CHAPTER 62

1154 Words
Chapter 62 Primrose Pov WALA na yata akong ginawa kundi ang tumunganga habang ang teacher namin ay nag di-discuss sa harap. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Jewel sa 'kin kanina. Mababaliw na yata ako sakaka isip kung totoo ba talaga na si uncle Death ang pumatay sa mga magulang ko? Kaya ba napunta ako kay mama Georgia? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto ko ng makita si uncle para malaman ang totoo. Sana naman ay may makuha akong sagot mula sakanya. Ilang oras ang lumipas ay tapos na ang klase namin. Naramdaman ko din na nag vibrate ang phone na nasa bulsa ng palda ko kaya alam kong si uncle yun. Siguro ay nasa parking lot na siya ng school at hinihintay ako. Agad akong lumabas ng classroom at hindi na hinintay pa si Erika. Kailangan ko ng makausap ang uncle ko ngayon din. Mababaliw ako kapag hindi ko makuha ang totoong sagot mula sa kanya. Naglalakad ako sa covered walk hanggang sa makarating ako sa parking lot. Tama nga ang hinala ko dahil nakikita ko na ang kotse na nakaparada ni uncle Death. Humugot muna ako ng malalim na hininga at nagsimula ng maglakad papunta sa parking lot. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa nalaman ko. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako kapag si uncle ang totoong pumatay sa mga magulang ko.. Bakit ganito ang nangyari sa buhay ko? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana at talagang hinayaan na mahalin ang taong dahilan kung bakit ako naulila. Nakarating ako sa harap ng kotse ni uncle at napalunok ng ilang beses dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinurap- kurap ko pa ang mga mata ko para hindi niyang mahalata na naiiyak ako. Lumapit ako sa pinto ng passenger seat at agad na binuksan ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang nakangiting. mukha ng uncle ko na halatang masaya ng makita ako. Parang may sumasakal sa puso ko dahil sa nakikita ko. Napapaisip ako kung bakit niya ako ibinigay sa kapatid niya kung sakali. Pumasok ako sa loob ng kotse at walang emosyong nakatitig sa kanya. "What? Bakit ganyan ka makatingin sa kin, baby?" Tanong niya sa 'kin habang nakangiti. "May itatanong ako sa'yo, uncle. Gusto ko sabihin mo sa kin ang totoo." Saad ko sa walang emosyong boses. Naglaho ang ngiti niya at napalitan yun ng napaka seryosong mukha. Alam siguro niya na hindi ako nagbibiro. "What is it?" Tanong niya habang nakatitig sa 'kin. "Sino ang totoo kong mga magulang, uncle?" Tanong ko habang magkatitigan kaming dalawa. Kulang nalang ay parang may lalabas na kuryente sa mga mata namin. "Bakit mo naman tinatanong yan?" Tanong niya at halatang hindi nagustuhan ang tanong ko "Bakit? Hindi mo ba kayang sagutin ang tanong ko, uncle? Bakit.. may tinatago ka ba sa 'kin na ayaw mong malaman. ko?" Sunod-sunod kong tanong sakanya. "Wala. Wala akong tinatago, baby. Tigilan mo na ang mga tanong mo." Sabi niya sa malamig na boses. Napalunok ako ng ilang beses at pinipigilan na mapaluha dahil halatang iniiwasan niya ang tanong ko. Ayaw ko sanang mag-isip ng masama na baka totoo mga ang sinasabi ni Jewel. Pero sa pinapakita lang ni uncle sa 'kin ngayon ay napatunayan ko na totoo ang sinasabi ng babaeng yun. "I-Ikaw ba.." saad ko na halos mauutal dahil ayaw kong itanong sakanya. "Ikaw ba ang p-pumatay sa totoo kong mga magulang, uncle?" Pagtutuloy ko sa tanong ko kaya dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin. Walang ka emosyon-emosyon ang mukha niya. Kung ano ang itsura niya ng dumating ako sa bahay niya ay nakita ko ngayon. Walang emosyon, para bang hindi siya ang uncle na maalaga sa 'kin at palaging sinasabi na mahal ako. "Ikaw ba? Ikaw ba, uncle? Sagutin mo ko please.. gusto kong malaman ang totoo. Kaya sana wag kang magsinungaling sa 'kin." Pagsusumamo ko dahil gusto kong marinig sa kanya mismo ang totoo. Isang mahabang katahimikan ang namigatan sa aming dalawa at walang nagsasalita. Hindi din siya tumingin sa' kin. Nakaderitso lang ang tingin niya na para bang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. "Oo. Ako nga." Sagot ni uncle na nagpaguho sa mundo ko. Napakurap-kurap ako saka tumingin sa harap. Mas masakit pala kapag narinig mismo sa kanya. "B-Bakit? Bakit mo sila pinatay? Hindi mo man lang ba naisip na baby pa lang ako at nangangailangan ng kalinga mula sa mga magulang ko? Kaya mo ba ako dinala sa kapatid mo para ano.. dahil nakokonsensya ka.. ganun ba, uncle?" Tanong ko habang hindi mapigilang hindi mapaluha sa nalaman ko. "Ang utos samin ay lahat ng pamilyang Sanchez, Primrose. Kaya dapat ay kasali ka sa papatayin. Pero mas pinili kong iligtas ka. Yun ang totoo. Kaya kita dinala sa kapatid ko upang maalagaan ka niya ng maayos. Totoong nakonsensya ako.. pero yun ang trabaho ko, Primrose. Ang problema lang ay ikaw ang batang sanggol na gustong ipapatay sa 'kin." Saad ni uncle habang hindi nakatingin sa 'kin. Lumingon ako sakanya at mapait na ngumiti. "So, ibig sabihin.. mission mo talaga na patayin ang buong pamilya ko. Ano ba ang ginawa nilang masama para utusan ka ng ganun ng agency na pinagtatrabahuan mo? Paki explain dahil kanina pa masakit ang isip ko kakaisip kung anong dahilan mo!!" Galit na galit kong sigaw. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa harap ng sasakyan. Tumawa ako ng mahina habang lumuluha ang aking mga mata. Alam kong hindi ko nakilala ang mga tunay kong magulang pero nangyari yun dahil sa kagagawan ng agency na yun. "Maghiwalay na tayo! Ayaw ko na sa'yo. Isa kang mamatay tao na dapat makulong." Saad ko kaya lumingon sa 'kin si uncle. Lumingon din ako sa kanya at masama siyang tinignan." Kinamumuhian kita, uncle Death. Hinding-hindi kita mapapatawad kahit kailan." Walang emosyon kong sabi. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-dali kong binuksan ang pintuan ng passenger seat at lumabas ng sasakyan. Isinara ko ang pinto at tuluyang naglakad palayo sa sasakyan ni uncle. Hindi ako lumingon sa kanya dahil ayaw ko na siyang makita pa. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa covered walk. Pinahid ko pa ang luha na nasa gilid ng mga mata ko at malalaki ang hakbang para makalabas na ng eskwelahan. Ayaw ko ng umuwi sa bahay niya kaya hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi na ako uuwi pa do'n dahil ang laki ng kasalanan niya sa 'kin. Sa tingin ko ay hindi ko na siya kaya pang patawarin sa mga nalaman ko. Nawalan ako ng magulang dahil sa kanya. Kung iisipin ay mukhang sinadya ni Jewel na padalhan ako ng mga picture ko nong baby ako. Siguro ay talagang balak niyang sirain kami ni uncle na nagawa naman niya. Mukhang ito ang sinasabi niyang alas na alam niyang mapupunta sa kanya si uncle kung mamahalin siya ng lalaking gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD