3rd PERSON Flashback (1995) Bayan ng Sta. Maria "At ano na naman yang ginawa mo sa mga halaman ha Selena? Diyos ko ka namang bata ka." Galit na sita ng Nanay niya sa batang si Selena. Mabilis naman itong napakamot sa mahaba niyang buhok habang kita din naman ang takot mula sa napakagandang mukha nito. "Pulutin mo yang mga dahon na pinaggugupit mo diyan at maligo kana tuloy doon." Sabi pa ng Nanay niya. Mabilis naman niya itong sinunod at isa isa ngang itinapon sa basura ang ikinalat niyang dahon sa mini garden nila. "Ano ba kasi ang naisipan mo at pinaggugupit mo yan ha? Nanahimik ang mga halaman diyan diba?" "E kasi Nanay, nakikita ko Mang Isko kapag tini trim niyan diba? Eeehh ginaya ko lang naman yung ginagawa niya eh." Katwiran pa ng batang si Selena "Hayy kasi nga ay gardene

