Chapter 15
Primrose Pov
NANDITO ako sa kwarto ko at siniguro kong naka lock ang pinto ng kwarto ko. Mahirap na, baka mahila ako ni uncle Death palabas. Nasisiraan na talaga siya ng bait ng sabihin niya na gusto niya akong matulog sa kwarto niya. Lumipad na yata ang utak ni uncle kaya kung ano-ano nalang pinagsasabi. Sabagay, matanda naman na din kasi kaya siguro nagiging iba na ang takbo ng isipan niya.
Nagkulong agad ako sa kwarto ko pagkatapos namin kumain ni uncle. Ang sabi ko lang ay ilalagay ko ang notebook ko sa kwarto ko. Pero ang totoo talaga ay nagtatago na ako sakanya. Hindi ko alam kung joke ba niya yun o hindi. Pero mas mabuti na yung nag-iingat.
Napa iling nalang ako ng maalala ko na naman ang panaginip ko kay uncle Death. Nakakakilabot talaga kapag naalala ko yun. Ayaw ko talaga mangyari yun sa totoong buhay. Nakakatakot naman kung magkaroon kami ng relasyon. Like eww talaga pakinggan. Ngayon pa nga lang ay nandidiri na ako.
Napasinghap ako ng biglang may kumatok sa labas ng kwarto ko. Kami lang naman dakawa ni uncle kaya alam kong siya yun. Pwera nalang kung may multo sa bahay. Sana nga meron para itulak niya si uncle Death, lumalala na kasi ang pakasiraulo niya.
"Primrose!!" Tawag ni uncle sa pangalan ko. Hindi ko alam kung magpapanggap ba akong tulog o patay nalang siguro. Baka kasi pipilitin niya ako na pumasok sa kwarto niya. Diyos ko talaga 'tong uncle ko kung ano-ano ang naisipan kang kapalit. Pwede naman sana niya akong palinisin ng bahay niya. Pwede din siya humingi ng panty ko. lisipin ko nalang na bakla si uncle kapag panty ko ulit ang pinagtripan niya. Kaya siguro siya walang girlfriend.
"I know you're awake, Primrose. Buksan mo na ang pinto. May sasabihin lang ako sa'yo." Saad niya kaya nagdadalawang isip ako. Pero ayaw tumigil ni uncle Death kakalampag sa labas ng pinto ko. Hindi kaya manakit ang kamay niya sa ginagawa niya.
"C'mon, Prim.. may ibibigay lang ako sa'yo. Kung natatakot ka sa kapalit na hinihingi ko ay kalimutan mo na yun. I'm just kidding. Bakit ko naman gagawin sa'yo yun." Saad niya sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Para akong nabunutan ng tinik dahil totoo naman kasi talaga. Bakit naman talaga niya gagawin yun eh pamangkin niya ako. Ako lang yata ang nag-iisip ng masama sa uncle ko eh. Pambihira talaga!
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko saka ako naglakad papunta sa pinto. Pinihit ko ang siradura ng pintuan at dali-dali kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni uncle Death at may hawak pa siyang libro. Nakasuot pa talaga siya ng eyeglass at ang hot niya tignan. Nawala tuloy ang pangamba ko na totohanin niya ang sinabi niya kanina dahil ang hot tignan ni uncle. Messy hair pa talaga siya. Ginagaya ba niya ang mga napapanood kong oppa? Pero pwede na din naman dahil gwapo naman talaga si uncle. Pero baka imbis na oppa ang itawag ko sa kanya ay baka ma oppa-kan ko siya kapag talaga may ginawa siya sa 'kin na hindi maganda.
"Ano po ba yun, uncle?" Tanong ko ng makabawi ako sa pagtitig sa kanya.
Umiling naman siya kaya kumunot ang noo ko. Napatili ako ng bigla akong binuhat ni uncle na parang sako ng bigas. "Uncle!!!" Saway ko sakanya habang nagpupumiglas sakanya.
"Tatakasan mo pa ako eh," sabi niya habang naglalakad papunta sa kwarto niya na katapat lang ng kwarto ko.
"Scam ka, uncle. Sabi mo may ibibigay ka lang sa 'kin." Inis kong sabi sa kanya. Paniwalang-paniwala pa ako dahil kailan ba nag joke 'to si uncle. Ngayon lang yata.
"Ibaba mo nga ako, uncle. Baka mabali likod mo. Mabigat pa naman ako." Saad ko pa kaya napahinto siya sa paglalakad. Malamang naiinis na naman 'to sa sinabi ko. Asar talo pa naman siya. Maganda naman talaga ang katawan ni uncle. May sarili siyang gym dito sa bahay kaya lagi ko siyang nakikita nag g-gym do'n. Hindi ko pa naman nakikita ang katawan ni uncle pero sa suot pa lang niya na tshirt na halos bumakat na nag muscle niya sa braso. Kaya konting pagkakamali ko lang ay pwede na niya akong sakalin talaga.
"Bakit naman mababali ang likod ko ha?" Tanong niya sa seryosong boses. Ayan na nga sinasabi ko eh. Pikon talaga siya kahit kailan. Tatanda talaga siya ng mabilis.
"Sorry po, uncle. Pero ibaba mo na po kasi ako. Sabi mo po may ibibigay ka lang po sa 'kin eh," saad ko sa nagtatampong boses.
"Meron nga. Pero sa kwarto ko ibibigay." Sagot niya saka pumasok ng tuluyan sa kwarto. Napakalaking scammer talaga nito ni uncle.
Napatili pa ako ng bigla iyang ilapit ang mukha niya sa tagiliran ko. Tinubuan ako ng hiya dahil baka maamoy niya yun ano ko. Bwisit na uncle Death 'to. Wala ng ginawang tama sa 'kin. Tamaan ko nalang kaya
siya sa ulo.
"Ano ba, uncle. Tama bang amoyin mo yung ano ko?" Nandidiri kong tanong sakanya na halos hindi ko masabi.
Nakapasok na kami sa kwarto niya at ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng kwarto niya. Simula kasi ng dito ako tumira ay palaging nakasara ang kwarto ni uncle.
Inilapag ako ni uncle sa kama kaya agad kong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto niya. Malawak pala talaga ang kwarto niya. Parang kusina at sala namin sa bahay dati ni mama kalaki.
Ngunit agad nanlaki ang mata ko ng dumako ang tingin ko sa malaking screen na nasa harap ng kama niya. "Teka.. monitor ba yan sa bahay?" Nauutal ko pang tanong. Hindi naman sumagot si uncle Death.
Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang isang footage at napa awang ang labi ko ng makita kong kwarto ko yun. Tumingin ako kay uncle Death na nakatitig din pala siya sa 'kin. Hindi ko alam ang ire-react ko dahil nakakakilabot malaman na may cctv ang kwarto ko. Putangina! Nagbibihis pa naman ako sa tabi ng kama ko at tinatanggal ang t'walya na nakatapis sa katawan ko.
Agad akong tumayo at sinuntok si uncle sa mukha. Tumingkayad pa talaga ako para lang maabot ko ang mukha niya. Ang bastos niyang nilalang. Galit na galit talaga ako sa nakikita ko. Hindi lang pala buong bahay ang may cctv kundi pati pala kwarto ko. Sana lang talaga ay hindi niya nilagyan ang cctv ang banyo ko kundi igigiling ko talaga siya.