Naabutan ni Dianne si Ivan sa sala habang nag-prapractice ng gitara. Malungkot na pinagmasdan ni Dianne ang anak. She used to love music too at minsan niya ring pinangarap sumikat. But she was also young and adventurous. She loves partying and a frequent visitor of bars and clubs. Doon rin siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit sa ultimate crush niya, a handsome vocalist from an amateur band, five years her senior, which also happened to be the son of her dad's business partner. But looking back, she realized now that she got attracted more on what he could do for her rather than his personality.
She wanted someone to notice her talent. Something that her father failed to do. She was the daughter of a huge music recording company's ceo and yet she had to audition just like everyone else. But even if she failed all of her auditions, she never gave up. Nang mabuntis siya ni Matthew, she needed a job to raise her son na sa kabutihang palad ay sinuportahan naman ng mga magulang. She had to work in their company, not as a talent but as a regular office worker. She managed to prove herself at nagkaroon siya ng posisyon sa kumpanya. It hurts to see people getting a break before her but she promised to help them be successful. Maybe, she will have her success someday. She took time to improve and write her songs to prepare for her own debut.
Pero nawala ang lahat ng iyon dahil sa kalokohan niya. Because she wanted the best for her son and she's willing to sacrifice everything for him. Kahit pa ang sariling pangarap.
"Huwag kang mag-alala, Ivan," bulong ni Dianne sa sarili habang mapait na napangiti. "Babawiin natin ang kumpanya. Hindi ako papayag na hindi mo matupad ang pangarap mo. Katulad ng nangyari sa'kin."
"Ma?"
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Dianne nang marinig ang pagtawag ni Ivan.
"Bakit ang aga mo yata?"
Naupo siya sa tabi nito, "Half-day lang ako ngayon. Day off ko nga dapat. Nanghinayang lang ako sa extra pay."
"Dapat nagpahinga ka na lang," bahagyang nagulat si Dianne sa sagot ng anak. Never nagpakita sa kanya ng concern si Ivan. Malaki talaga ang pinagbago nito nang bumalik si Ulysses.
"Naningil na ba si aling Martha?" naalala niyang itanong. Lagpas na kasi sa date nila ng pagbabayad ng upa.
"Binayaran na ni daddy Ule," sagot ni Ivan habang nakatingin sa hawak na song hits.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" nag-aalalang tanong niya. Ayaw niyang isipin ng lalaki na nag-tatake advantage sila dahil alam nilang marami itong pera. "Kailan pa?"
"Noong isang araw," kaswal lang na sagot ni Ivan.
"Dapat sinabi mo agad sa akin," frustrated na sabi ni Dianne. "Late lang ako sumahod ngayon kaya hindi ko nabayaran agad pero hindi mo dapat pinagbayad si Ulysses nang wala yung hati natin. Ayokong isipin niya na sinasamantala natin 'yung kabaitan niya."
Ibinaba ni Ivan ang gitara at hinarap ang ina, "May utang pa tayong dalawang buwan sa upa e nagagalit na si aling Martha. Lumayas na raw tayo kung hindi naman tayo makakabayad. Nagkataon lang naman na nandito rin si daddy. Binayaran niya nga pati 'yung utang natin."
Lalong bumagsak ang balikat ni Dianne. Kinuha niya ang pera mula sa wallet. It's not enough para bayaran ang ilang buwang utang nila sa renta at wala na rin silang gagastusin sa isang buwan dahil nagbayad din siya ng utang. Pero sasahod naman siya sa paluwagan next week kaya makakaraos sila hanggang sa susunod na sahod.
"Ibigay mo ito sa kanya. Sabihin mo babayaran ko na lang yung iba sa katapusan. Sa susunod huwag mo siyang hahayaang sagutin ang gastusin sa bahay."
Muling ibinaling ni Ivan ang atensyon sa gitara, "Bakit hindi ikaw ang magbigay?"
"We're not on speaking terms," sagot niya pero saglit na natigilan nang maalala ang nangyari nung isang araw, "Malaki ka na para itago ko pa sa'yo na hindi maganda ang naging paghihiwalay namin."
"Pero matagal na 'yun. Hindi ba dapat naka-move on ka na?"
Hindi agad nakasagot si Dianne.
Natawa naman si Ivan at kinuha ang pera mula sa kanya, "Akin na nga."
Humugot nang isang malalim na buntong-hininga si Dianne. Kailangang niyang ibahin ang usapan at baka kung saan pa mapunta iyon.
"By the way, nirerequest ng daddy mo na magkita kayo next week," naging mahinahon na ang boses niya.
"Uuwi naman siya dito mamaya ha?" kumunot ang noo ni Ivan.
"I'm talking about Matthew."
Hindi nakasagot si Ivan at nagkunwaring tinutugtog ang gitara.
Dianne took the guitar away from him, "Ivan..."
"Ginagawa mo lang tayong kawawa e," sabi ni Ivan.
"He's still your father," malumanay na paliwanag ni Dianne. "Pumayag na rin siyang pag-aralin ka. Gusto ka niyang makausap."
"Daddy Ule is willing to shoulder my college too. Hindi na natin kailangang mamalimos sa kanya."
"Hindi responsibilidad ni Ulysses na gastusan ka," hindi na napigilan ni Dianne magtaas ng boses. "Hindi tayo dapat umasa sa kanya dahil baka sumbatan niya lang tayo sa huli-"
"Ganoon ba tingin mo kay daddy Ule?" halatang nag-init na rin ang ulo ng anak. "He offered his help dahil alam niyang nahihirapan tayo. Hindi katulad ng iba na iniipit tayo e alam na ngang kailangan natin ng tulong. Bakit kailangang pilitin mo si Matthew na tustusan ako e ayaw nga? Hindi lang naman ako sa sarili ko naaawa e pati na rin sa'yo kasi para kang pulubi na namamalimos sa kanya."
Hindi nakasagot si Dianne.
Tila nahimasmasan naman si Ivan at agad na humingi ng tawad. "Sorry."
"Sorry rin kung ganoon ang pakiramdam mo," masama ang loob na sabi ni Dianne. "Pero wala akong pakialam kahit magmuka akong pulubi basta makatapos ka ng pag-aaral at masiguro kong magiging maganda ang kinabukasan mo."
"Ma..."
"I'm sorry kung hindi kita kayang pag-aralin nang ako lang at kailangan ko pang magmakaawa sa kanya. Pero sana maintindihan mo na ginagawa ko lang ito para sa'yo. Nasasaktan ako na pati ikaw nadadamay sa problema ko kung saan kukuha ng tuition fee samantalang yung isang kapatid mo sa U.S. pa nag-aaral."
Tahimik na lumapit si Ivan at mahigpit siyang niyakap, "Fine. I'll visit him. Kailan ba?"
Hindi sumagot si Dianne at niyakap lang ang anak. Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Hindi kasi siya malambing sa anak at ganoon din ito. Tuwing nag-aaway sila noon ay nagkukulong lang ito sa kwarto at ilang araw siyang hindi kakausapin. Pero ngayon ay natuto nang mag-sorry at naglalabas na rin ng saloobin.
"Stop competing with Matthew's family. Hindi tayo mananalo roon kahit kailan," sabi ni Ivan. "Kung ayaw ni Matthew, hayaan mo na akong tanggapin ang tulong ni daddy Ule. Isa pa, sabi niya, susubukan niya raw akong gawing part-time sa banda nila. Kikita ako roon kahit konti kaya makakabayad din ako."
Napatingin si Dianne sa anak.
"Papayagan mo ako, 'di ba?" tanong ni Ivan.
Kumalas siya sa pagkakayakap dito, "He asked you to play in his band?"
Tumango si Ivan.
"Mag-uusap muna kami."
Halatang nanlumo si Ivan pero hindi na nagsalita pa.
"Fine," hindi rin nakatiis na pumayag si Dianne. Lalo pa nang maalala kung paano naging malambing ang anak kanina. Kailangan niya nga sigurong tanggapin na hindi niya na ito basta-basta mapapalayo kay Ulysses. "Basta ayokong mapabayaan mo ang pag-aaral mo. Isa pa, huwag mong i-pressure ang sarili mo na maging working student. Obligasyon kong humanap ng paraan kung paano ka pag-aaralin. Gusto ko lang na makatapos ka. Pumayag na akong tumira rito si Ulysses at pumapayag na rin akong isali ka niya kung saang kulto niya gusto kaya sana pagbigyan mo rin ako. Please give Matthew a chance."
Natatawang tumango si Ivan, "Oo na."
"At magpakabait ka ha?"
Napailing na lang ito at muling kinuha ang gitara.
Hindi naman mapakali si Dianne. Kailangang kausapin niya si Ulysses at pagsabihan ito na huwag basta-basta mag-aalok ng tulong kay Ivan. Mabuti na rin na makausap niya ito nang masinsinan at baka mag-isip na tinatake advantage niya ang pagiging malapit nito at ni Ivan para perahan ang lalaki.
Tanghali noon at day-off niya nang hindi sinasadyang magpang-abot sila ni Ulysses. Halatang sa ibang bahay ito nagpalipas ng gabi. Baka may girlfriend ito at ayaw lang sabihin sa kanila.
"Hi," kaswal na bati niya. Kasalukuyan siyang kumakain ng tanghalian habang nanonood ng T.V.
"Hi," napakunot ang noo ni Ulysses na tila nagulat. Kadalasan kasi ay dinededma niya lang ito. Naupo ito sa bakanteng silya sa tabi niya. "Ano'ng ulam? Pwedeng makikain?"
Nakaramdam ng kaba si Dianne. Ayaw niya sanang makasalo ito pero naisip niyang magandang pagkakataon na rin ito para makapag-usap sila.
"Corned beef," matabang na sagot niya. "Gusto mong kumain? Ikukuha kita."
"Sure," isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya nito. "Di pa nga ako kumakain. Nasaan nga pala si Ivan?"
"Nagkita sila ni Matthew."
Hindi na nagtanong pa si Ulysses.Siguradong nasabi na ni Ivan dito na makikipagkita ito sa tunay na ama.
Habang kumakain ay hindi maiwasang pagmasdan ni Dianne ang lalaki. Malaki na ang pinagbago nito mula sa patpating teenager na nakarelasyon niya. Lalo itong gumwapo at mas lumakas ang appeal. But he still has the devilish smile na kinahumalingan niya noon.
Agad siyang nagbawi ng tingin nang tumingin sa kanya si Ulysses.
"Siya nga pala, ibinigay sa akin ni Ivan 'yung bayad niyo sa renta para sa buwan na ito," kaswal na sabi ni Ulysses. "Kunin mo muna ulit kung kailangan mo."
Umiling si Dianne, "Ayokong maging pabigat kami sa'yo. Don't worry, babayaran ko yung balance sa katapusan."
"Dianne, hindi masamang aminin na nahihirapan ka. Sana isipin mo rin ang anak mo na naaapektuhan."
"Salamat ha sa pagsampal sa akin ng katotohanan," sarkastikong sagot ni Dianne. "Kaya ba inalok mo si Ivan na ikaw na ang gagastos sa college niya? Para ipamuka sa akin na wala akong kakayahan na pag-aralin siya?"
"Seryoso ka? Ganoon na ba ako kasama sa tingin mo?" hindi makapaniwala si Ulysses sa narinig. "Si Ivan lang ang concern ko dahil gusto kong makapagtapos yung bata. Malay ko bang mamasamain mo. Ayokong nahihirapan si Ivan na itinuring ko nang anak. Wala kang kinalaman dito."
Bahagya siyang nasaktan sa sagot ng lalaki pero siguro nga masyado lang natapakan ang pride niya kaya pinagdududahan niya lahat ng pinapakita nito.
"Ikaw pa rin ang masusunod," dagdag ni Ulysses. "Pero sana huwag mong masamain kung gusto ko mang tulungan si Ivan. I just want the best for him."
"Salamat," mahinang sabi ni Dianne. "Pero sapat na 'yung kinilala mo siya. Si Matthew pa rin ang dapat managot. Hindi mo obligasyon na tustusan ang pag-aaral niya."
Hindi na sumagot si Ulysses.
"At sana huwag mo ring isipin na nag-tatake advantage ako sa pagiging malapit mo kay Ivan. You can leave whenever you want. Wala akong balak gamitin ang anak ko para huthutan ka-"
Hindi na napigilang matawa ni Ulysses. Nakaramdam naman ng pagkapahiya si Dianne. Pero mabuti na rin yung ngayon pa lang e magkaliwanagan na sila.
"Masyado yata akong bata para maging sugar daddy," napapailing na sabi nito. "Alam mo kung anong hirap sa'yo, akala mo lahat ng tao katulad ng ex mo."
"Sinong ex ko?" bwelta ni Dianne. "Lahat kasi ng ex ko niloko lang ako."
Nawala ang ngiti ni Ulysses.
"Hindi ako katulad mag-isip ni Matthew," seryoso nang sabi nito. "Alam ko na walang kapatawaran ang nagawa kong pag-alis at pag-abandona kay Ivan ng ilang taon. Alam kong hindi mapapantayan ng pera ang sakripisyo mo sa kanya at hindi tama na umalis ako nang walang paalam at bumalik lang kung kailan matanda na si Ivan at handa na akong maging tatay ulit. Pero please naman, huwag mo naman akong ikumpara sa ex mo. Nakaka offend e. Kahit naman matagal akong nawala, hindi ko naman inapi si Ivan. Tinanong mo ba ako kung saan ako nagpunta at ano nangyari sa akin habang wala ako? Tsaka sandali lang ha, niloko kita? Kailan? Ang natatandaan ko ikaw ang nanloko sa ating dalawa-"
"May binanggit ba akong pangalan ha?" galit na tanong ni Dianne. "Bakit defensive ka agad? Pero sige, dahil inako mo na rin at mahilig kang mang-ako nang hindi naman sa'yo, ikaw na. Ikaw naman talaga ang naunang nanloko ha. At sigurado ka bang niloko kita? Hinayaan mo ba akong magpaliwanag? Hindi naman, 'di ba?"
"Kaya nga binibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag e. Sige, magpaliwanag ka ngayon," frustrated na hamon ni Ulysses. Tila nagbalik sa kanya ang nakaraan kung saan madalas silang mag-away ng babae. It was a toxic relationship and not the sweet first love na naranasan niya kay Phoenix. Pero kahit kailan ay hindi niya naisip na hiwalayan si Dianne at hindi siya napagod na makipag-ayos dito. Dahil alam niyang mahal niya ito and he's willing to save their relationship kahit ilang beses pa silang mag-away na kung ibang babae siguro ay hindi na siya mag-aaksaya ng panahon makipagtalo at hihiwalayan niya na lang nang matapos na ang paghihirap niya. But Dianne was different. Hindi niya rin maintindihan kung bakit baliw na baliw siya rito noon.
"Hindi na kailangan," halata na rin ang frustration sa babae. "Kahit ano pang malaman mo, para sa'yo naman masama ako. For god sake naman, Ulysses, hindi na tayo mga bata para mag-away pa. Let's stay civil para kay Ivan. Sabi mo nga, siya lang ang concern mo, 'di ba? So ano'ng silbi na pag-usapan pa natin ang nakaraan?"
Napailing si Ulysses pero mahinahon na ito nang magsalita. Tila napagod na rin, "Ikaw naman ang nauna e. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo na lang sabihin ang lahat para matapos na."
"Tapos ka nang kumain?" halatang iniba ni Dianne ang usapan. "Akin na yang plato mo, huhugasan ko."
"It's okay if you think I don't deserve an explanation. Hindi kita pipilitin," imbes na ibigay ang plato ay lumapit sa kanya si Ulysses. "I just want you to know na malinis ang intensyon ko sa pagtulong kay Ivan. Ayoko ring pangunahan ka pero hayaan mo sanang mag-desisyon si Ivan regarding Matthew. Mabait si Ivan. Matatanggap niya rin si Matthew. Siguro hindi ngayon. Pero sa ginagawa mong pamimilit sa kanya, lalo lang siyang napapalayo."
"Salamat sa concern. Pero hindi mo na kami dapat problemahin pa," bahagyang ngumiti si Dianne. "I'm grateful though dahil nandyan ka for Ivan. Malaki ang pinagbago niya nung bumalik ka. Sana huwag mo siyang kalimutan kahit magkaroon ka na ng sariling pamilya. Pero alam ko namang maiintindihan niya na hindi na kayo pwedeng maging katulad ng dati."
Hindi nakasagot si Ulysses.
Tumayo na si Dianne at kinuha ang pinagkainan nila. Maghuhugas sana siya ng plato nang nag-ring ang cellphone ni Ulysses. Narinig niyang sinagot nito iyon at kahit siya ay kinabahan nang mag-panic si Ulysses.
"A-anong nangyari?" concern na tanong ni Dianne. Ngayon niya lang nakitang kinabahan nang ganoon ang lalaki.
"Binugbog si Ivan. He's in the hospital," nagmamadaling lumabas ng bahay si Ulysses at wala sa sariling sumunod si Dianne dito.