Pagkatapos kumain ay natulog na ang mga bata, magkasama sina Sam at Phil sa kwarto ni Sam, si Cassie na rin ang nagpatulog sa kanila dahil bago pa dumating si Aldo ay tulog na sina Baby Zoey at Baby Andrei, pagkatapos patulugin ang mga bata ay pumasok na si Cassie sa kwarto nila, kasalukuyan namang nagbibihis na si Aldo "Tulog na sila?" ani ni Aldo "Oo, nakakatuwa noh? Ang dami nilang nakain" ani ni Cassie habang umuupo sa kama "Oo nga eh, galing mo" ani naman ni Aldo at naupo sa tabi ni Cassie, sumandal sila may headboard, yumakap si Cassie sa braso ni Aldo at sinandal ang ulo niya sa balikat nito "Kamusta naman Mahal?" "Mahal, may sasabihin ako sayo" "Ano yun?" "Maybe a couple of weeks ago, si Natalie nagpunta ng opisina, at alam niya ang tungkol sa problema ko, she is offering a

