Sayuri's POV
"Ay nga pala kailangan mo ring malaman ang rules dito." Sabi ni Keithlyn.
Buti nga nagsalita na sya eh. Kanina kasi parang paiyak na siya. Akala ko kailangan ko pa siyang icomfort eh. Grabe! Wala pa nga akong isang oras dito sa Cross Heart eh. May ganito agad na scene.
"Pero hindi ako ang magsasabi ng rules. Si Mistress na ang mag-eexplain ng iba. Tara punta na tayo." Sabi ulit niya.
Tumayo na sya kaya tumayo na rin ako. Habang naglalakad kami patingin-tingin lang ako sa paligid. At Wow! Mukha kasing mamahalin yung mga gamit dito at puro silvers and golds ang kulay. Mayaman nga talaga ang Academy. Tumitingin-tingin lang ako sa paligid pero bigla akong nauntog sa isang teka pader ba to? Eh si Keithlyn yung sinusundan ko kanina ah? Tapos pagkatingin ko....
Parang nakita ko ata si Kamatayan ah! Kasi naman akala ko talaga pader! Si Keithlyn pala! Hala! Kahiya naman kinapa-kapa ko pa yung likod nya! Pano ba naman! Ang tigas ng likod nya eh! Akala ko tuloy pader. Huhu. I think I'm dead. Bakit kasi parang lalaki to at ang tigas ng likod?
Nagsorry naman ako sa kanya. Nagulat pa nga ako kasi di sya sumigaw. Sabi pa nga nya okay lang daw yun mag-ingat na lang ako sa susunod. Tapos biglang may tanong na nabuo sa isip ko.
"Teka. Bakit tayo tumigil?" Tanong ko.
"Because we're here. At the master's office." Sabi nya sabay turo dun sa sign. Ang nakalagay dun sa sign ay The Master's Office: Menrui Kaminoke. Master's office pero babae? Ano kayang trip ng nag-isip nito? Well. Mistress naman ang tawag ni Keithlyn sa kaniya...
Kumatok na si Keithlyn.
"Mistress. It's me Keithlyn. May new student po."
Haha. Katuwa tong si Keithlyn. Ang bait nyang magsalita pag mistress nila ang pinag-uusapan.
"Let her in." Sabi naman nung mistress aw nila.
Nagulat naman ako kasi sabi 'let her in' daw. Pano niya nalaman na babae ako eh hindi pa naman niya ako nakikita?
At dahil mukhang alam na ni Keithlyn ang itatanong ko, inunahan na niya ako.
"She knows everything inside the campus. At isa na dun ang mga bagong students. Hindi ko lang sure kung paano niya nagagawa yun."
Pagkatapos nyang magpaliwanag bumukas yung pinto. I'm expecting na matanda na siya but to my surprise, I think magka-age lang sila ni Keithlyn. She looks so young.
"Aalis na po ako mistress. Marami pa akong gagawin eh." Keithlyn said.
"Sure. And may iuutos ako sayo." Master said.
"What is it mistress?" Sabi ni Keithlyn habang nakayuko.
Hmmm. Mukha namang kagalang-galang yung babae eh. Nakakaintimidate pa nga yung presence nya.
"Can you find him? Nung isang linggo pa sya hindi nabalik eh. I'm worried baka kung ano nang nangyari sa kaniya." Sabi ni Master.
"Sure. No problem." Keithlyn said.
Tapos umalis na sya. Na sana di na niya ginawa kasi kinakabahan na ako sa presence ng nasa harapan ko. Alam nyo kung bakit? Kasi ramdam mo na napakalakas nya parang kaya nyang kunin ang lahat ng magic mo sa oras na makalaban mo sya. Napalunok ako sa naiisip ko. Scary.
"By the way. Let me introduce myself first." Nagsalita na sya. At sa bawat salitang iyon ay ramdam mo ang kalakasan nya. She's really powerful!
"My name is Menrui Kaminoke. The master of Cross Heart Academy. You can call me mistress. And you are?" Sabi nya at inilahad ang kamay nya. Syempre inabot ko yun at nakipagshake hands sa kanya baka kasi mamatay ako ng wala sa oras pag hindi ko yun inabot eh.
"Sayuri Akiyama." I said.
"Okay. Well I don't need any information about you because Keithlyn already gave me your information." Sabi nya.
Hindi na ko nagsalita at nakinig na lang sakanya.
"First, I want you to know the rules of this Academy. Is that okay?" She ask.
Tumango na lang ako. Mukha ngang nosebleed ako pagkalabas ko rito eh. Hindi ata marunong magtagalog si master eh. Minsan lang.
"Okay. Rule no. 1: Treat your fellow classmates like your family. Why? Well because Cross Heart Academy is our home. So ang turingan ng mga estudyante ay pamilya nila ang lahat ng tao dito sa Academy."
Gusto ko yung first rule nila. Kasi wala pang tao sa mundong ito ang tinuturing akong pamilya. Kung meron man, wala na sila. Pinatay silang lahat. Kinalma ko ang sarili ko kasi baka magwala na lang ako dito ng di alam ni master ang dahilan.
"Next rule is... Bawal kang makipag-away sa kahit sino dito. Because, like what I just said, we are family."
"Third rule is... Bawal kang kumuha ng mission na hindi alam ng student council secretary ng Academy which is Ms. Larajane Wilsen."
Hmm. Mukhang mahigpit sila sa pagkuha ng mission ah.
"At kapag nilabag mo ang isa man sa mga yan. I will be the one who will give the punishment. That's all." Sabi nya.
Nagtaka naman ako kasi yun lang? At dahil curious ako eh nagtanong na lang ako.
"Yun lang po ba?
Tumango siya at saka umupo sa upuan niya.
"You may go now. May sasama sayo para itour ka sa Academy. At sa kaniya mo na rin hingiin yung mga kailangan mo. I think kasi wala kang dala kahit anong gamit eh."
Ngumiti na lang ako kasi nahihiya ako. Kasi naman! Nung hinila ako ni Luna eh nakalimutan kong kunin yung gamit ko.
Napatingin ako sa pinto ng master's office.
"Mistress. It's me, Larajane." Sabi nung nasa kabila ng pinto.
Infairness ha. Ang ganda ng boses at pagpasok nya dito kasi. Wow! Di lang boses ang maganda! Pati rin yung mukha. She's like a goddess. Lumapit naman sya sa akin at tumayo sa tabi ko. Oo. Nakatayo lang kami. Wala kasing sinabi sa akin na umupo eh di tumayo.
"Oh Larajane. Let me introduce her." Lumapit si Mistress sa amin ni Larajane.
"Larajane. She is Sayuri. Sayuri, she is Larajane. The student council secretary of our academy."
"Hello." Sabi sa akin ni Larajane.
Infairness. Siya pa lang ang nakikita kong babae talaga kumilos. Well wag na nating isali si mistress. Kasi ughh. Never mind. Yung dalawa naman kanina eh lalaki ring kumilos. At sya? Nakadress siya kaya alam mong kagalang-galang talaga.
"Hi." Sabi ko naman.
"You can go now." Master said.
"Yes mistress." Sabi ni Larajane at yumuko kaya ganun rin ang ginawa ko.
Tapos pagkalabas namin nagtanong ako kay Larajane.
"Anong gagawin natin?"
"Aah. Itutour kita sa Academy. Madami ka dapat kasing malaman. Kasi next week na ang pasukan."
Tapos nagsmile sya. Grabeee. Kung lalaki lang ako baka kanina pa ako nainlove sa kanya. Pero pwede naman. Kaso eew, di ako tomboy para patulan tong babaeng to no!
"Pero mukha kang pagod kaya tara pahinga muna tayo sa bench." Sabi nya at hinila nya ako papunta sa mga bench dito sa park nila. Maganda dito kasi puro halaman at bulaklak. Nakakarelax parang nung nasa bayan pa lang ako nila tanda.
After an hour...
"Tera na para maaga ka nang makapagpahinga sa dorm mo."
At pagkatapos non umalis na kami at nag-explain na siya.
"Okay. Ang unang-unang building na makikita mo pagpapasok ka pa lang ng Academy ay ang Administration building. Doon mo makikita ang office ng master or principal which is nasa fourth floor, office ng teachers na nasa third floor and ang nasa first floor naman ay para sa mga missions. Ang second floor naman ay para sa rooms or dorms naming mga student council."
Napatango-tango naman ako. "Aah. Okay. So hiwalay kayo sa mga hindi member ng student council?"
"Yes. Kasi kami ang mag-aaprove kung pwede bang ibigay sa inyo ang mission so kailangan nasa administration's building kami para mabantayan kung ano na ang nangyayari sa loob at labas ng academy."
O-kay. Parang masyado nilang pinagkakatiwalaan ang student council dito ah.
"Next naman na makikita mong building ay ang buildings para sa subjects na papasukan natin. Dito mahahati ang mga estudyante."
"Mahahati?"
"Yes. Kasi hahatiin kayo base on your magic strength. At nahahati tayo sa five class, ang D, C, B, A and S. Ang S class ang pinakamalakas which is us. The student council. Ang ibang S-class naman ay leader ng bawat grupo." Sabi nya tapos tumawa.
Aah so ganon pala. Tumango-tango ako. Tapos napaisip naman ako, ano kayang class ko?
"Teka. Ano namang class ko?"
"Ang class mo ay D class which is doon sa right side."
"Eh? Bakit?"
"Kasi di pa naman tayo nakakapag-exam eh. Tsaka every two months lang nag exam kaya ang swerte mo pag nag-advance ka sa C or B kasi wala pa naman nakakaabot ng D to A class kasi mahirap ang test."
So kailangan kong paghirapan ang lahat ng gagawin ko para maging mas malakas ako? Well ganon naman talaga.
"Ay! Malapit na palang maggabi. Sige ihahatid na kita sa dorm mo." Sabi nya kaya sumunod na ako.
"Next naman na makikita mong building ay ang buildings para sa subjects na papasukan natin. Dito mahahati ang mga estudyante."
"Mahahati?"
"Yes. Kasi hahatiin kayo base on your magic strength. At nahahati tayo sa five class, ang D, C, B, A and S. Ang mga kasama sa student council ay nabibilang sa S class which is ang pinakamalakas, at may kasama pa kaming ibang student na hindi naman kasama sa council pero S class sila."
Natawa rin naman ako sa sinabi nya. Pero masaya yun! Mag-isa lang ako. Eh di walang manggugulo!
"We're here!"
Sabi niya. At pagtingin ko...
"Waa! Ang ganda naman dito."
Sabi ko at nagtatalon sa loob.
"Pwede mong palitan ang kulay ng gamit mo. Just click here and say what color you want."
Tapos tinuro nya yung botton.
"Yung mga damit mo and school uniform pati na rin gamit ay kasama sa ipapadala bukas. So tyaga ka muna sa mga dati mong damit ha?"
"Okay."
"Sige alis na ko."
Sabi niya kaya nagpaalam na rin ako. Tapos nahiga na lang ako sa kama at inisip ang lahat ng nangyari.
In just one day, sa loob ng isang araw ang daming nangyari. Ngayon naandito na ako sa school na makakapagbago ng buhay kong gulong-g**o. I hope na maayos talaga...
Someone's POV
So she's finally there huh? Hah! I will not allow you to have a happy life. Be prepare Sayuri Akiyama.