SELENA Namalayan ko nalang ang aking sarili na nasa loob ng room niya. Ramdam ko ang nanonoot na lamig ng aircondioning unit niya sa aking balat. At di namalayang niyayakap ko na pala ang aking sarili. Maybe ay dahil din sa manipis na night dress na suot ko. Madilim ang paligid, subalit sapat na ang bahagyang liwanag na nagmumula sa screen ng monitor ng laptop niya na patuloy pa ding nakabukas mula sa isang game na siguro ay nakatulugan na niya. "Mark..." Mahina lang ang boses ko, habang ngayon ay nakatayo lang ako gilid ng hinigaan niyang kama, at pinamamasdan siya. Napakalaki na talaga niya, napakalayo na talaga sa dating batang siya na halos hindi pa niya masakop ang kalahating kahabaan ng kama. Subalit ngayon ay halos lumagpas na ang mga paa niya rito. "Baby..." muling tawag

