Matamis namang ngumiti sa akin si Mommy. "Wuuu totoo ba yan huh? Baka naman sinabi mo lang yan dahil-------" sinadya nyang hindi ituloy ang sasabihin. At si Manong nalang ang nagtuloy para sa kanya. "Dahil ba ibinili mo siya ng bagong motor Ma'am?" natatawang sabi pa nito kay Mommy. Na agad din naman nitong sinakyan. "Oo nga Manong Ric, pero alam mo bang mahal na mahal ko yan kahit minsan ay sobrang kulit at pasaway." makahulugang sabi pa niya na sobrang nagpakilig naman sa akin. "Halata naman po Ma'am, dahil kita mo naman ibinili mo pa talaga ng brandnew Nmax diba? Mapapa sana all ka nalang talaga." sabi pa niya. "Kaya naman Sir, mag aral kang mabuti pagbalik mo sa Maynila. Ikaw palagi ang bida para sa kanya, tapos ayan may service kana din sa Maynila, kaya hindi mo na kaila

