"Seryoso, kuya Yong?" hindi makapaniwala si Phoenix. "Sorry, Nix, iyon lang talaga naisip kong paraan," katwiran ni Yong. Napakamot pa ito sa batok. Dahil maraming nakakita at may ilang member ng press ang nandoon ay kailangang bayaran ni Yong ang mga ito for a news block out. Sa kasamaang palad, nakalusot pa rin ang ibang reporters, "Kapag nalaman ng public ang tungkol kay Dianne, mas maraming mauungkat sa nakaraan ni Ulysses. Buti nga napakiusapan pa 'yung nakaaway ni Ule na huwag nang magsalita. Anak pala ng may-ari ng hotel iyon." Hiyang-hiya si Dianne sa nalaman. "I-I'm sorry, Phoenix. Sorry, guys." "Bakit ikaw ang nag-sosorry?" maang na tanong ni Phoenix. "Hindi mo naman kasalanang immature itong dyowa mo e. Hayaan mo na. Madali namang i-deny iyon. Tsaka maganda ring publicity iy

