HSI-1

1656 Words
"Ano ba ito Andrea.?! Ba't hindi tugma ang mga report na ipinasa mo sa akin.?!" Galit na sigaw ng boss nila na kulang na lang ay lumabas ang ugat nito sa noo at leeg. "Pa--pasensya na po Miss Fox. Uulitin ko na lang po." Nauutal na sagot ng babae na halatang kinakabahan dahil sa hitsura ng kanyang boss. Kung naging dragon lamang ito baka kanina pa sya nito binugahan ng apoy. "You should Ms. Lagman.! Or I will fire you.!" Galit nitong sigaw. Magalang na nagpaalam sa kanya ang kanyang sekretarya nang samaan nya ito ng tingin. She's Anastasia Hilton Fox, isang striktang dalaga, mataray at mainitin ang ulo. CEO ng FCE o mas kilalang Fox Car Enterprise. Isa lamang iyon sa malalagong business ng kanilang pamilya. Isa rin ang kompanya nila sa nag'e'export ng magagandang sasakyan sa labas ng bansa at mga high class quality rin ang mga sasakyan na ibinibenta nila dito sa pilipinas. Ayaw ng isang Anastasia Fox sa mga taong tatanga-tanga at bobo. Anak sya ng isang sikat na business tycoon na si Gregory Fox kaya dapat lamang na magaling din syang magpatakbo ng kompanya katulad ng kanyang ama. May dalawa syang kapatid na lalaki pero sya ang apple of the eye ng pamilya. Paborito sya ng buong pamilya dahil bukod sa sya ang nag'iisang babaeng anak, sya rin ang bunso sa tatlong magkakapatid. Si Gavin ang panganay na may asawa na at dalawang anak. Si Patrick naman ang pangalawa, na engaged na kay Sierra Lee--isa sa tatlong bestfriend ng kanyang bunsong kapatid na si Anastasia. "Ang aga-aga ang init na agad ng ulo mo best. Para kang may dalaw lagi sa inaasta mong iyan." Naiiling na komento ng isa pa nyang bestfriend na si Abigail Villanueva pagkapasok nito sa kanyang office. Ito ang head ng accounting department nila. Sa kanilang apat, ito ang may low profile dahil ang magpinsang Sierra at Carmela ay isa ring mga tagapagmana. Ganun pa man, hindi ito dahilan para hadlangan ang kanilang pagkakaibigan. Kilala na nila ito since high school dahil scholar ito sa paaralan na pinapasukan nila noon. Hanggang sa mag'college sila at hiwalay ng University na pinapasukan ay naging scholar ito sa sikat na paaralan dito sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit sila humahanga rito, masyado kasing masipag at matiyaga ang kanilang kaibigan para lang maiahon ang pamilya sa hirap. Hindi na rin iba sa kanila si Abigail dahil hindi naman ito mahirap pakisamahan. Mabait itong kaibigan at maalalahanin kaya siguro grabe ang pagtitiwala nilang tatlo rito na ipinagpapasalamat naman ng huli dahil kahit ganon ang estado ng kanyang buhay, handa parin syang tanggapin ng tatlong kaibigan na mga mayayaman. "Sino ba naman ang hindi.? Ang bobobo ng mga empleyado rito.! Kung hindi lang dahil sa paki'usap ni Dad hindi ko tatanggapin ang trabahong ito. Goodness.! Mas matatalino pa ang mga empleyado ko sa boutique." Litanya nito habang hinihilot ang sintido. Dalawang taon pa lamang kasi itong namamahala sa kompanya ng kanyang ama, pero puro sakit lang ng ulo ang kanyang nakukuha sa kanyang mga empleyado. Mas gugustuhin pa nyang ipagpatuloy ang dati nyang trabaho bilang fashion designer kesa mamahala sa malaking kompanya na katulad nito. Graduate naman sya ng Business Administration sa isang sikat na paaralan abroad pero mas ginusto nyang gawin noon ang makakapag'pasaya sa kanya, yun ay ang paggawa ng magagandang damit. Kaya kung hindi lang naki'usap at nagmakaawa ang kanyang ama ay hindi nya talaga tatanggapin ang trabahong ito. "Kalma lang best ok.? Masasanay ka rin, saka kung maaari bawas-bawasan mo naman ang pagtataray. Jusko.! Kaya takot makipag'communicate ang mga empleyado rito dahil natatakot sayo eh." Naiiling na sabi ng kanyang kaibigan. "I don't care best. Trabaho ang pinunta nila dito hindi pakikipag plastikan sa akin." Mataray na sagot ni Anastasia kaya napapailing na lamang ang kaharap. "You know what.? Magpahinga or magbakasyon kana lang muna at least two days. Lately kasi napapansin kong madaling uminit ang ulo mo kahit pa sa mga simpleng bagay. Tutal naman wala kanang prior meetings next week, so why not unwind a bit right.? Simula nang tanggapin mo ang posisyon mong ito hindi kana nakakapagpahinga, ewan ko na lang kong natutulog kapa ba." Pag'aalala ng kaibigan na ikinangiti nya. Ito talaga ang maalalahanin sa kanilang grupo. "Hm, maybe you're right. Isasama ko na lang din si Jeremy since first anniversary namin sa tuesday next week. I'll tell him to fix his schedule next week para magkaroon kami ng kunting bakasyon." Nangingiti nyang sabi pero pansin nya ang pagkunot ng noo ng kanyang kaibigan. "Best ang sabi ko magbakasyon ka---ng mag'isa. Hindi ko sinabing magsama ka ng asungot." Mataray na sabi nito bago sya ikutan ng mata. "He's not asungot bes. He's my boyfriend." Malumanay nyang sagot rito dahil ayaw nyang makipagtalo sa kanyang kaibigan. Hindi naman kasi bago sa kanya ang eksenang ito. Alam nyang ayaw ng mga kaibigan nya sa kanyang boyfriend na si Jeremy Chua, na isa ring businessman at alam nyang napapansin iyon ng huli. Sa tuwing lalabas kasi silang magkakaibigan para mag'bonding ay hindi nila pinapansin ang kanyang boyfriend kapag isinasama nya ito sa kanilang lakad. Minsan nagtatalo pa nga silang magkakaibigan dahil dito, kapag tinatanong naman nya ang mga ito kung bakit ganun ang trato nila sa kanyang boyfriend ay wala syang matinong sagot na nakukuha sa mga ito. Ang lagi lang sinasabi ng mga kaibigan nya ay wala silang tiwala sa huli na minsan ay ipinagsasawalang bahala na lamang nya. "Well, ikaw ang bahala. Basta sinasabi namin sayo at lagi naming pinapaalala na hindi mapagkakatiwalaan iyang hilaw na tsino mong boyfriend." Seryosong sabi ni Abigail bago sya nagpaalam sa kaibigan at agad ng lumabas ng office ni Anastasia. Sya naman ngayon ang napakunot ng noo dahil ayan na naman ang paalala ng kanyang kaibigan. She had lot of flings before at si Jeremy lang ang medyo tumagal na nakarelasyon nya kaya hindi nya maintindihan ang kanyang mga kaibigan kung bakit hindi na lamang maging masaya ang mga ito para sa kanya. "Good evening 'nak.! Mukhang pagod na pagod ata ang bunso namin ah." Puna ng kanyang ina pagka'uwi nya sa kanilang bahay. She's already twenty-nine years old pero hindi parin sya bumubukod sa mga ito. May balak naman sya, matagal na actually. Kaya lamang ay lagi itong napupurnada dahil sa paki'usap ng kanyang ina. Kapag sinasabi nya sa mga ito na sa condo na sya titira ay laging nauuwi sa drama ang usapin dahil either na iiyak o magtatampo ang kanyang ina sa kanya. Kesyo daw hindi na nya mahal ang mga ito kaya gusto na nyang umalis sa puder ng mga ito na ikina'iling na lamang nya at babawiin na lang nya ang sinabi nyang aalis ng bahay. Her mother is a bit childish sometimes, palibhasa kasi ay tumatanda na ito kaya medyo ma'drama na sa buhay. Pero ganun pa man, mahal na mahal nya ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina dahil ito lagi ang unang sumusuporta sa kanya sa mga gusto nyang gawin sa kanyang buhay. "A bit Mom." Sagot nya rito bago bumeso. "Ok sige 'nak. Magpahinga ka muna saglit then tatawagin na lang kita for dinner." Nakangiting sabi ng ina habang hinahaplos ang kanyang pisngi. "Ok mom." Sagot na lang nya bago umakyat pataas ng hagdan. Pagdating nya sa kanyang kwarto ay agad syang nagbihis at humiga muna sa kama. Ngunit naalala nyang kakausapin pa pala nya ang kanyang boyfriend para sa mini vacation nilang dalawa. Kinuha muna nya ang kanyang cellphone sa blazer na suot nya kanina at agad ng tinawagan ang kanyang nobyo. Nakakailang ring pa ito bago nito sagutin ang kanyang tawag. "He--hello Boo.?" Sagot ng kabilang linya na ikinakunot ng noo nya. "Hey, ayos ka lang.? May sakit kaba.?" Nag'aalalang tanong nya rito. "Wala Boo. Napatawag ka.?" Tanong nito na ikinataas ng kilay nya. "Well, I am your girlfriend. I can call you kahit kailan ko gusto." Masungit nyang sagot rito dahil hindi nya nagustuhan ang tono nito. Halos buong araw na nga itong hindi nagparamdam sa kanya which is unusual, tapos ngayon parang ayaw pa ata syang makausap ng lalaking ito. "I'm sorry Boo. Medyo stress lang talaga ako nitong mga nakaraang araw. I'm really sorry." Paghingi nito ng tawad kaya kahit papaano ay kumalma sya. "Bakit hindi na lang tayo magbakasyon sandali.? Wala naman kasi akong masyadong gagawin next week dahil natapos ko na ngayon kaya naisipan kong magpahinga muna kahit ilang araw lang na kasama ka." Suhestyon nya rito. Lately kasi pareho silang naging busy kaya hindi na sila masyadong lumalabas na magkasama. Minsan naman ay hindi pa ito tumatawag sa kanya, kung hindi pa sya tatawag rito ay hindi nya ito makakausap. Parang gusto nyang maghinala sa nobyo at maniwala sa instinct ng mga kaibigan pero iwinaksi na lamang nya iyon sa kanyang isipan. "I'd love to Boo, pero marami pa kasi akong meeting na pupuntahan next week. I'm really sorry. Promise babawi ako sa susunod." Sabi nito na ikina'init ng ulo nya. 'Seriously.?! Mas pipiliin nya pa iyon kesa ang makasama ako.?!'  Anastasia thought. "Kahit dalawang araw lang Boo. Hindi ka naman siguro mawawalan ng investors kapag nagbakasyon ka ng dalawang araw lang." Pangungumbinsi nya pa rito. "Anastasia importante ang meeting na pupuntahan ko next week. Malaki ang maitutulong nila sa kompanya namin kaya please lang intindihin mo muna ako. Ok.?" Sagot ng kanyang nobyo na mas lalo lang nyang ikina'inis. "Fine.! E'date mo ang kompanya nyo.!" Galit nyang sigaw rito bago p*****n ng tawag. Inis nyang ibinato ang kanyang cellphone sa sahig, buti na lamang hindi iyon nabasag at nasira. Dahil sa inis nya ay hindi na sya bumaba para kumain ng hapunan. Natulog na lamang syang may sama ng loob sa kanyang nobyo na mukhang nagbago na ata ang pakikitungo sa kanya. 'Fine.! Kung ayaw nya eh 'di wag.! Ako na lang ang mag'isang pupunta ng Batangas.' Naiinis nyang sabi sa kanyang isipan at tuluyan nang natulog. ___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD