CHAPTER 83

1127 Words
Chapter 83 Death Pov NANG MAKABALIK ako sa bahay ng mag asawang Sanchez ay wala pa sa sala ang mga kasama ko. Dali-dali kong inilapag ang batang sanggol na ipinalit ko at habang dala ang isang pack ng binili kong dugo. Ikinalat ko yun sa sahig at inilapag ang patay na sanggol. Nang matapos ako ay naghugas ako ng kamay sa kusina at bumalik sa sala para hintayin ang mga kasamahan ko. Naririnig ko pa ang tawa ni Jewel. Nakita ko silang pababa ng hagdan at punong-puno ng mantsa ang damit nila. Hawak din ni Jcanz ang box na pinapakuha samin ng boss ng agency. "Good job, Death. Akala ko maawa ka sa sanggol eh," sabi pa ni Jewel ng makita niya ang sanggol na sinet up ko. Hindi ako sumagot at bored ko silang tinignan. "Tapos na ba?" Tanong ko kaya ngumisi silang tatlo. "Tapos na. Dala na din namin ang box. Hindi ka man lang umakyat sa kwarto pagkatapos mong patayin ang sanggol." Sabi ni Jcanz. "Kaya niyo naman na," sagot ko nalamang. "Kailangan na natin makaalis dito bago pa tayo matunugan dito," saad ni Jewel na lumapit sa 'kin. "What?" Galit kong tanong sakanya dahil halatang nagpapacute na naman siya sa 'kin. "Ito naman.. mainitin ang ulo. Gusto mo palamigin ko?" Tanong niya sa kin. "No need." Tipid kong sagot saka na unang lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Jewel na agad sumunod sa 'kin. Mabilis ang kilos namin na naglakad sa kalsada. Tahimik ang paligid dahil alam namin na tulog ang mga tao. Naglakad lang kami na parang walang nangyari hanggang sa makarating ako sa sasakyan na naka park sa unahan. Lumingon ako sa mga kasamahan ko ng makita ko si Jcanz na dala-dala ang sanggol na ipinalit ko sa tunay na anak ng mag asawang Sanchez. "Bakit mo dala yan?" Kunot noo kong tanong. "Utos ni boss na dalhin ang anak ng mag-asawa. Buhay man o patay" Sagot niya saka tinuro si Holland. "May fingerprint ang box na tanging ang anak lang ng mag asawang Sanchez ang makakabukas." Dagdag pa na sabi ni Jcanz kaya napamura ako sa isipan ko at hindi pinapahalata na may ginawa ako. Kailangan ko lang magkunwari. Tumango nalang ako saka binuksan ang pintuan ng passenger seat. Pumasok ako sa loob saka ko isinara ang pinto ng kotse. Pumasok naman si Holland sa driver seat at habang ang dalawa ay nasa back seat. "Bakit ayaw mo dito sa backseat, Death? Tabi sana tayo eh," sabi pa ng babae. "Hindi ako tumatabi sa mga mababang uri na babae." Walang buhay kong sagot. Tumawa naman si Holland at Jcanz sa sagot ko kaya nagalit si Jewel. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Iniisip ko kung paano ko malulusutan ang ginawa ko kanina. Naisip ko din ang sanggol na pinagkatiwala ko sa nurse. Kailangan ko mabalikan ang baby na yun. Baka malaman ng grupo ang ginawa ko at hanapin nila ang batang sanggol. Pumasok sa isipan ko ang kapatid kong babae kaya nagkaroon ako ng idea. Tumingon ako sa mga kasamahan ko para magpaalam. "Wala naman na tayo mission bukas diba?" Tanong ko sakanila. "Wala na. Bakit?" Tanong ni Jcanz sa 'kin. "Balak ko sanang bisitahin ang kapatid ko. Bagong panganak kasi siya 6 month ago." Saad ko para hindi nila mahalata. "Sige. Next day pa naman ang alis natin." Pagpayag ni Jcanz. Tumango lang ako at hindi na umimik pa. "Kami na ang bahala muna dito," dagdag pa niyang sabi. "Baka mamaho yang sanggol," maarteng sabi ni Jewel. Tawa lang ang sagot ni Jcanz. Gusto ko ng umalis sa grupo nila pero hindi naman pwede dahil dito ako na assign. Kaya kahit gustuhin ko man ay wala akong magagawa. Nakarating kami sa hotel kung saan kami tumutuloy. Si Jcanz na ang gumawa ng paraan para hindi kami mahuli ng mga staff ng hotel. Nagpaalam na din ako sakanila dahil gusto kong puntahan ang kapatid ko. Matagal-tagal ko na din kasing hindi siya na bibisita. Pumayag naman sila kaya umalis na ako. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa address ng kapatid ko. Hindi niya alam na nasa Pilipinas ako kaya sigurado akong magugulat siya kapag nakita ako. 30 minutes ang lumipas ay nakarating ang sinasakyan ko sa bahay ng kapatid ko. Bumaba ako matapos kong ibigay ang pamasahe. Alam kong tulog siya ngayon kasama ang asawa niya. Kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko para tawagan siya. Ngunit nagtaka ako dahil isang ring ko lang ay sumagot agad siya. "Death?" Tanong niya sa kabilang linya. "Gising ka pa?" Tanong ko naman. "Oo. Bakit ka napatawag? Nasa Pilipinas ka ba?" Tanong niya sa kin. "Hindi lang ako nasa Pilipinas, ate. Nasa harap din ako ng bahay niyo." Sagot ko kaya narinig ko ang ingay sa kabilang linya na parang bumangon siya. Ilang sandali lang ay nakita ko ang kapatid ko na dumungaw sa bintana. Agad naman siyang umalis do'n at sinabi sa 'kin na bababa daw siya at hintayin ko. Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng bahay ng kapatid ko at tumatakbo siyang lumabas. "Death.." tawag niya sa 'kin saka binuksan ang gate. Agad niya akong niyakap ng mabuksan niya ang gate kaya niyakap ko din pabalik ang kapatid ko. "Mabuti naman at naisipan mo akong dalawin. Nag-aalala ako sa'yo palagi." Sabi ng ate ko at kumawala ng yakap sa 'kin. Napatitig ako sa mata niya at hindi ako nagsasalita. "Umiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya dahil namumugto ang mata niya. "Ahh.. ito ba. Hindi. Nagising lang ako kaya namumugto ang mata ko." Sagot niya saka umiwas ng tingin sa 'kin. "Sinungaling. Umiyak ka! Anong ginawa ng asawa mo?" Tanong ko sa kanya. May asawa na kasi siya at hindi man lang ako nakadalaw sa kasal niya last year. Mas pinili ko kasing pumatay kaysa dumalo sa kasal nya. Ayos na sa 'kin na maging masaya siya sa buhay niya kahit ako ay hindi. Ang importante ay isa samin ang masaya. Pero mukhang hindi siya masaya sa buhay na meron siya. Nakikita ko sa mga mata niya. "Wala 'to, Death. Ayaw lang ng mag-asawa. Yun lang." Sabi niya kaya napabuga ako ng hangin. "Umamin ka na sa 'kin, ate. Kung ayaw mong ako ang kumuha ng sagot mula sa asawa mo." Pananakot ko sa kanya. Inirapan naman niya ako at inayos ang damit niya. "Oo na. Sasabihin kona. Nagloloko ang asawa ko. Nalaman ko na may babae siya at proud niyang inamin sa 'kin. Uminit ang ulo ko sa sinabi ng ate ko. Mapapatay ko talaga ang asawa niya. Hindi makuntento sa isang babae. Magbabayad talaga siya sa pagpapa iyak niya sa kapatid ko. Putangina ang lalaking yun! Wala siyang karapatan na lokohin ang ate ko. Humanda talaga siya sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD