Chapter 6: New Friends

1381 Words
Sayuri's Pov "Luna. Totoo yung sinasabi nila?" Mahinang tanong ko kay Luna na nasa tabi ko lang. And by the way, for your infornation, naandito kami ngayon sa tambayan nila. And nung sinabi nilang tambayan. Maganda dito kasi nasa garden kami. Naglatag lang kami tapos umuulan ng pagkain. Hayyy heaven! "Huh? Di ka naniniwala?" Takang tanong nya kaya umiling ako. "Kung ganon maniwala ka na! Nasa harapan mo na ang ebidensya oh!" Sabay hampas nya sa akin. Napaubo ako kasi bakal ata yung kamay ng isang ito eh. "Huwag mong patayin yang si Sayuri, Selene." Nagulat at nagtaka ako dun sa name na tinawag ni Flynth kasi diba si Luna yung nanghampas sa akin? Bakit Selene? Tapos napatingin ako kay Luna kasi tumigil sya sa paghahampas sa akin at parang namumutla siya. "Hey. Luna. Are you okay?" Tanong ko with matching shake shake sa kaniya. Tapos parang natauhan siya sa pagtawag ko at lumapit kay Flynth. "Alam mo kung sasabihin mo ang second name ko, dapat iinform mo muna ako ha? Para naman di ako nagugulat ng ganon." Sabi nya at nagrambolan na yung dalawang yun. Napaisip naman ako ibig sabihin may second name si Luna? Selene? Ano namang problema sa name na yun? Mas maganda naman yun sa Luna ah! "Sayuri." Napatingin ako kay Jane kasi tinawag nya ako. "Bakit?" "Tara na. May klase pa tayo." Sabi nya. Teka, bakit tayo? "Kung tatanungin mo kung bakit tayo, kasi magkaklase tayo." Aah. Okay pero wait... Nabasa nya isip ko? Ibubuka ko na sana yung bibig ko kaso hinila na nya ko patayo. Brutal ha! "Halika na. Malelate na tayo." Tumakbo kami. I mean siya lang pala, kasi nakakaladkad lang ako sa takbo niya. Tsaka ko lang narealize... "Bakit magkaklase tayo eh. D-class ako ikaw S-class?" Tanong ko habng naglalakad kami. Oo naglalakad na lang dahil isang oras pa bago yung klase namin. Excited lang ang kasama ko kaya tumakbo kami kanina. "Kasi wala na kong mapag-aralan, eh may kasalanan pa yung teacher nyo sa Magics kaya tinake ko ulit." Sabi nya. Medyo weird sya ha. Kasi imagine, gusto mo lang kuhain yung subject kasi may atraso yung teacher namin sa kanya? Labo ha. Umupo kami sa bakanteng upuan at pinili niya yung malapit sa bintana kasi daw boring yung klase na to. Ang weird niya talaga. My god! Baka baliw na tong si Jane ha! Di niya lang sinasabi. Nag-uusap lang kaming dalawa nung may dumating at sa kasamaang palad yung Dian pa na yon ang naandito at umupo pa sa harap ko. Mukha namang di pa niya ako pansin kaya pinagsawalang bahala ko na lang. "Girl!" Napatingin ako dun sa tumawag at muntik na kong masamid sa sarili kong laway dahil sa suot niya. Kita na hinaharap niya pero ito pa rin naglalakad papunta kay Dian. So another b***h huh? "Oh. Late ka ngayon." "Sarry. Girl eh kasi naman gumimik pa ko kagabi." "Tss." Di na ko nakinig sa pinag-uusapan nila kasi parang para sa mga b***h lang yon.  "Okay good morning class." Sabi ni Sir. "First of all I will introduce myself. I'm Fawn Pitchblack. Call me sir Fawn dahil ayoko ng apelyido ko. Is that clear?" Sabay-sabay naman kaming nag"yes sir" tapos sinimulan na nya yung discussion. Ang masasabi ko? Boring! Tama nga ata si Jane pati siya tulog na ata eh. "Okay. Dahil unang araw naman ngayon. You will introduce yourself in front of the class. Pero dahil magics ang subject natin. You will also show your magic skills. But! I'm warning you guys. Hinay-hinay lang sa paggamit ng magic huh? Baka masira niyo ang classroom natin. Am I right miss Wilsen?" Tanong ni sir na nakasmirk sa katabi ko. Yuyugyugin ko na sana siya eh kaso di pala tulog gusto lang talagang tumungo. Infairness ha. Weird talaga sya. "Yes sir." Sabi ni Jane. "Okay let's start. Yung unahan muna okay?" Tumango na lang kami. Nagpakilala na yung pinaka-unahan. Wala naman akong pake kung anong gawin niya sa harapan. Alangan namang maglupasay ako kapag nagpakilala na siya diba? Na-aamaze ako sa mga pinapakita nilang magics. My god! Amazing. Sa sobrang pagkaamaze ko sa mga magics nila, di ko namalayang si Dian na pala ang kasunod na magpapakita ng magic. "Hello everyone, my name is Diantha Etherial, and my magic is Etherial Spirit Magic. I can't explain kung paano to gumagana-" "Pano. Tanga ka kasi!" Bulong ni Jane. Narinig nga ata nung nasa unahan ko eh. Ako naman natawa. Ang highblood niya kasi eh. "So ipapakita ko na lang." Sabi ni Dian. Interesting. Yan ang masasabi ko. Nagsimula ng magfocus si Dian at pumalibot sa kanyang magic particles. Pero parang may kakaiba. "Weird." Nasabi ko na lang. "Weird no?" Napatingin ako kay Jane kasi bigla siyang nagsalita. "Lahat ng estudyante dito nagtataka kung bakit ganyan yung pumapalibot sa kanyang particle tuwing mag-eenchant siya ng magic spells. Ang iniisip ng iba, mula siya sa Blue Flare Academy or isang dark wizard na naligaw sa Cross Heart. We tried to talk to our principal and the other staff members pero tikom ang bibig nila tuwing may maglalakas loob na magtanong." Kung itatanong niyo kung bakit weird? Well, yung pumapalibot kasing magic particles ay black. Usually kasi pink, blue, or kahit anong kulay pero yung kaniya ay black. There's something wrong. "Summoning one of my etherial spirit, the elemental, Milieu." Sabi ni Dian tapos sabay smirk sa amin ni Ate Jane. Tss. Pero cute ni Milieu mali nga lang ng among pinuntahan. "Yan lang. Baka kasi masira ko ang room kapag gumamit ako ng magic ni Milieu eh. Thanks" umupo na siya sa harap namin. "Inggit ka sa magic ka no weakling ka kasi." Sabi nya. Inirapan ko na lang siya walang kwenta, tignan natin kung di ka mamangha sa magic ka. Mwahahahaha. Sumunod naman yung kaibigan kuno ni Dian. Zera ata pangalan. Magic? Di ko alam sabi niya wind manipulator daw eh. Medyo malapit sa magic ko huh? "Next." Tumayo na ang katabi ko sino? Si Jane. "Goodluck!" Sabi ko. At tipid syang ngumiti sa akin. "Good morning everyone," "And here comes the weakling!" Sigaw ni Dian. Tss. Epal. "Kung pwede Dian, mamaya na yang drama mo ha? Kasi sa pagkakaalala ko Magics ang topic natin hindi Drama. Is that clear?" Inirapan na lang siya ni Dian. Sarap sabunutan psh. "Burned," sabi ko wahahahaha. "Well, kilala niyo na ako, pero magpapakilala na rin ako. My name is Larajane Willsen and my magic is Takeover Magic. And I'll show it to you." Nagsimula nang magfocus si Ate Jane at ang cute nung kulay nung magic particles, pink! "Takeover." Pero yung magic hindi cute! Nakakatakot siya! May gaad! "Di na ko mag-eenchant ng spell kasi baka masira ko lang yung building eh. That's all." Bumalik na sa dati yung itsura niya at umupo na sa tabi ko. Tumayo na ako kasi ako na ang susunod. Tumayo ako sa harapan. Grabe!! Nakakakaba! "Goodluck Sayuri! Fighting!" Sabi sa akin ni Ate Jane. Tipid na ngiti lang sinagot ko. "Hmm. Let's see how weak you are." Sabi ni Dian kaya umirap ako sa kanya. "Good morning everyone, Sayuri Akiyama is the name, and my magic id Sky Dragon Magic." Casual na sabi ko. Halatang nagulat ang lahat. Yung iba nakatulala katulad ni Jane at ni Dian pati na rin si Zera. Yung iba nagsimula nang magbulungan. Si sir naman nakakunot yung noo. Eh sino ba namang di magugulat? Tinataglay ko ang magic na hindi naman dapat sa akin. Dapat nasa Sky Dragon Princess to. Hindi sa aking di hamak na galing lang sa mahirap na pamilya. "You are kidding! Paano mo makukuha ang legendary magic eh di hamak na ordinaryong wizard ka lang!" Sigaw ng isa sa kaklase ko. Napayuko na lang ako. Totoo naman kasi na yun yung magic ko. Bakit ayaw nilang maniwala? Si Luna lang ata ang naniwala sa akin. "Enough! Sige Sayuri patunayan mo sa kanila ang magic mo. I believe in you." Sabi ni Sir sa akin sabay kindat pa niya. Ngumiti ako kasi pakiramdam ko naniniwala siya sa akin. Tumingin ako kay Jane at nag-thumbs up sya sa akin. At least may naniniwala di ba? Huminga muna ako ng malalim at pumikit. Inimagine kong may magic particles na pumapaligid sa akin. Nung maramdaman ko nang sapat na magic na ang nakuha ko ay nagmulat ako ng mata. I enchanted a magic spell and a light green particles enveloped my surroundings. Pagkatapos non, I was stunned. Ay hindi! Mali! Hindi lang ako pati mga kaklase ko pati si Sir. Oh my god! Anong nagawa ko! "Nice one Sayuri!" No!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD