Nakatingin lamang sa kawalan ang dalaga. Pakiramdam niya ay kalahati ng buhay niya ang kinuha. Wala na siyang lakas at dahilan para magpatuloy. Hindi niya kayang tingnan ang ina sa kabaong nito. May mga pumunta para makiramay pero hindi naman niya kilala. “Adriana, kumain ka muna para may lakas ka,” ani Bulma. Tiningnan niya lang ito. “Mamaya na B. Hindi pa ako nagugutom,” mahinang sagot niya. Bumuntong hininga naman ito at umupo sa tabi niya. “Naiintindihan ko na walang kapantay ang lungkot na nararamdaman mo ngayon. Pero kailangan mong kumain. Kailangan mong magpalakas. Hindi matutuwa si Emma kapag nakita ka niyang ganito,” sambit ni Bulma. Tumulo naman ang luha niya habang nakatingin kay Bulma. “S-Sinusubukan ko naman B. Pero ni tubig nahihirapan akong lumunok. Ang sakit-sakit

