Chapter 13
Primrose Pov
HINDI KO alam kung seryoso ba talaga 'tong uncle ko sa pinaggagawa niya sa kanyang buhay. Siya kasi ang substitute teacher namin. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakanya. Nagkataon lang naman siguro na siya ang substitute teacher namin at ang mas nakakagulat ay sa math pa talaga.
Kingina talaga! Ang bobo ko pa naman sa math. Pero okay na din siguro yun, baka pumasa ako at maawa sa 'kin si uncle. Syempre, nag-iisa niya akong pamangkin eh.
Naramdaman kong may kumalabit sa balikat ko kaya napalingon ako. Ang classmate ko pala na si Gilbert. Palipat-lipat ako ng tingin sa harap at sa classmate ko at baka mahuli ako ni uncle na nakikipag tsismisan habang siya ay nag di-discuss at nag so-solve sa board.
"May extra ka bang ballpen?" Tanong ni Gilbert.
"Oo meron. Hihiram ka?" Tanong ko naman.
"Oo sana. Naubusan ako eh, balik ko lang din pagkatapos." Saad niya kaya kinuha ko ang extra kong ballpen na nasa bag. Inabot ko yun kay Gilbert at halos magulat ako ng may malakas na humampas sa mesa. Napalingon ako agad sa harap at nakita si uncle Death na masamang nakatingin sa 'kin.
Lahat ng classmate ko ay tumingin din sa 'kin kaya bigla akong nahiya. "Solve the problem number three, Primrose." Saad ni uncle sa seryosong boses.
"Po?" Gulat na gulat kong tanong. Si uncle talaga! Wala talaga siyang awa sa 'kin.
Nag puppy eyes pa ako at baka effective ngunit naka dragon mode pala ngayon si uncle. Paano ko kay ma turn off ang dragon mode niya.
Tumayo nalang ako sa kinuupuan ko kahit pa nga hindi ko alam kung paano. Kung 1+1 lang sana ang tanong niya eh 'di sana panay ang sagot ko. Pero hindi eh.. maiiyak yata ako nito habang nag so-solve.
Nakalapit ako kay uncle at inabot niya sa 'kin ang hawak niyang chalk. "Hindi ka makakaupo hangga't hindi mo nasasagutan yan." Seryoso niyang sabi saka umupo sa table paharap sa'kin para sigguro panoorin ako sa pag solve.
Napanguso ako lalo dahil para niya akong pinapahirapan. Akala ko pa naman advantage ko na dahil siya ang teacher, tapos ganito pala mangyayari sa 'kin.
"Solve, now." Sabi pa niya sa 'kin. Wala na akong nagawa kundi titigan ang pinapasolve niya sa 'kin. Sana talaga bumaliktad ang inuupuan niyang mesa para matumba siya. Kainis siya eh.
Kanina pa ako nakatitig sa problem pero hindi ko talaga alam kung paano. Tumingin ako kay uncle saka sumenyas sakanya na palusutin na niya ako. Pero seryoso lang siya nakatitig sa 'kin at talagang wala siyang puso.
"Sir.. ako na po sasagot para kay Primrose." Napalingon agad ako ng marinig ko yun mula kay Gilbert.
"Hindi ko tinatanong." Sagot ni uncle sa malamig na boses. Nakalimutan yata niya na teacher siya. Bakit kasi siya naging substitute eh.. mainitin ang ulo niya.
"Uncle.. hindi ko po alam ang sagot po eh," saad ko kaya napabuga siya ng hangin.
"Go back to your seat." Utos niya sa 'kin kaya nakahinga ako ng maluwag.
Umupo agad ako at nag discuss ulit si uncle. Potek! Matalino pala siya sa math. Bakit hindi ko man lang namana. Buti pa siya.. maning-mani lang sakanya ang math, ako nito hirap na hirap at halos sumuko sa buhay kapag may quiz sa math.
Mas lalo lang yata ako nakahinga ng maluwag dahil tapos na ang subject namin. Natuyo talaga ang utak ko kay uncle at kailangan ko na yatang kumain.
Hindi ko talaga papansinin si uncle mamaya sa bahay. Kainis siya! Nakakahiya talaga kanina dahil hindi ko nasagutan yun. Sa dami-dami naman sanang estudyante ako parin ang tinawag niya.
Lumipas ang oras at dumating ang pananghalian. Papunta kami ni Erika sa canteen para do'n sana kumain. Ngunit napahinto ako sa paglalakad ng biglang nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng palda ko.
Kinuha ko yun at nakita ang pangalan ng uncle ko na may saltik sa utak Napabuga ako ng hangin dahil gusto niya akong papuntahin sa labas ng gate.
Dali-dali naman akong pumunta at nagpaalam na lang ako kay Erika.
Nagugutom pa naman na ako pero yung uncle ko ang dami pang ka ek-ekan sa buhay.
Nang makarating ako sa labas ng gate ay nakita ko ang kotse niya na naka park sa gilid. Naglakad ako papunta do'n at binuksan ang pintuan ng passenger seat niya.
Bumungad agad sa 'kin ang gwapo kong uncle pero nakasimangot na naman.
"Bakit po, uncle?" Tanong ko agad saka ako pumasok sa loob ng sasakyan. "Ay, dapat pala hindi kita pansinin dahil sa pagtawag mo sa' kin kanina. Kainis ka, uncle! Parang ako lang ang estudyante mo ha!" Reklamo ko sakanya.
"Yan ang napapala sa pakikipag usap mo sa lalaki." Sagot niya na parang galit.
"Ano naman po connect do'n? Eh nanghihiram lang po sa 'kin ng ballpen ang classmate ko. At ipapaalala ko lang po sa'yo, uncle ha! Teacher ka! Wag mong kalimutan yun. Bakit ka kasi pumasok bilang substitute teacher eh mainitin naman ang ulo mo." Saad ko pa saka ngumuso.
"Nga po pala, bakit mo po ako pinapunta dito, uncle? Alam mo bang nagwawala na mga bulate ko sa tiyan." Sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko.
"Binilhan kita ng pagkain," sabi niya saka may inabot sa backseat. Kinuha niya ang paper bag at inilabas ang laman non.
"Grab food ka na din po ba ngayon, uncle? Ako talaga ay naguguluhan na po sa'yo. Hindi po ba nag apply ka bilang bus driver?" Tanong ko dahil yun ang sabi niya n'ong nasa field trip.
"Yeah," tipid niyang sagot habang inaayos ang pagkain saka inabot sa kin ang isang styro.
"Eh ano pong nangyari?" Tanong ko na naman sakanya.
"Natanggal ako," tipid na naman niyang sagot.
"Talaga po? Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.
"Nabangga ko ang dalawang bus na pagmamay-ari ng bus company." Sagot niya kaya hindi ko mapigilang matawa. Pinukol naman niya ako ng masamang tingin kaya tumigil ako sa pagtawa.
"Kumain ka na diyan!" Sabi niya kaya tumango na ako.
"Salamat po sa pagkain, uncle. Pasalamat ka po favorite ko ang pagkain na inorder mo. Baka hindi kita pansinin." Saad ko sabay subo ng pagkain..
"Sa next class ko, dapat nasa harapan ka na naka upo." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Ayaw ko po, uncle. Ayaw ko sa harap." Saad ko habang masama siyang tinignan at baka sakaling madaan sa tinginan.
"Sumunod ka na lang kung ayaw mong ibagsak ko ang grades mo." Walang emosyon niyang sabi.
"Subukan mo lang ako ibagsak, uncle.. ikaw ibabagsak ko. Mabilis na kitang itulak, mahina na tuhod mo eh," sabi ko pa kaya humarap siya sa kin.
"Hinahamon mo ba talaga ako, Primrose?" Tanong niya sa seryosong boses.
"Hinahamon po saan? Sinasabi ko lang naman po ang totoo eh. Matanda ka na po kaya. Dapat nga mag-asawa ka na para naman magkakulay na ang buhay mo. Ang sungit mo uncle eh. Para naman magkaroon na din ako ng tita." Sabi ko sabay subo ulit ng pagkain.
Nakatitig lang din siya sa 'kin na para bang may mali sa sinasabi ko.
"Gusto mo na ba talaga magkaroon ng tita?" Tanong niya.
"Opo, para naman po may kakampi ako kapag pinagalitan mo ko." Sagot ko.
"Then, tawagin mong tita ang sarili mo." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko.
"Po? Hindi ko po gets." Saad ko habang nakatingin kay uncle na bigla nalang ngumiti.
"Bilisan mo ng kumain diyan! Malapit ng matapos ang lunch break." Sabi niya kaya dali-dali akong kumain. Mamaya ko nalang iisipin ang sinabi ni uncle. Pero hindi ako makapaniwala na ngumiti na naman siya sa pangalawang beses. Suminghot na naman yata siya ng katol o di kaya sininghot niya ang panty ko. Naalala ko na naman tuloy ang itim kong panty na hanggang ngayon hindi ko parin nakukuha.
"Uncle.. yung panty ko nga pala. Nasa'n na? Ibalik mo na sa 'kin yun at tigilan mo na ang pang-aasar sa 'kin." Seryoso kong sabi
"Ayaw ko nga! Nasa bulsa ng pantalon ko. Ginawa kong pampaswerte." Sagot niya kaya nabilaukan ako sa kinakain ko.
Walangya talaga 'to si uncle! Ginawa pa yatang pangontra sa usog ang panty ko.