“Sama ka sa ‘min?” tanong niya kay Bulma na nakaupo sa couch. Ngayon na ang alis niya papunta sa party ni Mia. Nakasuot lang siya ng simpleng blue dress. Tumayo naman si Bulma at isinuot ang sun glasses nito. “Let’s go?” saad nito. “B, magagabi na,” paalala ni Adriana. “Bakit? Kahit gabi kailangan protected pa rin ako sa ultraviolet rays,” sagot nito. “Huh?” “Ano ka ba? Siyempre anti-radiation na ‘tong glasses ko. Panlaban sa radiation na nangagaling sa mga high technology na mga gamit,” anito. “Ah,” saad ni Adriana at tumango-tango. “Oo nga pala nasa labas na ba si Berdugo?” usisa nito sa kaniya. Nagkibit-balikat naman si Adriana. Lumabas na nga sila at kaagad na natigilan si Adriana nang tila naglalakad sa aisle itong si Bulma. Malaki ang ngisi kay Berdugo at ganoon din n

