Danielle Pov Naalimpungatan ako ng tumunog ang cellphone ko. Tatayo na sana ako mula sa aking higaan nang maramdaman kong may mga bisig na nakapulupot sa aking bewang. Hindi ko mapigilang mapingiti ng makita si Anastasia na mahimbing na natutulog sa aking tabi. I'm pretty sure napagod ito sa pag'aalaga sa akin kanina dahil halos ayaw na nitong umalis sa tabi ko. "Hello.?" Sagot ko sa kabilang linya pagkatapos kong halikan ang noo nitong katabi kong dyosa. Mabuti na lamang nasa bedside table lang ang cellphone ko kaya madali ko lang na'abot. "Death, si Luke ito. Alam kong medyo malalim na ang gabi pero pwede ba tayong magkita.? May sasabihin sana ako sayo sa personal. Importante lang." Seryosong sagot ng kausap ko. "Where.?" "Sa ba******. Hihintayin kita." Huling sabi nito bago pinata

