Sayuri's POV Matapos akong hilahin ni Yabang, tumingin lahat ng bisita! Napakaagaw pansin naman kasi! "Wag kang mailang. Baka isipin nila kinikilig ka sa akin." nakangising sabi niya pa kaya nanlisik ang mata kong tinignan siya. "Bakit? Sinong may sabi?" mataray na tanong ko. "Wala pero nararamdaman ko. Tignan mo ang mga tingin nila." Tinignan ko ang paligid at nasa amin lahat ng paningin. Ang mga babaeng kasing edad namin ay nanlilisik ang mata sa amin! Ang mga nakakatanda naman ay parang tuwang-tuwa sa nakikita nila! "See? Gano ka kaswerte na sa party'ng ito ay ikaw lang ang naisayaw ko?" sabi nito kaya naman nginisian ko siya. "Mahaba ang gabi, Yabang." sabi ko at bumitaw sa kanya dahil magpapalit ng kapartner. Ano bang tawag sa sayaw na yun? Aah! Basta! Yun na yun! "Magsisisi

