Kasabay ng election ang NPC kaya kinakabahan si Adriana. Iniisip niya ang amain niya kung nanalo ba ito o ano at siya naman ay nakatingin lang sa canvass sa harap niya. Hindi niya pa halos ma-absorb ang mga nangyayari dahil sa masiyadong nao-overwhelm siya. Ilang araw na rin kasi silang hindi nagkikita at nagpang-abot ni Yoa dahil sa dami ng mga ginagawa nito. Marami itong inaasikaso kaya kailangan niya ring magpokus sa kompetisyon. Abstract art na may main theme na purity. Ilang minuto na ang nakalipas at ang iba ay nagsisimula na. Subalit siya ay nakatitig pa rin. Iniisip niya ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan ukol sa purity at hinahayaan na kamay niya na mismo ang gumalaw para magpinta. “Kaya mo ‘yan,” wika ng professor niya sa hindi kalayuan. Nasa iisang building sila n

