Lumipas pa ang mga araw, isang tanghali, kinakatok ng maid si Natalie sa kwarto pero hindi ito nagbubukas, tinawag niya ang among babae na nasa dining table "Madam, wala pong sumasagot sa kwarto ni Mam Natalie" "Ha?" ani nito at umakyat sa taas para puntahan ang anak, hindi pa rin nagbukas ng pinto si Natalie kaya kinuha nila ang spare key para mabuksan ang pinto, nakita nila itong walang malay at may bote ng mga tabletas sa tabi nito, pinagtulungan nilang mabuhat ito at madala sa ospital, iyak ng iyak ang magulang ni Natalie, nakaconfine na si Natalie pero comatose ito "Alam mo" ani ng ama ni Natalie sa ina nito "Malaki ang pagkukulang natin kay Natalie, nawalan tayo ng panahon sa kanya, oo lahat ng nagustuhan niya binibigay natin, pero hindi lang yun ang kailangan ng anak natin, hindi

