???????'? ???
Papasok na ako sa gate ng makakita ako ng estudyateng mukha nakikipag bardagulan sa guard.
"Matuto ka namang gumalang. Hindi ka ba tinuruan ng GMRC nung elementary ka?" singhal ko sa loko-lokong estudyante na nakikipag sagutan sa guard namin.
"Ano naman ang pake mo?"
"May pake ako kasi mas matanda yang si Manong guard sayo. Matuto kang gumalang!" inis kong wika.
Pinaalis nalang din siya ni Manong guard dahil pinagtitinginan na kami ng mga dumaraan. Tss, walang modo.
"Pumasok ka na. Hayaan mo na 'yon. Bastos talaga ugali nun!"
"Opo!"
Nagpaalam na ako kay Manong guard at dumiretso na sa room namin. Anong oras na din kasi at ayokong malate na naman gaya kahapon. Pero hindi pa man ako nakakarating sa destinasyon ko, may pigura na ng taong dapat kong iwasan ang nakatayo sa daanan ko.
Seryuso siyang nakatingin sakin at hindi ko na kayang kontrolin pa ang puso kong naghuhuramentdo na sa kaba-no, i mean sa magkahalong galit at sakit. Gusto ko sanang lumiko ng daan, pero hindi ako makaaalis. Napako ako sa kinatatayuan ko. Bakit dito pa nag cross ang landas namin?
"Warfreak!" rinig kong sabi niya bago ako lampasan.
Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko pero hindi ako nagpadala. May iilang butil na rin ng luha ang bumagsak sa mga mata ko.
D*mn, i really miss his voice!
Huminga muna ako ng malalim bago nag smile ng pilit. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad pero hindi talaga matigil ang pagbagsak ng luha ko. Andito pa rin ang sakit. Ramdam ko pa. Hindi ko man siya nakitang kasama ang bago niya, nasasaktan pa rin ako.
"What happened to you?" napalingon ako sa nagsalita. Si Dustine.
"N-napuwing lang,"
"Lie!" sabi niya bago naunang humakbang pataas ng building.
Hindi ko masisi si Dustine kung bakit siya ganito makitungo. Noon pa man kasi, ayaw niyang mapalapit ako dun. Kahit magtropa sila, hindi talaga siya boto. Pero hindi ko pwedeng turuan ang puso ko. Tuluyang nahulog sa maling tao at ngayon ay ganito ang napala ko. Sakit kapalit ng pagsugal ko.
"Anyare kay Dustine? Nagtanong ako kung nakita ka niya, sagutin ba naman ako na ewan." bungad ni Ely.
Dumiretso muna ako sa upuan ko at naglabas ng pulbos. Kailangan kong ayusin ang sarili kong mukhang sinabugan na ng nuclear b*mb.
Lagi naman!
"Hayaan mo siya. Hindi naman siya gold eh," sagot ko kay Ely.
"Ewan ko nga sa inyong dalawa. Ano, may nangyari na naman ba bago ka pumunta dito?"
"Marites ka talaga. Wala ah!"
"Pssh bahala ka nga." nagdadabog siyang bumalik sa seat niya kaya naglagay na ako ng semento sa mukha ko.
Maganda ka, Kheanna. Hind mo kailangang iyakan 'yung taong ayaw sayo.
"Hoy, nakita niyo ba yung nangyari kanina? Nag-away daw yung si Sean at GF niya sa Cafeteria." rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko.
Nahagip ng mata ko ang tingin ni Dustine. Para bang chine check niya kung apektado ako sa narinig ko.
????????.....??!
"Ano daw nangyari?" sabi naman ng isa.
Nang tingnan ko ay sina Samira at grupo niya pala ang nag uusap. Etong mga babaetang to, marites talaga kahit kailan.
"Ewan ko lang ha? Pero tingin ko, parang ano....parang may mali talaga sa relasyon nila. Yung babae kasi, umiiyak!" sabi ni Samira.
Hindi na nakaligtas sa tenga ko ang usapan nila dahil dalawang row lang naman ang pagitan. May earoscope yata 'tong tenga ko haha san ko ba nakuha tong earoscope word ko na to. Bigla-bigla ko nalang naisip. May sariling dictionary yata utak ko eh. Naimbak yung mga imbento kong words. Talo ko pa si Einstein net kung ganun.
"Mukha nama'ng parang pilit lang ang pakikipag-relasyon ni Sean sa kanya HAHAHA!"
Agad silang nagtawanan. Narinig ko pang huminga ng malalim si Dustine kaya sinalpak ko nalang ang headset sa tenga ko. Ayoko ng marinig pa ang tungkol sa kaniya/kanila.
Magsama silang dalawa!
***
"Galit ka ba sakin?" tanong ko kay Dustine.
Magkasabay kami ngayon palabas ng Campus. Mula pa kanina'ng hindi niya ako pinapansin. May PMS yata ang lalaking to.
"Why would i be mad?" sagot niya pero d pa rin tumitingin sakin. Diretso lang ang lakad niya.
"Kanina mo pa ako d pinapansin. Tinotoyo ka ba? May PMS ka?"
Magkasalubong ang kilay niyang tiningnan ako. "Do i look like a girl to have that?" sabay irap niya. "...tss!"
Napasimangot nalang ako at hindi na nagsalita pa. Baka masap*k ko lang 'to ng wala sa oras.
"Get in!"
Napataas rin ang kilay ko sa kanya. Ano gagawin ko diyan?
"Kaya ko nama'ng umuwi mag-isa. May dadaanan pa ako eh," palusot ko.
"I said get inside the car."
Nagdadabog akong sumakay sa kotse niya at agad niya nama'ng sinara ang pinto. Lumibot siya at sumakay na rin.
Tamo to, attitude talaga!
Tahimik lang kami sa byahe. Hindi pa rin kasi ako maka get over sa pagsusungit nitong katabi ko. Daig pa talaga ako na malakas ang topak.
"You're still affected, do you?" nilingon ko siya pero tutok lang ang mga mata niya sa daan.
Aaminin ko...ou...yes..still. I'm still affected. I don't know how to get rid of this pain inside my chest.
A piece of tear fell down. Agad ko'ng pinunas yun. Sino ba naman kang talipandas ang makaka move on ng ganun kadali? Real quick amp.
Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga. "Don't force yourself. Healing takes lot of times. I know you'll be healed soon." inabotan niya sakin ang isang panyo.
Mint blue ang kulay at may naka print na "???????" sa gilid.
"T-thankyou, Dus!"
Pinahid ko agad ang luha ko'ng tuloy ang pagbagsak. Naiinis ako sa sarili ko dahil kada pag-usapan ang tungkol sa kanya, bigla nalang ako manghihina at kusa nalang tutulo ang mga luha ko. Para bang kada mabanggit ang tungkol sa kaniya, tinatarak na agad ang dibdib ko.
Kung sana nakinig ako kay Kuya at Dustine noon. Kung sana pinaniwalaan ko sila. Hindi ganito ang dadanasin ko. Hindi sana sobra ang sakit na'to.
"Learn to forget and forgive yourself, Kheanna. Move forward...slowly but surely!"