan ako sa question niya pinakahuli pero nakaya ko parin naman sagutan. Hindi ko lang sure kung tama ang sagot ko. Pagkatapos kong sagutan ay binigay ko na agad yun kay ma'am Lady. Nakangiti naman niyang tinanggap yun at pinagmasdan ang papel ko. "Kukuha lang po ako ng water, ma'am Lady. Gusto mo din po ba?" Tanong ko dahil baka nauuhaw na siya. "Ahm.. sige. Thank you ha!" Sagot niya sa malambing na boses. Tumango naman ko at agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Tinungo ko ang kusina at lumapit sa malaking refrigerator. Binuksan ko yun at kumuha ng dalawang bottled water. Isinara ko ang pinto ng ref saka ako bumalik papunta sa sala. May inilagay kasi si uncle na table do'n na para samin ni ma'am Lady. Wala namang iistorbo samin dalawa dahil wala namang ibang tao. Naglakad ako palapit kay ma'am at sakto naman na bumukas ang pintuan ng main door. Pumasok do'n si uncle Death at tumingin sa 'kin habang nakangiti. Akmang lalapit sana ako sa uncle ko ng bigla nalang tumayo si ma'am Lady sa kinauupuan niya at lumapit kay uncle. Yumukod pa siya at binati niya ng magandang umaga ang uncle ko. Hindi nalang tuloy ako lumapit dahil may sinasabi si ma'am Lady kay uncle. Nakita ko naman na tumango- tango ang uncle ko at nakikinig sa sinasabi ni ma'am. Nang matapos yun ay lumapit na sa 'kin si uncle. Humawak pa siya sa bewang ko at hindi ko maiwasan mapangiti kahit pa nga nakatingin samin si ma'am Lady. "How are you, baby? Nagugutom ka ba?" Tanong sa 'kin ni uncle na halos pabulong na. Sobrang lapit naman niya sa 'kin kaya ako lang ang makakarinig sa sinasabi niya. "Busog pa naman ako, baby. Hindi pa kami tapos ni ma'am Lady eh. Kaya mamaya nalang ako kakain." Sabi ko kaya tumango siya. "Malapit na ba kayo matapos?" Tanong niya sa 'kin. "Malapit na. Bakit?" Tanong ko pa. "Kakain sana tayo sa labas, baby. Nahanap ko na yung sinasabi mo na gusto mong kainan." Sabi niya habang nakangiti. "Yehey! Sige, do'n tayo kakain." Pagpayag ko kaya tumango siya. Inalalayan pa talaga niya akong maglakad papunta sa upuan ko kanina. Umupo ako saka lang umalis si uncle Death at nagpaalam na aakyat lang muna sa kwarto. Tahimik lang ako habang si ma'am Lady seryoso ang mukha. "Ang sweet niyo mag uncle.." sabi ni ma'am kaya napipilitan akong ngumiti. "Ganun lang po talaga kaming dalawa," sagot ko na lamang. "Mag uncle ba talaga kayo? Para kasing hindi eh," saad pa niya kaya mahina akong natawa. "Wag mo nalang po pansinin, ma'am Lady. Ang pagtuonan mo ng pansin ay ang pagtuturo mo sa 'kin." Saad ko dahil parang hindi ko gusto ko ang tono ng pagtatanong niya. Ngumiti lang siya ng pagkatatamis- tamis at ibinalik ang tingin sa laptop. "Hindi naman sa nangingialam ako, Primrose. Ang sweet niyo lang kasi sa mag uncle. Kaya ko lang naman na tanong. Para kayong hindi mag uncle." Sabi niya sa malambing na boses. Napabuga ako ng hangin at gustong-gusto ko sana siyang sigawan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko at baka bumagsak ako. Hawak niya ang grades ko kaya dapat lang ay behave ako. "Mag-aral ka ng mabuti, Primrose. Wala kang nakuhang tamang sagot." Sabi niya saka ibinalik sa 'kin ang papel na sinagutan ko kanina. "Po? Tama po ang sagot ko. Bakit kahit isa walang tama?" Gulat na gulat kong tanong. Matamis lang niya akong nginitian at umayos ng upo. "Mali talaga ang mga sagot mo, Prim. Wala ka sa focus kaya walang tumama na sagot. Kaya sa susunod.. mag focus ka." Sabi niya saka inayos ang dalawang libro na ganamit niya kanina. Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko habang nakatingin sa papel ko na may malaking ekis. Ang lakas pa ng loob ko na tama ang mga sagot ko yun naman pala mali lahat. Napatigil lang ako sa pagtitig sa papel ko ng marinig ko ang yapak ni uncle Death na pababa ng hagdan. Nag angat ako ng tingin at nakitang ngumiti sa 'kin ang uncle ko. "Tapos na ba klase mo, baby?" Tanong sa 'kin ni uncle. Ako yung tinanong pero lumingon si ma'am Lady "Tapos na ang klase namin, sir Death." Sagot niya kahit hindi naman siya tinanong ni uncle. "Okay. Thank you, ma'am Lady." Pagpapasalamat ni uncle kay ma'am. Napairap nalang ako dahil naiinis talaga ako sa score ko. Mamaya talaga ipapakita ko kay uncle 'to. Para alam ko kung trip lang niya gawing mistake lahat. Susulatan ko talaga ng ekis ang mukha ni ma'am Lady na nakangiti na naman sa uncle ko. "Bihis ka na, baby. Mag lunch tayo sa labas." Saad ni uncle kaya tumango ako. "Kakain ba kayo sa labas?" Malambing na tanong ni ma'am Lady kaya napatigil ako sa pagligpit ng papel at ballpen ko. "Ahm.. yeah. Nag c-crave kasi si Primrose ng steak." Sagot naman ni uncle. "O, sakto nagugutom na din ako. Balak ko din sana mag lunch sa labas pero wala akong kasama eh. Pwede ba akong sumabay nalang sainyo?" Tanong ni ma'am Lady kay uncle kaya nanlaki ang mata ko. Seryoso ba talaga siya sa tanong niya? Gusto ba talaga niyang sumabay samin. "Ayos lang naman. Walang problema." Sagot naman ni uncle saka tumingin sa 'kin. Hindi naman ako sumagot at nakabusangot lang ako dahil naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Pumunta nalang muna ako sa kwarto para magpalit ng damit. Maluwang na damit kasi ang suot ko at mahirap na baka mapagkamalan akong katulong at mapagkamalan ng ibang tao si uncle at ma'am Lady na mag jowa. Nakakainis talaga! Pakiramdam ko talaga may gusto siya sa uncle ko o talagang na pra-pranning lang talaga ako. Mababaliw na yata ako kakaisip kung ano ba talaga ang ugali ni ma'am Lady. Para bang hindi siya makabasag pinggan. Yung boses din niya ay akalambing kaya naiingit ako dahil yung boses ko parang palaging pagalit magsalita. Mas lalo pa akong naiinis dahil sa mataba ako at siya naman ay sexy. Natatakot lang yata siguro ako na baka magustuhan ni uncle si ma'am Lady. Hindi kasi talaga malabo dahil maganda din naman si ma'am at same age lang din sila ni uncle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD