MARK 7 YEARS LATER "Congratulations Anak, so proud of you." "Thanks Dad, nasan pala si Mommy?" Mabilis naman siyang tumapik sa balikat ko. "Sorry kung hindi siya nakasama, busy kasi siya sa kanyang flower shop business. Pero pinasasabi niya sa iyo na sobrang happy daw niya dahil finally ay may sarili kana agad Construction Firm Business. To think na kapapasa mo pa lang sa Engineering Licensure Exam last year. And at your tender age of 25 ay isa ka na ding ganap na CEO." Masaya akong marinig ito mula sa kanya. Dahil ang lahat naman talaga ng pagsisikap at pagsasakripisyo ko ay si Mommy lang naman ang naging inspiration ko. "Hanggang sa Founding Anniversary ba naman ng Company ko ay titiisin pa din ba niya ako Dad? Almost 7 years na din ang nakakaraan, hindi paba sapat yon? Na pati sa

