Matagal nang nakaalis si Ulysses pero hindi pa rin maalis sa isip ni Dianne ang naging reaksyon ng binata. Kahit nasaktan siya, hindi maikakailang nasaktan din ang lalaki, which only means that he cares about their relationship. Dahil kung hindi, hindi ito maaapektuhan nang ganoon. Siguro masyado lang siyang insecure kaya siya nag-iisip nang kung ano-ano. Maybe, Ulysses loves her dahil kung anak lang ang habol nito sa kanya, bakit sa kanya pa? Pwede naman itong magkaanak sa iba. "Don't run after her, Dianne," sabi ng isang bahagi ng isip niya. "Your relationship won't changed dahil lagi mo siyang pinapatawad tapos hindi naman siya nagbabago. Sasaktan ka niya tapos mag-sosorry tapos you'll forgive him. Then the cycle continues. He's no longer nineteen. Twenty nine na siya. He should have

