Naiwan naman silang tatlo. Natigilan pa si Adriana nang mapansin ang dalawa na nakatitig sa kaniya. “B-Bakit?” tanong niya at kinakabahan pa. “Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Izra sa kaniya. Alanganing napangiti naman si Adriana at tiningnan si Yoa. “Maaga pa naman, it’s fine. In fact, this is our triple celebration,” anito. Ngumiti naman si Izra. “You’re right, I’m just concerned at may klase pa siya bukas,” sagot naman nito. Kita naman ni Adriana ang pagtaas ng kilay ni Yoa. “You’re concerned?” tanong nito kay Izra. Kita sa mukha nito ang inis. Kaagad na itinaas naman ni Adriana ang can niya. “Para sa ‘ting tatlo! Cheers!” aniya at ngumisi. Wala namang nagawa si Yoa at makisabay na lang. Nakatingin lamang si Adriana sa dalawa na halos mag-isang dosena na ang iniinom na be

