"Hi, Ule," kaswal na bati ni Phoenix. "Parating na raw si Otap. Medyo na-traffic lang." Tinanguan lang ni Marco si Ulysses at nagpatuloy sa pag-haharvest ng farm nito sa mobile gaming app. "H-Hi," alanganing bati ni Dianne. "Hello," pormal na sagot ni Ulysses bago tinawag si Phoenix, "Can we talk?" Sumunod si Phoenix sa loob ng opisina ni Ulysses. "Huwag mo na lang pansinin iyon," ngumiti si Marco. "Susundan ko lang sila. Baka magkabalikan." Kahit papaano ay napangiti si Dianne sa biro ni Marco. Inabot nito sa kanya ang cellphone. "Paki harvest naman yung farm ko. Kailangan kong maunahan si Phoenix e." Tuluyan nang natawa si Dianne. Napatigil sila nang makitang nanonood si Ulysses. Halatang hindi nito nagustuhan ang eksena. "Gusto rin kitang makausap," he said to Marco bago buma

