CHAPTER 12: DIRTY MINDED

2603 Words
Althea's Point of View "WHY DIDN'T you tell me you're coming??" Vrougn seriously asked his newly coming buddy s***h right hand, Holmer. Hindi pa man ito nakakababa ng sinasakyan nitong chopper ng kaagad itong lapitan ni Vrougn ng nakabusangot at kunot ang noo. Agad munang bumaba si Holmer at dahan-dahang humakbang papalapit kay Vrougn at ng makalapit ay bahagya munang yumukod bilang pagbati. "I'm sorry, boss, pero kinailangan ko ng pumarito dahil may kailangan kang malaman," dinig kong sambit nito. "Hindi mo rin kasi sinasagot ang beeper mo kaya't nagalala din ako sainyo," ani pa nito at sandaling sumulyap sa akin 'tsaka matamis na ngumiti. "Magandang araw po, Miss Althea." "Good day, Holmer," tugon ko saka ko ito tipid na nginitian. Mabilis naman akong kinabig ni Vrougn palapit sa kanya. "I forgot to recharge it, buddy." Saka siya napatingin sa akin ng nakakaloko. Napalunok ako. His stares.. I think I'm the reason why he forgot to recharge it. Kasalanan ko bang maging abala siya sa akin? "Why are you staring at me? Hmm?" Nanunulis ang nguso kong tanong. Ngumiti siya. "Ang ganda mo kasi," bulong niya at sabay kindat. "Thanks," nangiti ako ngunit alam kong namumula ngayon ang pisngi ko. "Cheesiness overload!" Kantyaw naman ni Holmer. "Shut up, buddy!" Natatawang saway ni Vrougn. "Doon na nga tayo sa bahay. It's cold here outside and I'm excited to cook our lunch," sabi ko dahil ako ngayon ang magluluto ng pananghalian namin. Lagi na lang kasi si Vrougn ang nagsisilbi sa 'kin. Gusto ko namang suklian ang ginagawa niya. Saka na rin sila magkasabay na sumunod sa akin sapagkat humiwalay na ako kay Vrougn at nagpatiuna na akong naglakad pabalik ng bahay. "Tell me if you need help, babe!" Pahabol na bilin ni Vrougn ng kaagad na akong dumeretso sa kusina. "No need. I can handle this alone," pahabol ko ring tugon ng lumingon ako. Nasa salas na sila ni Holmer at prenteng nakaupo sa sofa. Alam kong mayroon silang importanteng paguusapan. "Take care, baby! I love you!" Pahabol pa rin niya. Dinig ko pa rin iyon kahit nasa loob na ako ng kusina. Nangiti at napapailing na lamang ako sa kakulitan niya. Kaagad ko ng hinarap ang mga gagawin ko. May kaunti akong nalalaman sa mga gawaing bahay dahil madalas akong tumatambay sa kusina noong maliit pa ako. Madalas din akong tumutulong sa mga ginagawa ng mga maids namin. Ang kaibahan nga lang ay hindi hightech ang mga kagamitan dito kumpara sa mansyon. Ang kalan namin dito ay ginagamitan pa ng kahoy at sinisindihan iyon para magkaroon ng apoy. So, I did it. Nagparikit muna ako ng apoy bago ako nagtakal ng bigas sa kaldero at mabilis iyong hinugasan. Pagkatapos ay isinalang ko iyon sa kalan. Pagkuwa'y hinarap ko na ang isdang nahuli namin kanina. Kaagad ko na iyong nilisan at hiniwa sa lima. Saka ako kumuha ng talbos ng kangkong at pinagputol-putol iyon. Pagkatapos ay kumuha rin ako ng sampong piraso ng kalamansi, tatlong piraso ng kamatis, isang piraso ng sibuyas, at isang piraso ng luya na singlaki ng dalawang daliri. Hiniwa ko ang tatlo sa sangkap na iyon at inihulog sa isang kaserola na may lamang tubig para sa gagawin kong sabaw. Habang hinihintay kong maluto ang kanin ay hinugasan ko na rin ang naiwan naming pinagkainan kanina. ——————————— Vrougn's Point of View ——————————— "NAPAG-ALAMAN namin na si Xindy Grace Morillo na siyang ipinagkasundong ipakasal sa kapatid mo ang siyang witness sa nangyaring sagupaan natin laban sa mga tauhan ni Donya Silverrah, young master." Nagtagis ang mga bagang ko sa narinig na balita. "Naikanta na ba ito ni Miss Xindy kina tita Verra? O kaya kay Don Armiendo?" Umiling siya kaya't naging kalmado ako. Pero, hindi pa rin ako dapat makampante. "As of now ay tikom ang bibig ni Miss Xindy. Kahit na may nalalaman siya sa mga pangyayari ay nanatili itong tahimik." "Good for her. I need to talk to her right away, buddy! Hindi siya makakatulong sa ginagawa nating hakbang para mahinto sa paghihiganti si Tita Verra gayon din ng ama ko," sabi ko at malalim akong napabuntong hininga. "Kung gusto mong makausap si Miss Xindy ay naroon siya ngayon sa kabilang isla, boss. Sinundan niya si Boss Dazsher." "Oh! Fvck!" Napamura pa ako dahil sigurado akong gagawa ito ng g**o sa mismong teritoryo ni Miss Amirah. "I have to go there. Ikaw na muna ang bahala kay Althea. Huwag na huwag mo siyang tatakutin, buddy!" Natawa si Holmer sa huling sinabi ko. Subalit, hindi ko na siya pinansin pa dahil agad na akong pumaroon sa kusina para magpaalam kay Althea. —————————— Althea's Point of View —————————— NAGULAT ako ng bigla na lang may lumingkis na braso sa beywang ko at mabilis akong hinalikan sa pisngi. "Ang sipag ng baby ko," anya at patuloy akong kinikintilan ng halik sa pisngi hanggang umabot iyon sa leeg at batok ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. Ngunit, nagtaka ako no'ng tumigil siya at seryoso akong tinitigan. "May pupuntahan muna ako saglit." "Huh? W-Where? Iiwan mo 'ko ditong mag-isa? Sinong kasama ko dito? 'Tsaka.." Nasulyapan ko ang kanin na kasalukuyan ng kumukulo. "Sandali lang naman ako doon sa kabilang isla. May kakausapin lang ako at may kailangan din akong kunin personally." "Sinong kakausapin mo? I'll come with you, Vrougn." "Althea.." Hinawakan niya ako sa baba at saka niya ako dinampian ng halik. "Please.. Nandito rin naman si Holmer. Siya muna ang makakasama mo. Don't worry about him. He's a nice guy and I trust him," nakangiti niyang saad saka ako pinakawalan. "S-Sandali ka lang doon, ah? Paano 'yong lulutuin ko? Hindi ka ba dito kakain?" "Dito ako kakain.. Nandito ang pagkain ko, eh.." Sabi niya at may gumuhit na pilyong ngiti sa mga labi niya. "Iihhh! Kasi.. iba na naman ang nasa isip mo, eh," natampal ko pa siya sa dibdib sa kalokohan niya. "Sige na nga. Hihintayin kita dito, ha. 'Huwag kang magpapagabi doon. Wala akong kasama sa kwarto." Napakagat pa siya ng kanyang labi dahil sa huli kong nabanggit. "Gano'n din naman ako, baby. I love you.. Babawi ako later." anya muling sinakop ang bibig ko. "Umalis ka na ng makabalik ka kaagad," pagtataboy ko na sa kanya dahil medyo naaamoy ko na rin ang sinaing ko. Natatakot akong masunog iyon! "Take care, okay?" Bilin ko pa ng makatalikod na siya. "I will!" Sagot niya at tuluyan ng lumabas ng kusina. Napapabuntong hininga akong inalis sa kalan ang kaldero. Kamuntikan na talaga iyong masunog. Saka ko na ipinalit ang kaserola para sa paglulutuan ko ng isda. Paikot-ikot akong naglakad sa buong sulok ng kusina sa kakaisip kung sinong napakahalagang tao ang kakausapin niya sa kabilang isla. Pero, inisip ko na lang na baka si Dazsher o si Ate Amirah lang ang kakausapin niya at bukod sa dalawa ay wala na. Mga ilang minuto pa at kumulo na rin sabaw ng isda. Agad ko ng inihulog ang isda sa kaserola at saka ko na rin nilagyan ng asin, kaunting paminta at pampalasa. Then after five minutes at masigurong luto na ang isda ay inilagay ko na 'yong kangkong. At panghuli ay ang kalamansi. Mabilis ko na iyong tinanggal sa apoy dahil baka ma-over cooked ang gulay. Matapos magluto ay naisipan ko munang pumaroon sa salas kung saan ay nasilip kong nakapikit si Holmer habang nakasalampak sa sofa at mukhang natutulog. Subalit, nagulat ako ng bigla siyang magmulat ng mga mata ng madinig ang mga yabag ko habang papalapit sa kanya. "Miss Althea," bahagya pa siyang tumayo at yumukod para muli akong batiin. "May kailangan po kayo?" Umiling ako. "Nothing. I'm sorry to disturb you. You can continue your sleep," nakangiti kong sabi ngunit umiling din siya. "Hindi naman po ako inaantok, Miss Althea. May iniisip lang po ako kaya ako nakapikit kanina. Hehe!" Bungisngis niya. "Oh, okay! What are you thinking then?" Hindi ko maiwasang maging mausisa. Pagkuway sumeryoso ang mukha niya. "Hindi ko po alam, Miss Althea, kung nasa lugar ako para sabihin saiyo ang iniisip ko. Baka po magalit sa akin si Young Master at isipin niya na pinapangunahan ko siya. Siya kasi ang may karapatang magsabi sayo ng mga dinadala kong balita." "So, ang bumabagabag sayo kanina ay 'yong ibinalita mo sa kanya? Can't you share it to me? 'Tsaka, bakit naman magagalit si Vrougn? Come on. I was just curious in everything. Kahit ilan lang sa mga nalalaman mo sa labas? Tell me," pangungulit ko. Umiiling-iling pa rin niyang tugon. "Miss Althea, gustuhin ko man pong sabihin saiyo ay mas inaalala ko lang po ang magiging kalagayan niyo. Gano'n din po si Boss. Ayaw niyang mabigla ka sa mga nangyayari sa labas at gusto lang niyang maging payapa ang isipan mo." Napabuntong-hininga ako ng malalim. Gano'n nga din talaga ang ginagawa ni Vrougn. Lagi niya akong inaaliw, sinusurpresa, pinapasaya, at minamahal upang pansamantala ko raw na makalimutan ang mga nangyari at nangyayari sa kasalukuyan. "Pasensya ka na, Miss Althea," hinging-paumanhin niya. "Okay.. I understand. Just.. tell me kung may balita ka about my family. How are they?" Sandali siyang nagisip at saka tumingin sa akin. "Si Don Armiendo po ang kasalukuyang nagpapatakbo ngayon ng kompanya at mga negosyo niyo dahil nga po sa wala kayo. Katulong niya po si Miss Adriana Morillo at si Sir Kean Mondragon." Alam ko na rin naman iyon. Kahit pa hindi sabihin ng sinuman kung sino ang magpapatakbo ng kompanya ay alam ng lahat na ang daddy ko iyon. Ngunit, iba ang gusto kong malaman. "And then, are they okay? How's my family's health? I'm getting worried about them." "Nasa maayos naman po silang kalagayan, Miss Althea. Mas lalong tumindi ang siguridad ng mga Del Fuego kaya madalang na makapasok ang look-out ko sa building niyo. Hindi naman ako maaaring kumuha ng spy na nagtatrabaho mismo sa kompanya ninyo upang magmasid sa pamilya niyo at i-report sa akin. Nagiingat din po ako na baka paghinalaan ako ng masama," mahaba niyang pahayag. "I understand.. Alright, then. Hindi na kita pipilitin pa sa mga nais ko pang malaman. Maybe, si Vrougn na lamang ang kukulitin ko about everything I need to know." Tumango siya at pagkuway nangiti. "Sigurado po akong masayang-masaya si Boss ngayong nagkakamabutihan na kayo, Miss Althea." Nagulat ako sa pagiiba niya ng topic. "Nasa ibang bansa pa lamang siya noong makita niya ang larawan mo habang kasama mo ang kapatid niya na si Boss Dazsher." Iniisip ko tuloy kung paanong may larawan ako kay Daszher. Pero, hindi na inintindi iyon. "Sobra po siyang nagandahan saiyo kaya't kahit na nasa ibang bansa ang mga ari-arian at mga negosyo niya ay lumipad siya rito sa pilipinas para lang makilala ka," patuloy na pagku-kwento ni Holmer. 'Yong kaninang seryosong pakiramdam ko ay agad na napalitan ng tuwa at kaunting kilig. Oo nga at nabanggit na sa akin ni Vrougn na isa siya sa mga admirers ko ngunit hindi niya naiku-kwento ang tungkol dito. "Masaya din naman akong nakilala ko si Vrougn, Holmer. He's a sweet and very gentleman guy. I'm lucky to meet someone like him," nakangiti kong sambit. "Maswerte din po siya saiyo, Miss Althea," nakangiti din niyang tugon. "Hmm.. Why?" "Because you love me back, baby!" Nagulat ako nang madinig ang boses ni Vrougn! Tsk! Napalingon ako sa may pintuan at naroon nga siya't nakasandal sa wall habang nakakrus ang mga braso at binti Tinakbo ko ang ilang hakbang patungo sa kanya at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. "You're back so early! Akala ko magtatagal ka pa." "Why? Miss me, baby?" Anya sa paos niyang tanong. "Hmm? No. Naguusap kasi kami ni Holmer kaya't hindi ko iyon naramdaman," nakangisi kong tugon na ikinalukot ng mukha niya. "What?? Are you choosing him over me, babe?" Saka niya sinamaan ng tingin ang ngingiti-ngiting si Holmer at nakataas pa ang dalawang kamay. "Sinunod ko lang ang utos mo, boss! Hahaha!" Nauwi sa tawa ang simpleng ngiti nito. "Well then, thanks for entertaining my girlfriend, buddy!" Sarkastikong sabi ni Vrougn na mas lalo lang na ikinalakas ng tawa ni Holmer. "Maybe next time ulit? Right, Miss Althea?" "No problem," pakikisakay ko sa pangaasar ni Holmer kay Vrougn. "No! Wala ng next time. Hindi ko na siya iiwan sayo, buddy. Nakakalimutan ako ni Althea, eh." Kunwari'y nakangusong sabi niya. Naiiling na lang akong niyakap ng mahigpit si Vrougn dahilan para mangiti siya. Ikiniskis ko pa ang ilong ko sa balikat niya. "Baby.. What do you want? Do you want to go to bed na?" Paanas na bulong niya. "Later," bulong ko rin. Saka ako ngumiti. "But for now, let's eat first. I'm hungry na. Hinintay kita, eh." Pilyo siyang ngumiti. "Okay then!" Saka niya binalingan si Holmer. "Let's go to eat, buddy! Pasensya na at pinaghintay ko pa kayo." "Ayos lang. Nabusog naman kami sa kwentuhan ni Miss Althea, eh," pangaasar pa rin ni Holmer kay Vrougn. "Huwag ka na palang kumain! Bumalik ka na sa resthouse ngayon din!" Nagngingitngit na sambit ni Vrougn na tinawanan lang uli ni Holmer. "Napaka-seloso mo, boss! Di ka na mabiro, eh! Hahaha! Hindi ka naman ganyan dati!" "People changed, buddy! Remember that," wala pa ring kangiti-ngiting saad ni Vrougn. Muling itinaas ni Holmer ang mga kamay niya at animo'y sumusuko. "Okay. Fine. Hehehe!" "Let's eat!" sabi ko matapos kong ihain sa mesa ang kanin at ang sinabawang isda. "Wow! Amoy pa lang masarap na!" Bulalas ni Vrougn. "Taste it," utos ko sa kanya. Saka naman siya kumuha ng kutsara at humigop ng sabaw. Saglit siyang natigilan at napatitig sa mga mata ko. Kinakabahan naman tuloy ako sa magiging reaksyon niya. "Ang sarap, Miss Althea!" Si Holmer ang unang nag-react! Muli na namang napatingin ng masama si Vrougn sa kanang kamay niya. "Kain na tayo!" Sabi ko at nagpatiuna ng kumain. "What do you call this, baby?" Tanong ni Vrougn sa gitna ng magana naming pagkain. "Cosido," sagot ko habang humihigop ng mainit na sabaw. "Cosido?" Ulit niya sa sinabi ko. Tumango ako. "Yeah. Ito ang palagi kong niri-request kay Manang Solidad. Lutong probinsya ito. And this is my favorite dish. Kaya, inaral ko rin kung paano siyang lutuin," kwento ko at tumango- tango naman ang dalawa. "Ang galing mo pong magluto, Miss Althea. Pareho kayo ng girlfriend ko. Kaso, kilawin naman ang paboritong lutuin no'n," sabad naman ni Holmer. "Anong kilawin, buddy??" Nakakunot ang noong tanong ni Vrougn. "Hindi mo alam ang kilawin, boss? Iyon ang paborito ko kaya iyon ang laging inihahanda sa akin ni Tracie." "Hindi ba't hilaw 'yon??" Nalukot na ang mukha ni Vrougn. "No. Hindi na siya hilaw. Specially, kung meat ang gagawing kilawin," ako ang sumagot. "I also know how to cook that kilawin. And one of these days, lulutuan kita no'n, Vrougn," sabi ko sa kanya. Nagbago naman ang awra niya pagkadinig sa sinabi ko. Kaagad siyang ngumiti sa 'kin ng namumungay ang mga mata. Napailing tuloy ako dahil mukhang kalokohan na naman ang iniisip niya. "Sabi mo 'yan, baby, ha? Gusto ko mamaya ipagluto mo 'ko. Gusto ko na siyang tikman, eh," napapakagat pa ng labing turan niya. "Hmm.. Maybe, next time na lang? Kulang tayo sa sangkap dito, eh. Wala tayong meat dito." "Ako ang bahala, Althea.. Please?" Pangungulit niya. "Mukhang iba naman ang gusto mong kaining kilawin, boss, eh," tatawa-tawang sambit ni Holmer. Sinamaan siya kaagad ni Vrougn ng tingin. "Shut up! You are dirty minded, buddy! Tsk!" Nakabusangot na naman niyang saway kay Holmer. Natatawa na lang din ako sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD