3 Months Later Kaybilis na lumipas ang panahon... Bagamat tila kay bagal ng bawat pagpatak ng bawat sigundo para sa akin. Ay mabilis pa din naman itong lumipas para sa iba. Masakit mang isipin na literal na tinupad ni Mommy ang kasunduan nila ni Papa. Na hindi na kami pwedeng magkita pa pagkatapos ng nangyari sa amin 3 months ago. Na dati nga ay iniisip ko pa na baka isang araw ay darating siya upang surpresahin ako ay hindi naman niya ginawa. At naiwan lang ako na patuloy na umaasa sa kanya. Na maging ang regalo niya sa aking bracelet ay madalang na din naman niyang gamitin until nag stop na nga ito sa pag function. Hindi ko alam kung sadyang nasira lang ba ito o baka naman talaga lang nasanay na siyang wala ako. At tanging social media lang ang nakatulong sa akin upang maibsan ang

